After that day and night, mas naging busy na siya lalo. Kulang nanaman sa tulog, at parang hindi nanaman niya naalagaan ang sarili.
This is so familiar.
Paulit-ulit akong nagdadasal na sana hindi maulit ang nangyari noon. Tama na, 'wag na.
I'm glad na paminsan-minsan nakakasabay siya sa pag-uwi sa'kin, minsan hindi. Minsan late na siya umuuwi, nagigising na lang ako sa umaga na katabi ko na siyang natutulog.
Sa tuwing nagtatanong ako, pasimple niyang iniiba topic. Parang ayaw niyang pag-usapan namin ang tungkol doon.
But I will never give up until she's ready to tell.
'Yung problema ko kay Lyric hindi pa naa-ayos, at hanggang kaya pa ng oras ko, aayusin ko na.
"Lian! Wait lang oi!"
Napapikit ako nang marinig ko ang matinis na boses na iyon. Kanino pa ba galing? Kay Snow.
Si Claire naka sunod lang sa likod niya.
"Hindi ka na namin nakakasama these past few days, ano ate? Iniiwasan mo kami?" Sabi niya nang tuluyan na siyang nakalapit sa'kin. Umirap pa ang gaga.
"Nasan si Lyric?" Tanong ko. Sinadya kong hindi sagutin ang tanong niya para mas lalong mainis.
"Malay naman doon?!" Patanong niyang sagot sabay hampas sa braso ko.
"Tara, kain, lunch" Aya niya at bago pa ako makatanggi, hinili na niya ako.
Nilingon ko si Claire para tignan kung naka sunod siya. Nang makitang naglalakad naman siya kasunod namin, nginitian ko siya.
---------------
"Eh paano mo kakausapin si Lyric niyan?" Si Snow.
Kinwento ko kasi kung bakit naging busy na ako these days, bukos sa mga pinapasang plate, sinabi ko na rin ang sitwasyon namin ngayon.
"hindi ko alam, siguro kapag nakito ko siya diyan." Sagot ko. Tumango siya.
"Nga pala, starting nanaman ng training next week. Putek." Si Claire.
Kumakain pa siya habang may ginagawa sa MacBook niya.
"Stress is waving" Tugon ni Snow.
"Ano ba kasi 'yang ginagawa mo?" Tanong ko at sumulyap sa MacBook niya.
May kung ano siyang ginagawa essay.
"Research 'yan?" Tanong ko. Tumango naman siya.
"Good luck" Natatawa kong sabi dahil hindi na maipaliwanag ang hitsura niya.
Stress na stress e.
"Si Lyric oh"
Napatingin ako sa likod ko nang tinuro ni Snow iyon.
Saglit na nagtama ang tingin namin ni Lyric pero agad din siyang umiwas. Napabuntong-hininga ako.
Nilabas ko ang cellphone ko. This is the first time I will text her after our misunderstanding.
Gladly she didn't blocked me, ganon din naman ako sakanya.
:Lian Cenatar
Can we talk?Binaba ko kaagad ang cellphone ko at tumingin kung nasan sila Lyric. Madalas na niyang kasama ang mga teammates niya sa basketball noong humiwalay siya sa'ming tatlo.
Nakita ko ang pagsulyap niya sa cellphone at binalingan ako ng tingin, this time, hindi siya umiwas. Mukhang nagdadalawang isip pa siya replyan ako, but in the end ay ginawa rin.
YOU ARE READING
Academia Soul (CTR series #3)
RomansaLove in a storm is like the fierce winds that sweep across the landscape, powerful and uncontainable. It is the lightning that illuminates the darkest corners, revealing truths in stark flashes of clarity. The thunder is its voice, echoing through t...