Battle for gold. Game one.
Eto na ang totoong laro para sa gold trophy and medals. Ang sosyal ng mga tao ngayon dahil mas lumalala ang props nila.
Nakakatuwa lang dahil talagang may nagdala pa ng tambol, sa side pa namin iyon.
Isang araw lang sa pahinga namin pagkatapos ng semi finals.
At ngayon ay lalaban na talaga kami, heto na ang totoong laban.
Nandito kami ngayon sa backstage sa right side ng court for grand entrance.
Taray no? Grand entrance ang atake, may pa lights off pa 'yan sila. Napaka oa talaga.
Unang lumabas ang mga bench, tapos 'yung first six, isa-isang tatawagin para lumabas.
Pinaghandaan namin ang game na 'to, kaya kahit magsisimula na, kaming mga first nandito'd nagu-usap pa rin.
Si Martha masiyadong kinakabahan. Halos limang beses na ata niya kaming niremind na gawin lang namin 'yung best namin, tapos kung anong position namin, doon lang kami magfo-focus, tapos focus din daw sa bola.
Halos mamemorize ko na nga e!
Pinapila na kami para sa sunod-sunod na lalabas. Pang-apat ako, si Martha ang mauuna kasi siya ang team captain.
"Good luck" Bulong ni Snow na nasa likod ko. Siya ang huling lalabas.
"Good luck din" I gently said. Mahina niyang tinapik-tapik ang likod ko.
Huminga ako nang malalim noong nakalabas na 'yung tatlo sa harap ko. Pinagkiskis ko ang dalawang palad habang naghihintay sabihin ang pangalan ko.
"And now, stepping onto the court with the distinctive jersey number 6, is Lilian Fyole Cenatar, the libero for Harvestern University team. Renowned for her incredible defensive skills and quick reflexes, she's the backbone of the team's defense."
When the commenter started telling my name, tsaka naman binuksan ang black curtain para makalabas ako. While the commenter is still talking, mabilis akong kumaway sa camera na ikinatili ng mga tao. I run– parang jogging nga lang e, toward my teammates ang coaches. Noong una wala pa akong makita at kamuntikan pa akong maligaw kung hindi lang ako tinawag ni Martha at sinabing paiba na ako ng daan.
Tumawa kami dahil doon! Nakakahiya. Wala naman kasing kahit anong ilaw bukod sa ilaw mula sa crowd at ang spotlight na sa'min lang nakatutok.
Nakipag high five ako sa mga teammates at coaches namin. Nang makikipag-high five na ako sa head coach namin, kininditan ko siya na ikina kunot ng noo niya.
Tumakbo na ako papunta sa tatlo na naghihintay din. Nakipag high five rin ako sakanila.
Sunod naman na tinawag ay si Snow. Katulad ko ay ganon din ang ginawa niya, hanggang sa nakipag high five rin siya sa'ming apat.
Hanggang sa natawag na kaming lahat. Sunod naman ay ang mga players ng YU, ganon din ang ginawa nila.
Habang ina-announce ng commenter ang pangalan nila, nakanood lang ako. May sinasabi si Martha kaya paminsan-minsan ay nakikinig ako.
Hanggang sa tapos na at nag lights on na. Doon ko lang nainag ang mga pagmumukha netong mga 'to.
Pumwesto na kami sa kanya-kanya naming puwesto sa loob ng court. Si Martha ulit ang unang magse-serve kaya wala siya sa gitna.
-------------
"Double touch 'yun, hindi ba may violation 'yun?!" Pasigaw na tanong ni Martha sa referee, randam mo na ang inis.
"Ica-call out lang 'yun kapag nakita ng referee pero wala ni isa sa'min ang nakakita kaya hindi masasabi kung double touch nga." Sagot ng referee na napasalubong ng kilay ko.

YOU ARE READING
Academia Soul (CTR series #3)
RomansaLove in a storm is like the fierce winds that sweep across the landscape, powerful and uncontainable. It is the lightning that illuminates the darkest corners, revealing truths in stark flashes of clarity. The thunder is its voice, echoing through t...