NO SPOILERS FOR THIS CHAPTER.
Isang taong talaga akong hindi maga-update kapag nakakita ako ng content about sa chapter na 'to sa TikTok. Hmp.
"So... Hija, what's your plan for your wedding?"
Bigla akong kinabahan nang lahat sila tumingin sa katabi ko. Ang katabi ko naman ay hindi man lang nagtaas ng tingin mula sa plato niya.
W-what wedding?
"Gratia, anak–"
"There's no wedding will happen." She answered that made others gasp, ang iba ay natahimik.
Tumingin ako kay tita Irish, I saw how she gulp and almost rolled her eyes.
Bigla akong kinabahan dahil sa biglang naging tense ang paligid.
What wedding are they talking about? Bakit sila tumingin kay Calliope?
Sa pagkakaalam ko, wala kaming pinagu-usapan na kasal. Not until I graduate.
"But anak–"
Calliope immediately cut her father. "I have a girlfriend." Kalmado pero puno ng gigil na sabi niya.
I felt how she gripped my hand the moment she said it. Lahat naman ng tingin nila dumako sa'kin, siguro ay napansin nilang nakatingin ako sa katabi ko.
"But that's not enough reason–"
"Shut up."
Napalunok ako nang narinig ko ang tono na iyon na isang beses ko lang narinig– Noong wala pang kami at nagselos siya. The confrontation in the exit stairs at the school.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, mas malala pa kapag nakakaramdam ako ng kilig.
"Gratia!" Suway ng father niya. Binalingan siya ng tingin netong katabi ko.
"What?"
Natatakot ako. Nakakatakot ang presensya niya, pati mga tao sa paligid ay mukhang natatakot din sa presensya neto.
"You can't just say no because– Oh it is because of her?"
Bahagyang nanlaki ang mata ko nung napatingin sa'kin ang tatay niya. May pumaskil na ngisi sa labi niya.
"And when I say yes?" Sagot netong katabi ko.
Hindi ako makapaniwalang kaya niyang sagot-sagutin ang tatay niya sa harap ng sobrang daming tao!
Hindi lang ang mga tao dito sa table ang nakaramdam ng mabigat na presensyang namamagitan sa mag-amang 'to, pati mga tao sa ibang table.
Tumawa ang matanda. "Is she your rumored girlfriend?"
I bit my lower lip. Hindi man lang siya sinusubakang suwayin nung asawa niya, napatingin ako kay Kai kai. Naga-alala ang mga tingin niya sa'kin.
"She's my REAL and OFFICIAL girlfriend, old man."
Pinisil ko ang kamay ni Calliope dahil sa paraan ng pagtawag niya sa tatay niya. Agad na nag bulungan ang mga tao dito sa loob.
Gusto kong magsalita, gusto kong suwayin si Calliope pero parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ko man lang magawang igalaw man lang ang labi ko.
Mula kay Kai kai, napatingin ako sa step mom nila. She's looking at nobody, deretso ang tingin niya sa plato.
"Oh doesn't she know that you're engaged?"
Hearing those words from her father saying it to my girlfriend.... infront of me broke my heart into pieces.
Hinila ko ang kamay ko na nakahawak sa kamay ni Calliope pero mas hinigpitan niya pa ang hawak sa'kin. Tumingin ako sakanya at kumurap-kurap para pigilan ang pagbuo ng luha sa mga mata ko.
YOU ARE READING
Academia Soul (CTR series #3)
RomanceLove in a storm is like the fierce winds that sweep across the landscape, powerful and uncontainable. It is the lightning that illuminates the darkest corners, revealing truths in stark flashes of clarity. The thunder is its voice, echoing through t...