chapter 5

5.2K 153 20
                                    

Nakakaantok naman. Puro discussion, pero heto ako't hindi nakikinig. Nag advance study naman na ako since sinend ng president namin ang pdf sa mga lessons, kaya okay lang kapag may quiz. Mapapasa ko naman siguro.

Tumatakbo kasi ang isip ko sa kung ano-anong bagay.

Natapos ang klase nang walang quiz. Lunch break na ulit kaya sa cafeteria nanaman ang daan ko.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at tinignan kung sino ang nag message.

Prof Sullivan:

Come in my office after your class.

Twenty minutes ago ang message. Nagdalawang isip pa ako pero sa huli ay nagpaalam lang din kay Lyric.

Yup. Binigay ni Prof Sullivan ang number niya sa'kin kahapon, which is weird. Binigay ko rin naman number ko.

Fair lang.

Tinahak ko ang daan papunta sa faculty room nila. Tatlong beses akong kumatok bago pumasok, nandoon lang naman siya.

"Bakit ma'am?" Bungad ko.

May kinuha siyang paper bag at may nilabas na dalawang lunch box. Nakatitig lang ako doon.

"Did you brought food?" She asked, umiling ako.

Tinulak niya ang lunch box niya sa direksyon ko.

"Sit here and eat." Utos niya bago kinuha 'yung isa pang swivel chair at pinwesto sa tabi niya.

Pino-process ko sa isip ko ang sinabi niya...

"Cenatar"

"Ha?"

"Do I need to repeat my self?"

Umiling ako bago umupo. Nakakahiya 'to!

After our interaction last night in the library, parang nag iba siya. Para lang siyang si Ate Elaina, akala mo masungit at ubod ng sama ng ugali pero kapag naging close mo ay may tinatago pa lang sweetness.

She opened the lunch box nang siguro ay mapansin niyang hindi pa rin ako kumikilos. Naamoy ko agad ang masarap ng amoy ng pagkain mula doon.

"Seryoso ma'am, akin 'to?" Paninigurado kong tanong. Isang beses siyang tumango.

"Foods in the cafeteria aren't healthy." Sabi niya habang nginunguya ko 'yung sinubo ko. Nilunok ko iyon bago sumagot.

"Puro vegetables naman 'yung tinda ah?"

"You're not sure if they are washing it enough. Germs and dirt might stay." Sabi niya kaya tumango-tango ako. Well, may punto naman.

"Malinis naman 'yung cafeteria ah?" Rebutt ko ulit. Kung tutuusin may aircon pa nga 'yung cafeteria namin e.

"Stop talking and just eat."

Napanguso ako sa sinabi niya bago pinagpatuloy ang pagkain.

Nauna siyang natapos kumain bago ako. Ako na ang nagligpit ng pinagkainan ko bago i-abot sakanya.

Binalik niya iyon sa paper bag at kumuha ng tissue. Kinuha ko naman 'yung tumbler ko at uminom.

"Face me" Sabi niya kaya lumingon ako.

Napasinghap ako nang bigla niyang punasan ang gilid ng labi ko gamit 'yung tissue na kinuha niya.

Nasa mga labi ko ang tingin niya habang pinupunasan niya iyon, ako ay sakanyang mukha.

Eto nanaman ang unfamiliar feelings ko! Hindi maipaliwanag e.

Nakaramdam ako ng kaba when she looked back at my eyes, sobrang lapit pa rin ng mukha niya sa akin.

Academia Soul (CTR series #3)Where stories live. Discover now