After what Snow said, mas naging awkward na ang surrounding, o ako lang ang nakakaramdam non?
Bukod kasi doon ay parang napahiya si Coach Daisy dahil doon, hindi ko napansin sabay pala silang kumuha ni Clair nung chocolate truffles.
Kahit naman nagseselos ako, why did I felt bad for coach Daisy? Lalo na ngayon na parang binagsakan siya ng lupa.
From being talkative to my girlfriend, bigla siyang natahimik sa kinauupuan niya at nag focus na lang doon sa kinakain niya.
I raised my head to look at my girlfriend, nakatitig din pala siya sa'kin pero hindi ko masabi kung kanina pa.
"After eating, let's have a swimming here!" Sabi ni Coach Tin. Nag agree naman 'yung mga coaches sa basketball team.
Magkahiwalay ang mga lamesa namin dahil na rin sa sobrang dami namin.
Instead of thinking of it, tinuon ko na lang atensyon ko sa kinakain.
----------------
"Maliligo ka?" Tanong ko kay Snow na ngayon ay nakalublob na ang kalahating hita sa tubig ng pool.
Tumango siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "I think you need to change na bff kung wala kang suot panloob diyan sa dress mo."
"Tinatamad ako" Sabi ko bago umupo sa tabi niya. Nilublob ko rin ang hita sa tubig.
"Walang puwedeng tamarin kapag nasa vacation, be. Let's go, tulungan kita magpalit." Sabi niya sabay hila ng kamay ko patayo.
Magrereklamo na sana ako pero hinila na niya ako nang tuluyan paalis doon! Bumalik kami sa loob ng resort.
Actually, hindi naman talaga ako tinatamad maligo. Ayaw ko lang magsuot ng swimsuit kahit puro babae naman kaming nandito, iilang coaches lang 'yung lalaki, but that didn't change the fact na naiilang ako!
Kung pwede nga lang mag rush guard sa pool ay ginawa ko na, kaso binilinan kami ng staff ng resort na bawal raw.
"May dala ka naman sigurong swimsuit, ano?" Tanong ni Snow bago niya ako hinila pabalik doon sa room namin.
"Meron–"
"Perfect! madami?"
"Siguro?" Patanong kong sagot. Hindi rin kasi ako sure dahil si Mommy ang naghanda ng mga susuotin ko– Or should I say more om swimsuits?
"Ano ba 'yan! Gamit mo hindi mo alam!" Sabi niya kaya mahina akong tumawa.
Sinabi niyang ilabas ko lahat ng swimsuits na dala ko kaya lumapit ako doon sa travel bag at kinuha 'yung mga tinutukoy niya.
Binato ko 'yun sakanya na agad niyang sinalo. Tapos inisa-isa niya.
"Hindi ako komportable sa mga ganiyan–"
"Eto! Eto! Bagay sa'yo." Sabi niya at tinaas 'yung color beige na two piece bikini na halos lingerie na sa sobrang revealing!
Iiling na sana ako para tumanggi pero inunahan nanaman ako ni Snow. "This will fit on your body, go on, try this!" Sabi at excited pa.
Napakurap-kurap na lang ako lalo na noong tinulak niya papasok sa loob tapos nilagay pa sa dibdib ko 'yung napili niya.
Nang tuluyan na niyang naisara 'yung pinto, lumingon ako sa gilid ko, doon nakita ko ang sarili sa salamin. Parang wala sa sarili!
Tinignan ko ulit 'yung two piece bikini. It's a tie knot halter bikini. Hindi naman ganon kanipis 'yung pang baba but still, parang ayaw ko pa rin.
Pero...
YOU ARE READING
Academia Soul (CTR series #3)
RomanceLove in a storm is like the fierce winds that sweep across the landscape, powerful and uncontainable. It is the lightning that illuminates the darkest corners, revealing truths in stark flashes of clarity. The thunder is its voice, echoing through t...