chapter 42

3.3K 76 11
                                    

Bumalik ako sa condo ni Calliope nang may dala-dalang tatlong paper bag sa kamay ko.

Kung nagtataka kayo kung anong laman non... Wala. Puro pagkain.

Ang exag naman kasi mag order ng nanay ni Calliope! Nagulat na lang ako kanina noong binigay sa'kin nung waiter 'tong tatlong paper bag tapos sinabing sa'kin daw lahat 'to.

Nang makarating ako sa hallway ng unit number niya, agad kong tinahak ang daan papunta doon.

May binigay naman siyang duplicate key card sa'kin kaya hindi ko na kailangan kumatok.

Kinuha ko iyon sa likod ng bulsa ng suot kong jeans. Hinanda ko na talaga 'to kanina nang nasa loob pa ako ng elevator.

Dinampi ko iyon sa scanner para bumukas 'yung pinto. Binuksan ko nang maluwag 'yung pinto para makapasok ako nang tuluyan.

Tinanggal ko ang suot kong sapatos at tinabi iyon.

Natigilan ako nang maabutan ko ang girlfriend kong kaliwa't kanan na naglalakad sa tapat ng hot tub niya.

Nakahawak siya sa buhok habang may paulit-ulit na dina-dial sa number niya, nakalagay kasi ang cellphone niya sa kanyang tenga habang hawak-hawak iyon ng kaliwang kamay niya.

Naramdaman niya siguro ang presensya ko kaya mabilis siyang napalingon sa kinatatayuan ko.

Ngumiti ako. "Good–"

"Fuck" She cursed na ikinalaki ng mata ko. Mabilis pa sa alas kuwatrong naglakad siya palapit sa'kin at kinulong ako sa mahigpit na yakap.

"B-bakit...?"

Medyo nakaramdam ako ng kaba dahil sa naging aksyon niya!

"Where did you go?" She calmly asked after letting me go. Kahit kalmado, halata mo ang takot sa mga mata niya. Pawis na pawis din siya kahit sobrang lamig naman ng aircon dito sa loob.

"Inaya ako... Teka nga, bakit? Anong meron? Bakit parang kinakabahan ka?" Kunot noong tanong ko at pinasadan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa niya.

Hindi pa siya nakakapagpalit ng damit. Suot pa rin niya 'yung jogger pants at sando niya.

"I thought..." She bit her lower lip and looked straight at my eyes. "I thought something bad happened to you. I woke up without you on my side, I roamed around, but not even a shadow of you was visible... I started to feel nervous so I kept calling you, and your friends. Even your parents." Mahaba niyang alintana na siyang ikinagulat ko.

"Sorry– Naka silent kasi cellphone ko e." Paghingi ko ng tawad at marahang binitawan 'yung paper bag at hinila ulit siya para yakapin.

She hugged me back. I can feel her sighing so heavy.

Nang masiguradong kumalma na siya, humiwalay na ako. Pinakatitigan ko siya, kahit kumalma na siya ay kitang-kita pa rin ang takot sa mga mata niya.

"Your mom– step mom invited me for a lunch. Hindi na kita ginising kasi ang lalim pa ng tulog mo, tapos alas tres ka na nakatulog kanina." I explained. Marahan siyang napatango-tango.

"It's okay. Just please don't do it again... You don't know how much I'm worried about you. I can explore the whole world to find you if it's necessary especially if it'll happen again." She said na ikinatawa ko.

"I'll be always fine. I promise." Sabi ko at hinaplos ang pisngi niya. I gave her a reassuring smile before carrying the paper bags again.

"What's that?" She asked nang maglakad ako papunta sa kusina niya. Nakasunod naman siya.

"Pa take out ng nanay mo" Sagot ko.

"My mom is dead."

"Pfft..." Pagpigil ko ng tawa sa sinabi niya. Kumunot ang noo niya sa naging reaksyon ko.

Academia Soul (CTR series #3)Where stories live. Discover now