CHAPTER 4

134 6 1
                                    

After taking a shower, I just put on light makeup and let my black wavy hair down to my waist. I smiled widely and kissed myself in the mirror. There was still lipstick left on it so I chuckled while wiping it using the paper towel.

I hummed a tune as I descended the stairs gently because I was wearing my blue heels. Clumsy pa naman ako at palaging nadadapa. Maganda nga pero napaka-clumsy naman!

At ako lang yata ‘yung ganito kalala ang saya ng mood without knowing saan ako pupunta ba’t ako nagpaganda.

Inirapan ko si Aileen nang madaanan ko siya habang nakayuko sa akin.

“Ang ganda mo po, ma’am,” pansin niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

“Well, thanks.” But I appreciate it. Siya lang ang palaging pumupuri sa akin ng ganun. Malawak ang ngiti niya sa akin hanggang sa masundan niya ako ng tingin.

Tsk. She’s weird. Sa lahat ng tinatarayan siya pa ang masaya.

Napansin ko si Mommy na kakababa niya ang phone bago humarap sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay habang pinagmamasdan ang buong suot ko.

“Nice. You're beautiful,” puri niya at hinawakan pa ang mukha ko. “Mana ka sa akin.”

“Mommy, saan tayo pupunta?” tanong ko. Nakabihis din siya na pang-pormal. Fitted dress then with high heels. Sa kanya ko namana ang fashion ko.

“Basta!” singhal niya. “Let’s go,” tapos ngumisi siya. I just shrugged. Ano na naman kayang pakulo ni Mommy? Idinamay niya pa ako! Pero sana masaya ‘to kasi isang surprise lang ay mawawala na ang tampo ko sa kanya.

As soon as my mommy turned left, bumuo na ang pagtataka ko. We stopped in front of the breathing huge gate of the University, Gangwa College City, where I studied. Parang kahapon lang welcome na welcome ako sa loob nito.

“Get off the car,” utos ni mommy. A freezing wind was caressing against my cheeks. Huminga ako ng malalim to feel the fresh air. Narelax ako kahit papaano.

Ahhh…

I missed my school! Parang yesterday lang nag-graduate ako rito. Huhu! Parang gusto ko pang mag-aral pero ‘wag naman sana dahil ayoko na ng stress, my goodness!

I raised my eyebrows, the wind sending me shivers feeling down through my body. Have you ever had the feeling that something important is about to occur but you are unable to put your finger on it? That’s exactly how I was feeling at this point.

Removing all those thoughts, I shook my head.

I turned around my gaze and an expensive car in the parking lot just grabbed my attention. Napataas ang kilay ko at inobserbahan ang buong kotse.

Kanino kotse ‘to? It appears incredibly sophisticated! Talo niya ang kalinisan ni Mr. Clean.

“Mukhang nandito na siya,” nakangiting banggit ni Mommy nang hindi nakaharap sa akin. “Hinihigop talaga ako ng kagwapuhan ng taong ‘to!” kilig na kilig nitong sambit kaya’t kumunot ang aking noo.

“Sino po?” curious na tanong ko habang nagkakamot ng siko.

Iba na naman ba ang lalaki ni Mommy? Oh well, may nakita kasi ako n’ong nagthrow siya ng party sa amin at wala roon si Daddy. Nakita ko siyang nakikipagyakapan at nakikipaghalikan sa lalaking elegante. Hindi ko siya sinumbong kay Daddy noon dahil alam kong mag-aaway na naman sila na ikakatrauma ko.

Ganyan naman si Mommy palagi napakarami niyang lalaki.

Hindi naman talaga nagmamahalan si Daddy at Mommy. Ewan ko ba, hindi ko magets ang relationship nila. Arranged marriage lang kasi sila eh tapos parang nabuntis lang ni Dad si Mommy. Tapos ito, ako ang bunga. Kaya naman siguro wala silang pakialam sa akin dahil bunga lang ako ng pagkakamali.

At least hindi nananakit ng babae si Daddy. Hindi ko matatanggap kung sasaktan niya ang mommy ko. Kahit papaano may care pa rin naman ako bawat isa sa kanila. Pero ‘di nambababae si Daddy.

Nagpaganda ako nang makita ko ang reflection ko sa car namin.

“Sino po, Mommy?” takang tanong ko ulit. Kulang na lang kasi mag-talon-talon siya sa saya. Ngumiti siya ng malapad at kinapitan ang kamay ko para hilain ako at mapalapit sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa noo at pisngi. “Bakit po?” takang tanong ko. Ngayon lang niya yata ginawa ang ganitong bagay.

“Baby girl. You are only my child and daughter. Be good to him, okay? Kakamustahin kita palagi sa kanya.” I crumpled my forehead in confusion. “And as what I said, palagi ka dapat nagpapaganda. Don’t forget ang skincare at palagi ka dapat nagpapabango at naliligo. Maging ang damit mo ay dapat revealing kapag kayo lang dalawa sa iisang pwesto, hmm?”

“What do you mean, mommy?” Anong ‘be good to him’? At anong mga pinagsasabi niyang reve-revealing?

Eh puro pajamas nga ako sa bahay.

Mayroon akong nakitang mga lalaking malalaki ang katawan. Mga apat sila. Mukha silang mga bodyguards ng isang mayamang tao. Ganito kasi ang mga uniform na nakikita ko sa TV e tapos naka-shade para hindi mainitan sa sinag ng araw.

Wait, familiar sila ah. Para kasing nakita ko na sila, hindi ko lang natatandaan kung kailan. Pero mostly dito mismo sa labas ng school sila nakatayo.

“Sige na, kunin niyo na ang mga gamit ng anak ko sa kotse,” utos ni Mommy. Kumapit ako sa mga kamay niya at tinitigan siya na may malalim na ibig-sabihin. “Inutusan ko ang mga katulong na ayusin ang mga gamit mo while you are taking a bath.”

“What is the meaning of this, mommy?” nangangambang tanong ko at kumapit sa mga kamay niya ng mahigpit. “Please, answer me.”

“Just be a good girl with Mr. Tuazon and he will treat you well, my baby girl,” she remarked softly and caressed my cheek. Kaagad na namuo ang luha ko sa mata ko.

“M-Mommy, what do you mean? Ipapamigay mo ako?” I stuttered. Muntikan akong mawalan ng hininga ng tumango siya. “W-Why, mommy? Why? No, please. No. No, mommy!” Hinalikan ko ang mga kamay niya ng ilang beses habang umiiling. “Magpapakabait po ako, mommy. I promise! Gagawin ko lahat ng iuutos mo. Hindi na ako tatakas or kahit ano. Please, mommy…please!” pagmamakaawa ko pa. She gasped and glared at me. Mas lalong tumaas ang pangangamba ko sa itinugon niyang ekspresyon.

Binitawan naman niya ako ng marahas. “Shut up! Mag-behave ka ha! Kapag naturn off sa ‘yo si Mr. Tuazon, isasampal ko sa ‘yo ‘yang mga bagahe mo!” singhal niya at tinulak ako palayo sa kanya. I flinched when someone was on my back. Nauntog ang likod ng ulo ko.

“It seems like you’re too hot-headed with your child, Mrs. Fernandez. Just be careful with your hurtful words towards her because from now on, I will be the one facing you. Sinasabi ko ngayon sa ‘yo na kaya kong gawin lahat ng paghihirap na kaya kong ipagawa. Baka gusto mong maranasan ‘yon?” A cold and detached voice resonated from behind me, kaya kaagad akong humarap kung saan nanggaling ang boses na ‘yon.

My jaw dropped when I saw his face. The owner of the campus, Mr. Adrious Caesar Tuazon! Hindi ko siya kaagad na-recognize on his surname. He often visits this school and I know him! He is a kind man. Anong ginagawa niya rito?

Palagi siyang nakikihalubilo sa mga nag-aaral sa kanyang campus at binibigyan niya kami minsan ng one hour and thirty minutes break time.

Kahit na nakaharap ako habang nakanganga, wala siyang ibang sinabi sa akin.

But I scented his perfume. So manly! I always smell it kapag nagroroam around siya sa classroom namin and it must be his favorite.

“Hello, Mr. Tuazon. Anong ginagawa mo po rito?” ngumiti ako sa kanya ng malapad. Crush ko siya sa totoo lang dahil ang gwapo niya. Not only that, cold stares and cold voices. Ang talino niya pa kung mag-explain. ‘Yung ngiti niya na hindi ko pa nakikita sa ibang lalaki. Tahimik lang ako sa campus at mukhang walang pakialam sa boys pero crush na crush ko siya since na-meet ko siya. Pero hindi ako nagpapapansin sa kanya.

Hindi niya ako sinagot at prente akong tinitigan mula ulo hanggang paa. Nakangisi ito habang nakatusok ang kanyang titig sa mga mata ko kaya’t nakaramdam ako ng ilang.

Napahawak ako sa magkabilang siko ko habang nakatingin sa sahig, sa mga heels ko. Maski ang black shoes niya ay nangingintab. I can see my face! Kasing kintab ng kanyang car!

“Wala ka na sa loob ng school. Wala ng prohibition. An owner and a fresh graduate student from its school. Pwedeng-pwede ka nang maging akin.”

The Billionaire Mafia King's Obsession (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon