CHAPTER 26

67 2 0
                                    

3RD PERSON’S POV

Nanlaki ang mga mata ni Adrious nang makita niya ng malapitan ang isa sa mga kalaban niya. Mayroong isang sungay ng toro. Ang mga bago niyang kalaban na gustong sirain ang buhay niya at para makuha ang gintong isla ni Adrious.

“So, this is our new enemy, huh?” bulong nito sa sarili niya at mas lalong naganahang makipag-laban nang bilangin niya kung gaano sila karami. Hinablot ni Adrious ang isang granada at pwersahan itong hinagis sa panghuling kotseng dumating. Imbis na magtago siya para sa sabog ay mas lalo pa itong natuwa nang makita niyang damay ang tatlong kotse sa pagsabog.

Mas ginaganahan siyang makipag-laban kapag napupuruhan ang mga kalaban niya at mas lalo siyang ginaganahan kapag nakakakita siya ng dugo galing sa kanyang mga kalaban.

Inaamin din niya sa sarili niya na nagiging demonyo at nag-iiba ang ugali niya kapag nakikipag-laban siya. Wala talaga siyang awa at wala siyang patawad sa mga taong gustong bumagsak siya.

“My boys, maski buhok ay huwag hahayaang mabuhay!” he announced. Siya na ang nanguna habang hawak niya ang dalawang baril sa magkabilang kamay niya at pinagbabaril ang mga kotse ng kanyang mga kalaban.

Alternate ang pagbabaril niya at walang lumalagpas na tao sa bawat bala niya. Lahat sila ay natatamaan. Hindi niya hinahayaang mamatay ito ng isang putok dahil ayaw niyang makapatay since naiisip niya ang pakiusap ni Apple na huwag na siyang masyadong grabe kung magparusa sa mga tao.

Gumanti ang mga nakalabas na kalaban niya at iisa lang ang target nila, si Adrious. Nasa sampo na ang nabaril sa kanyang mga tauhan at hindi natanggap ito ni Adrious nang makita niyang walang buhay ang lima.

Lumabas lahat ng ugat niya sa sintido, leeg at sa kanya mga braso dahil sa galit.

“Clyde, let’s get the black powder,” utos niya sa kanyang kaibigan at umatras para sa kanyang pinaplano. Sinundan niya si Clyde para kunin sana ang mga black powder pangsabog pero kataka-takang wala ito sa lalagyanan. “Where is it?!” gigil niyang tanong at hinagis ang takip ng isang container na naglalaman ng black powder but not it is completely gone and empty.

“Hindi ko alam, Sessi. Alam ko nandito lang ang mga ‘yon e,” nagkakamot na ulo na sagot ni Clyde.

“Bullshit! Someone stole it!” Dahil sa pagkairita ay nahagis ni Adrious ang kanyang vase at bumalik sa labas.

“Pre, mamamatay ako diyan.” Hindi sanay si Clyde sa laban at inaamin niya na mahina siya pagdating dito at pinipili niyang tumulong na lang sa paggawa ng mga plano.

“Jeez, this guy. Tingnan mo na lang si Apple.” Kahit hindi sabihin ni Adrious, ayaw niyang mapahamak si Clyde dahil itinuturing na niya itong kapatid. Alam niyang sa kanilang tatlo ni Grego ay si Clyde ang pinakamahina ang loob at pinakamahina ang katawan.

Napatigil sa pagtakbo si Adrious at pinanood ang away sa pagitan ng kanilang mga kalaban at grupo niya.

“Ito na ba ‘yon? They are weaks and boring. Wala silang karapatang sirain ang kasal ko.” At kung nagkataon lang na nasaktan nila ang kanyang asawa ay hindi siya titigil sa pagwawala.

Sumali na si Adrious sa pakikipaglaban at walang kapatawaran ang paggamit niya ng baril sa kanyang mga kalaban. Imbis na matakot siya sa pagtutok ng baril sa kanya ay hinablot niya ang isa sa mga nagdadrive ng kotse.

“Sino ang nag-utos sa inyo para sugurin ako?” gigil niyang tanong at hinigpitan ang pagkapit niya sa baywang ng lalaki para hindi makahinga ng maayos.

“Sa palagay mo ba tatahol ako kahit na bantaan mo ako?”

“Asshole.” Hinagis niya ito sa kanyang mga kasama. “Ikulong ‘yan. Patitikim ko sa kanya kung paano ako magparusa.” Iba pa naman si Adrious kung magpaamin sa mga kalaban. Kahit ayaw niyang maging brutal ay nagiging brutal siya dahil maikli lamang ang kanyang pasensya.

The Billionaire Mafia King's Obsession (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon