Ngiting hinigpitan ko ang braso niya hanggang sa makarating kami sa isang mataas na building. Sa gitna ng building ay nakasulat ang Tuazon’s Corporation. Ang angas!
Nauna pa akong bumaba kay Adrious para mas tinangalain ang mataas na building. Hindi lang isang building kundi may mga maliliit pa siyang karugtong. Mahaba na mataas. Wow lang!
“T. Corp is huge, right?” Tanong niya. Pagtango lamang ang nasagot ko habang awang ang bibig.
Hinila na ako ni Adrious papasok sa T. Corp. Pagkatapak pa lang ni Adri sa entrance ay lahat ng empleyadong naglalakad sa lobby ay nagsiyuko.
“Good morning, sir!”
“Morning po, sir!”
“Good day, sir. Ang gwapo niyo po!”
Napatingin ako kay Adrious na dire-diretso lang, walang kibo, walang reaksyon, walang ngiti. Living corpse yata itong kasama ko eh.
Para hindi mapahiya ang mga bumati sa kanya ay ako na ang bumati pabalik.
“Hello! Good morning!”
“Sino ang kasama ni Sir?” tanong nung isa na kulang na lang ay sa akin na siya bumulong at hindi sa kasama niya.
“Baka girlfriend ni Sir? Ang ganda niya, ‘no? Young and beautiful siya. Sabagay baby face naman si Sir, eh,” komento ng isa at sumayaw ang mga tainga ko dahil sa narinig.
“Himala may dinala si Sir na babae? Nakakakilig!”
Wala siyang dinadalang ibang babae rito?
Dapat ko bang ikatuwa ‘yon? Hmm?
Pumasok kami sa isang malawak na office. Nanlaki ang mga mata ko at umupo sa isang office table sa may swivel chair na mukhang mamahalin sa kintab at lambot ng inuupuan.
Napatingin ako sa pangalan niya na nasa tempered glass standing.
Owner/President/CEO/Archt. Adrious Caesar G. Tuazon.
OMG! Ang dami niyang position. Architect pala siya? Grabe talaga ang taong ito. Illegal ang ginagawa niya as mafia-mafia na ‘yan pero nakapagtapos pala siya sa architecture. Napapabilib na niya ako.
“Ang bongga mo naman, Architect!”
Hinaplos ko ang kanyang table na todo sa linis dahil wala man lang na alikabok na dumako sa balat ko.
“Thank you, my Apple Gale,” sagot niya at umupo sa harap ko. Feeling CEO ako tuloy tapos siya ay employee ko. “Ako ang nag-design ng mansyon ko.”
Namilog ang labi ko. “Wow! Ang ganda ng design mo. Nako! Bilib na ako sa ‘yo, husband. Hihi!” Pogi na nga at talented pa.
“Thank you, baby. I’m glad you liked the design.”
Napangiti lamang ako ng matamis pero nakayuko.
“Anyway, husband. Pwedeng mangalkal here?” Tinuro ko ang kabinet sa may table niya.
“It’s up to you, my wife. Magbibihis lang ako. Wait for me,” paalam niya at umangat sa kinauupuan. Lumabas siya sa kanyang office.
Binuksan ko ang cabinet niya. Mas lalo akong namangha dahil organized ang kanyang mga gamit. Parang babae siya kung mag-ayos. May mga alahas pa nga siya na naririto at relo. Pati necktie niya ay naririto pero ang ganda ng pagkaka-organize. Dinaig niya pa talaga ako sa pag-aayos, oh.
Kinalkal ko pa ang iba niyang gamit, ang iba ay pabango niya.
Nawala ang ngiti ko nang makita ko ang picture ko na nakaipit sa cabinet. Ang picture ko na ‘to ay ang picture ko noong sumali ako sa Mr. and Ms. GCC Pageant. Hindi ko akalain na mayroon pala siya nito.
BINABASA MO ANG
The Billionaire Mafia King's Obsession (Book 1)
Action"Apple Gale Fernandez-Tuazon," he teased as he played with my shirt. His breath gives me shiver as I want to run away from him but I can't. I just can't. His smell, his touch, his body, I want him too more than he wants me. Naramdaman ko ang mainit...