CHAPTER 41

46 2 0
                                    

APPLE GALE’S POV

“Totoo ba, daddy, na malala ang naging away niyo ni Mommy after mo malaman na ibinenta niya ako?” tanong ko muli habang sabay kaming kumakain ni Daddy na niluto namin kani-kanina lang.

“Oo, then after that nakipag-hiwalay na siya,” sagot niya at nilagyan niya ng ulam ang pagkain ko. “Anong oras ka susunduin ng asawa mo?”

“Hindi ko po alam.” Maganda siguro ay huwag na muna siyang magpakita sa akin at baka hindi ako makapagpigil.

But speaking of the devil, may nagpapasok sa kanya sa office ni Dad. Tumayo si Dad at nginitian si Adrious. Akala ko ba galit siya sa kanya? Tss tss.

“Kain ka na, Caesar. Pinakain ko na si Apple nagugutom na raw,” kwento ni Dad at kumuha siya ng isang upuan. Hindi ko na binalingan si Adrious at nagpatuloy sa pagkain. Naramdaman ko ang presensya niya sa likuran ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

“Eat well, wife.”

Mama mo eat well. Plastic ka!

Umupo siya sa tabi ko at ito na naman siya, pinagmamasdan na naman ako. Kahit na titig na titig siya ay hindi ko siya binalingan.

“Galit ka ba?” tanong niya habang pinupunasan ang gilid ng labi ko. Umiling lamang ako ng bahagya at tinapos ko na ang kinakain ko pagkatapos ay uminom ng tubig. “Anyway, Johnny, I need to get my wife now. May training pa siya.”

Pabagsak kong binitawan ang baso ko. “Wala kang respeto sa daddy ko ah!” asik ko. “Hoy, hindi mo ‘yan kaedad!”

“No, anak, it’s okay,” sabi ni Dad at napapakamot pa sa batok.

“Walang respeto!” pag-irap ko at mas nilayuan siya.

“Mauuna na kami,” paalam ni Adrious at hinila ako. Kumakawala ako pero pinanlakihan niya ako ng mata na para bang sinasabayan ang galit ko.

“Bitawan mo nga ako!” pinukpok ko ang kamay niyang nakakapit. Pagalit niya akong binitawan.

“What is your problem?! Wife, tell me, anong ginawa ko? Bakit mo ba ako sinusungitan?” mukhang nalipat sa kanya ang kaninang galit ko.

“Wala! Ewan ko nababad trip ako sa ‘yo. Tinawag mo kaya sa pangalan niya si Daddy. Siyempre magagalit ako dinisrespect mo ang dad ko. Tatay ‘yun ng asawa mo. Father-in-law mo ‘yon tapos tatawagin mo lang siya sa name niya? Kahit sino maiinis e!”

Pinagkrus ko ang mga braso ko at pinagdikit ang mga kilay ko. Narinig ko ang buntong hininga niya.

“I am not used to it. I grew up for sixteen years without parents so I am not used to calling anyone Mom, Dad. But, for you, I will do it. Don't get mad," he hugged me from behind and smelled my head.

“Tss.”

“I’ll show you something pag-uwi natin, wife. Matutuwa ka for sure,” paniniguro niya at inakbayan ako. Pinagtitinginan si Adrious sa lobby at kilig na kilig naman ang mga babae. Ito namang nakaakbay sa akin ay walang pakialam sa paligid.

“I need to talk with Hans,” sabi ko nang makasakay kami sa kotse.

“You know where he lives?” tanong niya habang kinakabit ang seatbelt niya.

“Yup.”

Kailangan ko muna palang kausapin si Hans. Kailangan ko nang malinawan. Sana nagsisinungaling si Adrious para may dahilan akong iwan siya at ipaglaban si Hans.

“Pero sa park na lang kami magkikita.”

HANS ASHER’S POV

Kasama ng buong pamilya ko ang pamilya ni Uleula sa isang famous restaurant, Sa ACT’s plate and spoon. Hanggang ngayon ay masama ang loob ko. Wala akong kaalam-alam na kay Uleula ako ikakasal.

The Billionaire Mafia King's Obsession (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon