Pero ang ganda pala ng katawan ni Mr. Tuazon! Naalala ko sa school na ang dami-daming nagkakandarapa sa kanya tapos siya hindi naman siya namamansin. What if malaman nila ang tungkol dito? Maiinggit kaya sila?
Lahat yata ng mga babaeng estudyante doon ay hangad na hangad ang katawan ni Mr. Tuazon. Ako lang yata ang lowkey na nagka-crush sa kanya pero dati ‘yon. Ngayon, I am starting to hate him!
At promise ko, Hans, crush ko siya kasi pogi siya. ‘Yon lang! Ikaw pa rin ang love ko.
“Don’t stare at me like you wanna eat my raw hotdog. I am not ready for that, baby. Take it easy.”
Nagising ako sa diwa ko nang makalapit na siya habang tumatagaktak ng tubig ang buo niyang katawan.
“BASTOS!” Tatakbo sana akong palabas sa shower nang hindi sinasadya ng paa kong madulas sa tiles kaya’t napahiyaw ako. Kala ko mahahalikan ko na ang sahig pero mayroon akong naramdaman na isang matigas na braso na kumalupot sa baywang ko.
“Be careful, baby.” Dahil sa sobrang lapit niya, ngayon ko siya maiging napagmasdan. Parang nakikipaglaban sa karerahan ang puso ko dahil sa tibok nito. Sa labi niya ako nakatitig dahil agaw atensyon ito.
Mr. Tuazon…
“Ah…” Itinulak ko siya palayo para mapabitaw siya at maiwasan ang ilang. “Lalabas na ako. ‘Di ba magbibihis ka?”
“Okay. Sobrang uncomfortable mo na.”
Ay, mabuti alam mo, master?!
“Ay buti may nararamdaman ka pala, ‘no? Alangang panoorin kitang magbihis? Baka isungalngal ko ‘yang shampoo mo sa pwet mo!” singhal ko at inirapan siya.
“Wow!” paghalakhak niya. “Ang tapang talaga ng baby ko. That’s why I’m so in love!”
Hindi na ako nag-abalang humarap sa kacornyhan niya at kumaripas na nang lakad palabas ng kanyang banyo. Paglabas ko huminga ako ng malalim habang nakalapat ang mga palad ko sa pinto.
Tumakbo ako papuntang gilid ng kama at sumiksik sa blanket nang marinig ko ang yapak niyang papalabas na ng bathroom. Naka-boxer lang siya habang ang twalya at nakasabit sa kanyang balikat.
“Why do you look scared? I’m not gonna bite you,” natatawa niyang sambit habang umiiling. Wala akong isinagot at tanging pagkumot ang nagawa ko. “I’m going somewhere,” he informed.
Nanatili akong nanonood sa kanya habang nagbibihis siya ng isang black loose shirt at white pants na bagay na bagay sa kanyang mahahaba, mabalahibo at makikisig niyang mga binti. Nagsusuot na siya ngayon ng relo at inaayos niya ang kanyang buhok. Maski ang lalagyanan ng kanyang salamin ay black.
Ano siya? Vampire? Palibhasa maitim ang budhi!
“You’re not gonna say something?” he asked, fixing his shirt while staring at me. “Why are you so cute and beautiful, my dear?”
Adik!
“I’m going with you.” Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at nilapitan siya. “Okay? Isasama mo ako wherever you go dahil I am sick of this room already!”
Nagpakawala siya ng isang mahinang tawa dahilan para mapikon ako. Sa pagkakaalam ko, hindi ako nag-joke. Isang oras pa lang ako sa kwarto na ‘to pero sakal na sakal na ako.
“You are not allowed to go outside, honey,” may malambis sa tono niya na ikinakunot ng noo ko.
“Ano? Anong akala mo sa akin, makasalanan tulad mo? Para ikulong mo ako rito, huh?” Nakapaywang kong asik.
Nag-iba bigla ang ekspresyon ng kanyang mukha. Malamig ngunit nandoon ang lambing.
“Baby, you must stay here, okay?” kalmado nitong pahayag pero inilayo ko ang kamay ko nang akma niya akong hahawakan.
BINABASA MO ANG
The Billionaire Mafia King's Obsession (Book 1)
Action"Apple Gale Fernandez-Tuazon," he teased as he played with my shirt. His breath gives me shiver as I want to run away from him but I can't. I just can't. His smell, his touch, his body, I want him too more than he wants me. Naramdaman ko ang mainit...