Nagkatitigan pa sila ng matagal lalo na si Adrious na parang binabasa ang mukha ni Hans sa sobrang seryoso ng pagkakatitig niya.
“Why are you familiar? Have I seen you before?” tanong ni Adrious kay Hans.
“H-Hindi ho. N’ong isang araw lang,” tanong ni Hans na napapakamot. Takot yata siya kay Adrious at saka masyado siyang magalang sa kanya.
“Okay,” simpleng sagot ni Adrious at hinaplos sa balikat si Hans. Aba, himala? Samantalang sa pinsan ko ay galit na galit! Ito talagang taong ‘to napakagulo ng utak!
Pinanood namin pareho ni Adrious si Hans paalis mula rito sa park. Kumuha ng panyo si Adrious at pinunasan niya ang mukha ko kasabay ang paghalik niya ng dalawang beses sa noo ko.
“Everything will be alright, wife,” pag-aalo niya at hinagod ang likod ko kaya hindi ko mapigilan ang ibuhos lahat ng sakit sa dibdib niya. “Shh,” hinaplos-haplos niya pa ang buhok ko. “Let’s go home.”
Napakapit ako sa kanyang batok nang buhatin niya ako at ipinasok sa kotse. Siya na rin ang naglagay ng seatbelt ko. Sa isang beses ay hinalikan muli ako sa noo ni Adri bago na siya sumakay sa pwesto.
“Honestly, hindi ako nakaramdam ng selos kay Hans na magkasama kayo,” ani Adri. “At hindi man ako nagalit o uminit ang ulo sa kanya. I don't know why. Something is wrong. That man is something. I think I know him a lot. I just don't understand myself,” dugtong niya pa. Nanatili akong nakatingin sa labas pero nakikinig pa rin sa kinukwento niya.
“Baka may nakita ka lang na kamukha niya tapos inisip mo na siya ‘yon,” sagot ko at nilaro-laro ang mga daliri ko.
“Yeah. Maybe. Baby, you want an ice cream?” itinuro niya ang ice cream parlor. Bigla akong natakam sa mga flavors na nakapaskil sa tarpaulin.
“Yeah,” nakanguso kong sagot. I want ice cream ‘yung madaming-madami! At least makabawi man lang siya sa mga kasalanan niya sa akin.
Nakakalungkot lang na kailangan niya akong ipahamak tapos nagbabait-baitan siya.
Adrious, bakit ka ba ganyan? Kung kailan na ready na akong magpakaasawa sa ‘yo e.
“Come out, hon. There’s a lot of flavors today. I’ll buy you as many as you want!” maligaya niyang bigkas. Na-excite ako kaya bumaba na kaagad ako. Hinapit kaagad ako sa baywang ni Adri. “Don't be sad already, wife, okay?”
Pumasok na kami sa loob. Kaagad na napawi lahat ng lungkot ko at pareho kami ni Adrious na namili ng ice cream na kakainin namin. Pagsakay namin sa kotse, habang kinakain ang ice cream na strawberry flavor, ay nilagyan ako ng ice cream sa ilong ni Adri.
“Adri!” reklamo ko at pinunasan ‘yung ice cream.
Ano ba ‘yan? Ang lagkit-lagkit sa mukha! Sa kanya ko kaya idikit lahat ng kinakain ko?
“Ang lalim kasi ng iniisip mo, wife.”
“Tss.”
Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko ng ice cream at siya naman ay nagmaneho na.
“I love you. Nandito lang ako palagi sa tabi mo, Apple Gale, kung gusto mong masasandalan or kung gusto mong magbuntong ng lungkot mo. You can cry on my shoulders or on my chest.”
Natouched naman ako sa sinabi niya.
“Or if you want you can ask for something that can bring you into heaven. Makipag-make love ka sa akin—”
“BWESIT!” Hinampas ko ang kanyang braso. Okay na sana eh! Demonyo talaga.
“Wife, seryoso ako. Nakakawala ng lungkot at stress ‘yon.”
BINABASA MO ANG
The Billionaire Mafia King's Obsession (Book 1)
Action"Apple Gale Fernandez-Tuazon," he teased as he played with my shirt. His breath gives me shiver as I want to run away from him but I can't. I just can't. His smell, his touch, his body, I want him too more than he wants me. Naramdaman ko ang mainit...