Good morning!
Yes, gumising na masakit ang ulo.
Bwesit.
Mas nauna pa ako sa alarm kong umangat sa higaan. I stayed in bed for a while dahil sa sakit ng ulo ko. Matapos kaming nag-away ni Uleula ay tinungga ko lahat ng alak na nakita ko sa mga table. Wala akong pakialam kung bawalan man ako ni Mr. Tuazon basta’t sobrang sama ng loob ko talaga kagabi. I didn’t wish to face them again including my mother.
Pero ang mahalaga ay hindi ako nanggulo sa party kagabi.
The move of Mr. Tuazon made my neck turn at his position in bed. Nakahubad siya ng pang-itaas niya habang nakayakap sa paborito niyang unan. Naalala ko pa na nilagyan ko ng unan ang gitna ng kama para hindi niya ako lapitan.
Napapalunok ako dahil sa mga ugat niya na nasa abs niya. He is so hot! Ngayon lang ako nakakita ng ganitong tao na ka-hot.
Mabuti naman at hindi siya nag-take ng advantage sa kalasingan ko kagabi.
Nagpatigil ako sa naisip ko. Wait?
Ibinaba ko ang tingin ko at tiningnan ang katawan ko nang hawiin ko ang blanket. Bakit iba ang damit ko? The last thing that I remembered ay naka-beach dress ako. What the…
“HEY!” Kinuha ko ang unan na ginamit ko at ibinato sa mukha ni Mr. Tuazon na naging dahilan para mapabalikwas siya sa kanyang pagtulog.
“What the hell?!” galit niyang sigaw na nagpaatras sa akin. Halos lumiyab na ang mga mata niya. “What is your problem?!” inis niyang tanong at nagkamot sa kanyang ulo.
“Binihisan mo ako? Hayop ka! Anong nakita mo, huh? Nakita mo katawan ko?!” Ihahampas ko sana ang unan sa mukha niya nang pigilan niya ako. Kinuha niya ang unan mula sa kamay ko at hinagis ito sa sahig bago niya ako upuan sa tiyan ko.
“Kung binihisan kita, sana hubad ka ngayon at may nangyari na sa atin! Magtanong ka nang maayos, Apple Gale Tuazon! I hate people who wake me up to my precious sleep for a nonsense reason! Argh, pasalamat ka asawa kita!” gigil niyang sambit at diniinan ang mga kamay ko sa unan ko.
“Wow? Ikaw pa may gana magalit diyan? Sino sa palagay mo ang magbibihis sa akin, huh? Natural, ikaw lang!” pagpupumilit ko at pilit na kinukuha ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
“It was Aileen! I called her to dress you up! Because you vomited all over the bathroom and I was the one who cleaned it up! And then when you wake up, that’s how you’ll greet me? Not even a thank you? Who wouldn’t be in a bad mood? Even though I love you, Apple, I’ll get angry when you’re like this! Do you want me to do what you’re thinking? Do you want me to kiss your whole body, huh?!”
“N-No,” may halong kilabot kong sagot. Sinong hindi kikilabutan kung sasabihin niyang hahalikan niya ang buong katawan ko?
“Apologize,” utos niya at bumaba sa tiyan ko. Matalim niya pa rin akong tinitingnan.
Totoo ba? Nagsuka ako sa banyo niya at siya ang naglinis? Pero mas napanatag ako nang malaman kong si Aileen ang nag-asikaso sa akin kagabi. Akala ko siya e. Majojombag ko talaga ang mukha niya.
“Sorry na. Akala ko kasi ikaw ang nagbihis sa akin,” pagnguso ko. “Siyempre I don’t want you to see my precious body.”
“Argh! Jeez! Apple Gale, don’t do this again, please. Ayokong nasisira ang tulog ko,” nagbubusit niyang sabi at bumalik sa pagkakahiga. Wala talaga siya sa mood. Siguro ay napuyat siya sa paglilinis sa suka ko.
“Oo na. Anyway, napag-usapan natin na after wedding ay magagawa ko na lahat ng gusto ko, right? Edi ibig-sabihin ay pwede na akong lumabas anywhere? Mag-shopping at mag-salon?” My voice echoed in a whole room like a parrot’s sound. My eyes widening at my questions.
BINABASA MO ANG
The Billionaire Mafia King's Obsession (Book 1)
Action"Apple Gale Fernandez-Tuazon," he teased as he played with my shirt. His breath gives me shiver as I want to run away from him but I can't. I just can't. His smell, his touch, his body, I want him too more than he wants me. Naramdaman ko ang mainit...