CHAPTER 47

32 2 0
                                    

TOMORROW — 6 AM

Ang sarap ibato ang alarm clock ni Adri! Napaka-aga niyang iset tapos hindi man siya nagigising! Ako ang naiistorbo!

Pinatay ko na ang ingay nung alarm at bumalik sa pagkakayakap kay Adri dahil masarap pa rin ang tulog niya. Buti na lang at hindi ko siya ginising kundi yari na naman ako. Grabe pa naman siyang sumigaw kapag nasira ang tulog niya.

Kahit pala love ka ng isang tao ay sisigawan ka pa rin kapag naistorbo ang tulog.

Kinuha ko ang phone ko dahil namiss ko ang social media. Since napunta ako kay Adri ay hindi na ako nagcecell phone. Last ko lang talagang tawag ‘yung nag-a-ask ako ng help kay Hans.

Napatingin ako sa gallery ko. Mayroon pala kaming picture ni Adri sa tabi ng dagat, kinuhanan namin last time.

Nag-set ako ng story ko siyempre without caption. Picture lang namin dahil gusto ko siyang iflex, ba’t ba? Wala na rin naman kami ni Hans e.

Siya nga…

Siya nga…

Siya nga nakapost ‘yung pic nila ni Uleula na nakaluhod siya, halatang proposal ‘yun. Nakita ko lang kanina bago ko i-story ang picture namin ni Adrious.

Halata ba na umiiyak ako sa selos? Mukhang hindi, ‘no?

Bakit kailangan pa nilang ipost ‘yon? Tsk! Sana pala hindi na lang ako nag-online! Pati ‘yung halikan nila sa lips ay nakalitaw pa.

May mga nagmemessage sa akin about doon kina Hans pero hindi na ako nagreply. Wala kasi akong pakialam na sa kanila. May asawa na ako, si Adri! At ako lang ang love niya! Pinagluluto ako ng masarap ng asawa ko!

Pinunasan ko ang ilalim ng mata ko. Last na akong iiyak. Sa lahat ng pwedeng pagseselosan ko si Uleula na plastic pa!

Inayos ko na ang sarili ko dahil ayokong makita ako ni Adri na umiiyak. Right! I will just focus na lang kay Adri. Panigurado naman na wala akong kaagaw sa kanya at saka kasal na kami. Hindi nga siya lumalapit sa ibang babae tapos ako pa lang ang sineryoso niya puro laro lang daw 'yung dati niyang kalandian.

Ayokong isipin niya na naaapektuhan pa ako kay Hans. Tama na ‘yung nasaktan siya noon.

Gumalaw ang hinihigaan ni Adri kaya ipinatong ko ang phone ko at tumabi ulit sa kanya. Mukhang magigising na siya.

Pinagmasdan ko muli ang mukha niya habang ang mga mata niyang dahan-dahan sa pagbukas. Halatado pa rin ‘yung pag-iyak niya dahil sa pamamaga ng kanyang eye circles.

“Good morning,” bati ko at hinaplos ang kanyang mukha.

“Wow, himala…” medyo antok niyang sagot at sumiksik sa may leeg ko habang yakap ang katawan ko.

“Himala? himala kamo? Araw-araw akong nagigising ng maaga sa lintik mong alarm!”

He chuckled and kissed my neck. “I love you.”

“May gagawin tayo today?” tanong ko habang kinakalkal ang ulo niya. Ang bango-bango niya talaga!

“Yes, wife,” sagot niya at umupo sa kama. “Damn…so sleepy,” tamad nitong sabi at humiga ulit habang humihikab.

“Tulog ka pa,” kinuha ko ang blanket para kumutan siya. Ang lamig! Dalawa ba naman ang aircon dito ta’s parehong nakasindi.

“Gisingin mo na lang ako,” nakangisi niyang sabi at hinila ako sa ibabaw niya.

“Hoy!” pinalo ko ang kamay niyang malilikot dahil nasa pisngi ko ng pwetan niya ‘yon.

“Morning exercise,” mapanloko nitong sambit at itinulak ako sa higaan at siya naman ang pumatong.

The Billionaire Mafia King's Obsession (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon