CHAPTER 30

70 2 1
                                    

THIRD PERSON’S POV

Dahan-dahan ang paglalakad ng spy—ang kanyang codename sa kanilang grupo na Blue Bulls ay Bull boss—papunta sa lugar na kung saan namamarusa sina Adrious, sa private jail, sa likuran ng kanyang mataas na mansyon. Ito ay prenteng naglalakad habang nakapamulsa.

Umangat ang lalaking nakatali at nanlaki ang mata nito nang makita niya ang spy na kanilang mastermind o ang kanilang pinaka-boss. Yes, Blue boss from Blue Bulls, one of his new enemies, is a spy on his island, at wala siyang kaalam-alam tungkol dito.

“Boss! Boss, ayoko pang mamatay,” pakiusap ng lalaki habang humahagulgol sa harap ng kanilang boss.

“I’m so sorry. Wala akong magagawa. Matalino si Sessi at alam niya na naririto ako. Kapag hindi ako gumawa ng aksyon ay mahahalata niya ako,” sagot ni Bull boss. “Patawarin mo ako. Inaasahan ko na hindi mo ako ilalaglag,” hinawakan ni Bull boss ang balikat ng kanyang tauhan. “I promise you mananalo tayo. Kapag nakuha ko itong isla na ‘to ay bibigyan ko ng pwesto ang parents mo at bibigyan ko sila ng magandang buhay kasama ng mga kapatid mo. Trust me. Hindi mo ako ilalaglag, huh?” nakikiusap ang mga mata ni Bull boss.

“O-Opo, boss. Makakaasa ka sa akin. Basta’t ipangako mo po na aalagaan mo ang pamilya ko. Kahit ‘yon lang po,” pagtulo ng luha ng tauhan ni Bull boss. Naaawa siya rito dahil ayaw niyang napapahamak ang kanyang mga tauhan.

“Yes. I promise that.”

“Just kill me, boss. Ayokong patayin ako ni Caesar. Gusto ko ikaw na lang,” pakiusap niya.

“If that’s what you want,” walang choice na sagot ni Bull boss at kinuha ang lubid. “Rest in peace. I promise the safety of your family. I’m so sorry,” huling sabi niya bago niya sinakal ang kanyang tauhan na naging dahilan para mawalan siya ng buhay. Itinapon ni Bull boss ang lubid upang hindi na siya mahalata pa. Sakto na nakagwantes siya at hindi matitrace ang kanyang fingerprints.

ADRIOUS CAESAR’S POV

I allowed Apple to leave early because I had a plan to interrogate our captured enemy from yesterday. I didn’t want her to witness how I punish them because I know she’s not ready yet.

I just wore my usual black shirt and pants and headed straight to the private jail. I found Clyde standing there, looking at the lifeless body of the person who was tied up. Sinusukat-sukat niya pa ito gamit ng kanyang mga daliri na parang isang tanga.

Nagmadali akong lumapit. “The heck?” binalingan ko si Clyde na puno rin ng pagtataka.

“Patay na?” takang tanong niya at nilapitan ang isa sa mga kalaban namin para pakinggan ang kanyang pulso. “Patay na, Sessi,” he confirmed.

“Damn it! How?” I carefully examined the person and noticed that his neck turned red, indicating that he was strangled..

“Nadatnan ko na lang na patay e,” napapakamot nitong sabi.

“Throw it away, it’s useless,” I ordered and left the private jail in a huff. It’s fine. I can outsmart my enemies whose men cannot be tamed. “Anyway, why are you here so early? And why did you come straight here?” I asked Clyde, raising an eyebrow.

“A-Ah, E-Eh, nagugutom kasi gusto kong kumain dito. Ayoko sa bahay kasi naiinip ako. Ako lang mag-isa e,” sagot niya na medyo naiilang sa akin. “Baka naman pwedeng ipagluto mo ako?” kinurap-kurap niya pa ang mga mata niya para magpacute sa akin.

“Ang kapal mo naman. Magluto ka mag-isa mo. Patulong ka sa maid ni Apple,” I told him at tinalikuran ko na siya.

“May maid? Maganda ba?” kaagad niyang tanong. Argh. Clyde will be Clyde.

The Billionaire Mafia King's Obsession (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon