CHAPTER 21

56 0 0
                                    

“Ma’am Apple!” Aileen immediately caught my attention as soon as we came out of Mr. Tuazon’s room.

My eyes widened and without a word, I ran towards her to embrace her as if we hadn’t seen each other for ten years.

Biglang sumabog ang saya sa pakiramdam ko nang makita ko siya. Hindi ko akalain na ganun pala ang impact ni Aileen sa akin.

“OMG! You’re here! You’re here to assist me!” inikot-ikot ko pa ang sarili namin na may halong talon. “I’m not alone na. OMG, I miss you! I miss you bruha kang makulit ka!”

“Ma’am, kahit na ilang araw pa lang po kayong wala ay namiss ko agad ang kamalditahan niyo,” walang prenong sambit niya at niyakap niya pa ako ng mahigpit. “Nakakalungkot po sa bahay kung wala ka, ma’am.”

Ahhh…

At least meron pa rin isang tao na nagmamahal sa akin sa bahay at ipinararamdaman na ayaw akong mawala.

“Did you already fix your stuff?” tanong ni Mr. Tuazon at pasimple akong hinila palayo kay Aileen para hapitin ako sa baywang. Nakaramdam kaagad ako ng matinding kuryente dahil doon sa ginawa niya. Sinamaan ko ng tingin si Mr. Tuazon pero hindi siya nagpatinag bagkos ay ngumiti lang ito ng matamis at kinindatan pa ako.

“Opo, sir! Ma’am, ang ganda po ng bago niyong bahay. Ang swerte mo po sa napangasawa ninyo,” natutuwang reaksyon ni Aileen habang ngangang inililibot ang paningin niya sa buong bahay.

I pulled myself away from Mr. Tuazon. “What?” I rolled my eyeballs around and turned away from him for me not to see his face. He was giving me a shiver at the same time annoyance.

“Yes, after tomorrow you will be my wife and no one can stop our upcoming marriage,” he hugged me from behind and pressed his face against my neck.

Lalong uminit ang ulo ko nang tumili si Aileen habang kilig na kilig na nakatingin sa aming dalawa. Mas lalong kumulo ang dugo ko nang haplusin niya ang tiyan ko at hinalikan ng bahagya ang leeg ko.

“Tumigil ka nga riyan! I hate seeing you!” Tumahimik naman siya sa pagtili at napatikhim.

“Apple Gale, why are you talking to your maid like that? I thought you wanted to see her?” pangingialam ni Mr. Tuazon. Imbis na sagutin ay naglikot ako sa pagkakayakap niya.

Sunod ko naman siyang siniko para mapalayo siya sa akin. “Pwede ba tigil-tigilan mo ang pagyakap mo sa akin? Hindi naman tayo close!”

“Let’s just cook our lunch, hon.” Hinapit niya muli ako sa baywang at iginaya papunta sa kusina niya. Nakasunod lang sa likod ko si Aileen habang nakikita ko ang repleksyon niyang tuwang-tuwa na nakikita niya kami ni Mr. Tuazon na ganito. “Aileen, mag-timpla ka ng juice para lumamig ang ulo ng Apple Gale ko.”

“Ang corny mo!” hinampas ko ng mahina ang dibdib niya at inirapan siya.

“Ma’am, bagay po kayo! Nakakakilig!” tili naman ng isa.

“Hoy, hindi ka kinakausap. Manahimik ka!” Argh. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng kasama ay hindi ko na sana siya pinapunta rito. Kung hindi ko lang siya namimiss ay hindi siya ang pipiliin kong maging maid ko.

“Hey, ang rude mo naman sa kanya. Ikaw ang nagpadala sa kanya rito, ‘di ba? Relax.” Hinaplos niya ang ulo ko ng bahagya. Argh! Why is he being sweet kapag kaharap si Aileen?

“Ang pogi…” ring kong pagtili ni Aileen habang nakatitig kay Mr. Tuazon na busy sa paghuhugas nung karne matapos niyang haplos-haplosin ang ulo ko.

Hinila ko ang kanyang buhok at inilayo siya sa may bar. “Tumahimik ka riyan at gumawa ka na lang ng juice!” Lalandi pa e.

“Ang gwapo kasi…” ngumuso pa at muling bumaling kay Mr. Tuazon.

The Billionaire Mafia King's Obsession (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon