CHAPTER 15

82 2 0
                                    

ADRIOUS CAESAR’S POV

“Saan mo nga siya napingwit?” kanina pa ako kinukulit ng tanong ni Clyde kung saan ko nahagilap si Apple at tila ba ay crush niya ito kaya napipikon na rin ako sa kanya. Kanina niya pa pinupuri at kung maka-kilig ay parang isang high school student lang.

“Seloso ‘yan, pre, at baka ikaw ang sakalin niyan sa lubid,” sabat ni Grego habang hinihimas pa ang balikat ni Clyde.

“Nagtatanong lang ako. As if namang hindi ko alam ang pwede mong gawin sa akin kapag pinakialaman ko ‘yung babae mo!”

“She’s not just my only babae!” she will be my wife! And I will make sure of that. Palalayain ko rin naman siya matapos ng kasal namin dahil sigurado naman ako na sa akin na siya. Ngayon ay kailangan ko munang kunin ang loob niya para hindi niya ako iwan kaya ko siya kinukulong dahil tatakas pa siya sa akin.

“K fine. You said so.”

“Clyde, have you already purchased a bouquet and chocolates?” Dahil susuyuin ko siya ngayon. Natakot ko siya. Baka ayaw niya akong lapitan mamaya kapag hindi ko siya sinuyo. Isa na rin ‘yung pagkain na binili ko dahil alam kong nagugutom siya.

“Ay! Hindi, ‘di ba? Pero sige bibili ako. Pahiram sasakyan mo.” Inilahad niya ang kanyang palad.

Kinuha ko ang susi na nakasabit sa pantalon ko at hinagis ito sa kanya. Sinundan lang namin siya ng tingin bago muli ako nakaramdam ng katahimikan kasama si Grego. Ito naman ang gusto ko. Walang maingay tulad ni Clyde, pero ayoko rin naman ng sobrang tahimik dahil sanay na akong iniingayan at inaasar kami ni Clyde.

“I heard the Tiger’s squad planning to attack us here,” Grego told me and offered me a cigarette but I declined. I should stop smoking. Baka maturn off si Apple kapag nalaman niyang naninigarilyo ako.

“Hayaan mo lang sila. When they enter, bazookas will kiss their ass.”

Ilang beses na bang may mga natalo rito sa pamamagitan ng panunugod nila? Maraming beses na. Hindi sila nagsasawa. Alam ko na pinag-aagawan nila ang isla ko dahil bukod na sa maganda ang paligid ay puno pa ng kayamanan dito. Mga ginto, perlas at iba-iba pa.

“Hindi ka ba nangangamba na kapag inilabas mo ‘yung babaeng pakakasalan mo ay siya ang tatargetin nila? Ang babaeng ‘yon ay mukhang inosente at mabait. Sigurado ka na ba talaga sa kanya?” paniniguro niya. “So, wala ka nang pakialam kay Agatha?”

Napatingin ako sa malayo kung saan naroroon ang hampas ng dagat. Kahit ako ay ayaw kong mapahamak si Apple. Gagawin ko ang lahat para maprotektahan siya. Wala akong aasahan kundi ang sarili ko. Kahit sinong pakakasalan ko ay mapapahamak talaga dahil hindi ako isang ordinaryong tao, pero sinisiguro ko ang kaligtasan niya.

“Agatha is all yours.”

Ang una kong trabaho ngayon ay kunin ang loob ni Apple. As soon as possible, kailangan na naming magpakasal para wala mang-aagaw sa kanya mula sa akin. Hindi lang iyon, I am excited to teach her defense. Tuturuan ko siyang gumamit ng baril, maging matalino at mabilis sa pakikipag-laban, trading of weapons at iba’t iba pang trabaho ng mga mafia.

“About her suitor.” Hans Asher Salvador. Hindi pa kita nakita pero nasisiguro ko na mawawala ka sa mundo kung hindi mo titigilan si Apple, but I know him, he was a student of my school. “Uutusan sana kita. Hanapin mo si Hans Asher Salvador at ibigay mo sa akin ang mga litrato niya. Manmanan mo ang bawat galaw niya at mamanmanan ko rin si Apple. Hindi sila pwedeng magkita. Hindi ako makakapayag.”

Naiintindihan ko siya kung bakit siya nagagalit sa akin dahil mayroon siyang ibang gusto. Pipilitin ko ang sarili ko sa kanya at hangga’t hindi ako napapagod ay mamahalin ko siya. Ako yata si Adrious Caesar Tuazon, nakukuha ko lahat ng gusto ko.

The Billionaire Mafia King's Obsession (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon