CHAPTER 25

63 3 0
                                    

Having no choice, I wear the simple wedding dress 2 inches below the knee with my white strappy sandals. Ako na rin ang nagmakeup sa sarili ko. After I cried I realized I have no choice but to marry him kaysa sa ikulong niya ako sa kwarto. Gusto ko rin lumabas dahil gusto kong kausapin si Hans. Gusto ko ring gumawa ng mga bagay na gusto ko sa labas like shopping ganyan at makipag-meet up with friends.

“Ma’am, ito oh,” ibinigay ni Aileen ang isang bulaklak. Nakasuot siya ng floral dress.

“Bagay sa ‘yo ang suot mo,” puri ko at inayos ang buhok niya.

“Thank you po, ma’am. Nga pala, suotin mo ‘to,” kinuha niya ang flower crown at pinasuot ito sa akin. Napangiti ako sa salamin. Ang ganda-ganda ko today. Mababaliw na niyan si Mr. Tuazon sa akin.

Napatingin ako sa place kung saan ako maglalakad. Nakatakip pala ng white curtain sa may carpet. May nakikita pa akong isang braso na nakakulay itim ang suot. Feeling ko siya si Mr. Tuazon. “Tara na, Ma’am Apple. Kanina pa ‘yung pari.”

This is it. Real wedding talaga siya.

Huminga muna ako ng malalim bago tumapat sa may white curtain. Si Aileen ang bumukas nito. Parang gusto ko nang umatras nang makita ko ang mga kalalakihan na nakaputi lahat. Hindi ko mabilang kung ilan sila pero madali sila! Wala man lang girls except sa aming dalawa ni Aileen?

“Ang ganda ng mapapangasawa ni King,” rinig kong bulong nang nasa tabi ko. Pakilakas naman po para marinig nila. Maganda po talaga ako. Ipagkalat niyo po na maganda ako.

“Siyempre, pipili ba ng pangit si King?” Oh? Bakit gwapo ba King niyo?

Pero parang nagsisi ako sa tinanong ko sa isip ko nang makita ko si Mr. Tuazon sa harapan. Ibang-iba ang style niya kumpara sa usual niyang style na buhok. Ang gwapo! Nakakalaglag panty, pero hindi ko naman talaga siya love kaya walang malalaglag.

“Smile,” Mr. Tuazon mouthed. Inirapan ko lang siya at hinarap ‘yung pari. Wow? Hindi siya nasunog, ‘no? Dapat kanina pa abo si Mr. Tuazon e.

“Hello, iha,” bati ng pari at ngumiti sa akin. Ngumiti lang ako pabalik. Hinawakan ni Mr. Tuazon ang kamay ko at ipinalupot ito sa braso niya. Argh! Hindi ako ready sa wedding na ‘to.

Napatingin ako sa isang lalaki—si Grego ba ‘yon?—na lumapit kay Mr. Tuazon at bumulong.

“Fvck,” mura niya. Patago ko siyang kinurot. Hindi ba siya nahihiya? May pari oh! “Bilisan na natin. May gustong pumasok sa isla. Argh, ito na ang sinasabi ko. Kailangang matapos na ang kasal namin ni Apple para asawa ko na siya.”

Ikaw lang ang excited!

“King. Nagpupumilit sila,” sigaw ng isang lalaki.

“Pigilan niyo,” utos niya at hinarap ang pari. “Sa exciting part na,” utos niya na parang nag-utos lang siya sa five years old.

“Bastos,” bulong ko. Ngumiti lang siya ng matamis sa akin at kinindatan ako. At nagagawa niya pa talagang kumindat ng ganyan kahit na may sumusugod na?

Kinuha n’ong pari ‘yung dalawang singsing. Ang gaganda! Tapos ang kintab pa. Totoong ginto kaya ang mga ‘to? Isasangla ko ‘to.

“That’s real gold rings. Sobrang mahal niyan, my queen,” bulong ni Mr. Tuazon. “That symbolizes my undying love for you,” habol niya pang banat na ikinangiti ko patago. Kainis talaga ang mga words niya!

“Bless, O Lord, these rings which we bless in your name so that those who wear them. May remain entirely faithful to each other. Abide in peace and in your will. And live always in mutual charity. Through Christ our Lord.”

The Billionaire Mafia King's Obsession (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon