CHAPTER 40

50 2 0
                                    

Magsisikap ako na matuto sa mga itinuturo niya at uunahin ko siya sa binabalak niya. Siya ang papatayin ko bago niya man lang ako magasgasan or si Mommy!

“Oo. Matagal ko na siyang hindi nakita. How about you? Why are you here since the wedding is cancelled?” I asked him formally. Pagtunog ng elevator ang narinig namin. Bago niya ako sinagot ay lumabas na muna kami.

“Pinatawag ako ng daddy mo kasi may pinabibigay siyang regalo kay Mom so I’m here to get it,” sagot niya. Ako na ang bumukas sa pinto ng office ni Dad at nadatnan namin siyang may kinakalikot sa kanyang laptop.

Tumaas ang tingin niya sa pinto at pagtingin niya ay nanlaki pa ang mga mata na nakita ako. Kaagad niyang tinanggal ang kanyang salamin at patakbo siyang lumapit sa akin.

Ibinuka ko kaagad ang mga kamay ko at sinalo ko siya para bigyan ng matinding yakap.

“Daddy…I miss you so much po!” mangiyak-ngiyak kong sambit at ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya.

“I miss you more. Patawarin mo ako sa pagiging pabaya ko, anak. Patawarin mo ako kung kulang ang oras ko sa ‘yo. Patawarin mo ako kasi wala akong magawa para iligtas kita,” aniya habang hinihigpitan ang pagyakap niya.

“Kumusta po kayo?” kinalas ko ang yakap ko para suriin siya.

“I have never been okay since you left. Salamat naman, ‘nak, at nakita kita. Thank you, you're safe. Talagang maaasahan si Caesar. Ang buong akala ko ay pabababayaan ka niya. Hindi ka naman niya sinasaktan, ‘di ba? Ipinangako niya ‘yon sa akin.”

“Hindi naman po.”

Bumaling siya sa may likuran ko. Napalitan ang kanyang ekspresyon ng isang ngiti.

“Ikaw pala, Jin. Maupo ka,” he entertained. Hinawakan niya ang likod ko at iginaya sa swivel chair niya. Ako naman ang pinaupo niya sa upuan niya kanina.

“Hindi na po ako magtatagal, tito. May lakad pa po kasi kami. Kukunin ko lang sana ‘yung regalo na binabanggit ninyo,” magalang na sagot nung si Jin at todo ang ngiti.

Natural yata ang bait niya at mukha pa siyang inosenteng bata.

“Alright. Here it is,” kinuha ni Daddy ‘yung paper bag at ibinigay ‘yon kay Jin.

“Thanks, tito. Mauuna na po ako. Apple, una na ako,” paalam niya. Hindi na ako nagulat na alam niya ang pangalan ko.

“Dad, totoo po bang ipapakasal niyo dapat ako sa kanya?” tanong ko pagkaalis ni Jin.

“Yeah, pero nagdadalawang isip ako, nag-aaral ka pa kasi n’on,” sagot niya at kumuha siya ng chuckie. Ibinigay niya ‘yon sa akin at ako naman ay dali-daling tinanggap ‘yon.

Naalala ko ‘yung dinala na hot choco ni Adri na hindi ko naman nainom.

This is my favorite drink nung bata pa ako kaya mas pipiliin ko ito.

“Hiwalay na kami ng mommy mo, ‘nak,” buntong-hininga niyang sabi at naupo sa harap ko.

Napatigil ako sa pagsipsip ng chuckie. Lumunok muna ako bago siya tingnan nang may awa.

“Umalis na siya sa bahay. Naghanap na siya ng iba. Nabanggit ba sa ‘yo ng asawa mo na galit ako sa kanya?” tumango ako sa kanyang itinanong.

Hindi na nakapagtataka na maghahanap ng iba si Mommy. Ang dami na nga niyang mga naging lalaki.

“Dahil kung hindi ka niya binili, hindi magyayabang ang mama mo sa pera niya at hindi ka sana nawala sa akin. Mag-isa na lang ako sa bahay. I’m so depressed, ‘nak,” may lambot nitong sabi. Napanguso ako at kinapitan ko siya sa kamay.

The Billionaire Mafia King's Obsession (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon