“Nagugutom na ako, Mr. Tuazon! Anong kakainin ko rito? Mga libro?” iritableng reklamo ko habang hinahaplos ang tiyan kong kanina pa nagwawala.
“Eat me,” malokong sagot niya na ikinapikon ko kaagad. Kumuha ako ng kanyang unan at ibinato sa mukha niya.
“Fvck you!” I cursed as I raised my middle finger.
“What did you say?” Kaagad kong kinuha ang mga gamit sa ibabaw ng kanyang mesa nang akma niya akong lalapitan. I was ready to throw it to him but he caught my hands.
“Let me go!”
“Hindi ba sabi ko sa ‘yo na hindi mo ako pwedeng murahin, huh? Gusto mo bang halikan kita ng walang awa?” Iniiwas ko ang mukha ko nang akma niya akong hahalikan habang nakahawak pa rin sa mga kamay ko. “Or you want me to do what you said? Do you want me to fvck you?” ULOL! MANYAK!
“Let me go! Mommy!” mangiyak-ngiyak kong paghingi ng tulong. Binitawan naman niya ako nang mapansin niyang naging literal na iyak na ang nangyayari sa akin. “I want my parents…I want my dad! Please, iuwi mo na ako. I didn’t do anything to you! I don’t need this life!” Humihikbing reklamo ko kasabay ang pagtakip ko nang mata ko gamit ng mga nanginginig kong palad.
“Apple Gale Fernandez,” I heard he sighed. “This is my vow as your soon-to-be husband. I promise you a good life. Tuturuan kita sa lahat. Bibigyan kita ng magandang buhay at lahat ng gusto mo ibibigay ko. Ang ayaw ko lang na gawin mo ay babalik ka pa sa pamilya mo. I am your family now. Gagawa tayo ng sarili nating pamilya, and this island? This will be yours! At ang magiging kapalit ko sa position ko. Kapag nagkaanak tayo, sa inyo lahat mapupunta ang yaman ko, lalo na sa ‘yo. Just trust me and love me, okay? Hindi ako nagmamadali. Ang gusto ko lang ngayon ay mag-stay ka sa akin. I need someone to be with me and I like you so much. Ang daming babae diyan pero ikaw ang gusto ko.”
“I don’t need your money! I don’t need everything from you!” At may pera ako sa accounts ko na yearly kinakargahan ni Dad ng milyon. Hindi siya ang lalaking pinapangarap kong maging asawa ko. Hindi siya ‘yung lalaking gusto kong makasama.
Hans! Please, help me!
“Bakit ba ang kulit-kulit mo? Wala ka nang magagawa, binili na kita sa nanay mo! Sa ayaw at sa gusto mo, pakakasalan mo ako. Kung ayaw mo, makukulong ka sa kwarto ko habang buhay!” Kinalabog niya ang mesa niya sa tabi ng kanyang kama. Kumuha ako ng lakas ng loob para harapin siya.
“How dare you force me to do that thing? Hindi biro ang kasal at wala akong pakialam kung mag-isa ka sa buhay mo! Hindi ikaw ang gusto ko. Malayo ang ugali mo sa lalaking gusto ko kaya kahit na umiyak ka ng dugo sa harap ko ay hinding-hindi kita mamahalin!” diin kong sambit at saka siya tinalikuran para magkulong sa banyo.
Kung ito ang gusto niya pwes gagawa ako ng mga bagay na ayaw niya. Wala na akong pakialam kung parusahan niya ako o gahasain niya ako o patayin niya ako basta’t ayoko siyang makasama.
“Apple. Kahit na anong gawin mo, akin ka na. If I found out who’s the guy you like, I will make sure that I’ll have his head. Naiintindihan mo ba ako?” kinalabog niya ang pinto ng banyo ng isang beses. Mas lalo akong humalikipkip sa kinauupuan ko habang pinagmumura siya ng walang boses.
“Subukan mo lang!” sigaw ko. Subukan niyang idamay si Hans. Subukan niya lang talaga!
“Susubukan ko talaga. Ako lang ang magiging lalaki mo. Ako lang, Apple. Hindi ako papayag na agawin ka nila sa akin,” desperadong sagot niya. “Wait for me, I’ll buy you food, okay? I love you, honey. I’m sorry if I scare you. I will not do it again. I love you, honey, my wife, my Apple Gale.”
He is crazy! Naririnig niya ba ang kadesperaduhan niya? Kalalaki niyang tao baliw na baliw siya na ganyan?
Narinig ko ang pagsarado ng pinto kaya kaagad akong lumabas sa banyo. Napangisi na lang ako nang makita ko ang isang susi sa ibabaw ng mesa. Makakalimutan ba siya?
BINABASA MO ANG
The Billionaire Mafia King's Obsession (Book 1)
Action"Apple Gale Fernandez-Tuazon," he teased as he played with my shirt. His breath gives me shiver as I want to run away from him but I can't. I just can't. His smell, his touch, his body, I want him too more than he wants me. Naramdaman ko ang mainit...