CHAPTER 24

58 1 0
                                    

As usual paggising ko ay wala na siya sa tabi ko pero mayroon na akong almusal na nakahanda sa table. May note pa nga.

‘Wait for me before lunch. I love you, my queen. Magpakabusog ka po.’

Sa walang kadahilanan ay umangat ang gilid ng labi ko sa nabasa ko pero kaagad ding napailing. Argh! There is no way para kiligin ako sa kanya ‘no!

“Kahit huwag ka nang bumalik ‘no.” Uminom ako ng tubig bago ko nilantakan ang inihanda niya para sa akin. Mayroon pa ngang isang pirasong rosas. In fairness ang sweet-sweet ni Mr. Tuazon. Walang araw na hindi siya nagiging sweet sa akin like nilulutuan niya ako ng breakfast o ‘di kaya naman ay binobola-bola niya ako.

Ang sarap pa naman ng luto niya. Ito ‘yung palagi kong inaabangan mula sa kanya e. Dahil sa pagluluto niya para sa akin ay nakakabawi siya kaya hindi ako gaanong nagagalit sa kanya today.

Kumain na kaya si Aileen? Kung sabagay ay hindi naman siya mapapabayaan rito, daming pagkain e.

“Ma’am?” dinig kong pagkatok niya.

“Oh?” malakas na boses kong tugon at kinain ang apple.

“Pasok po ako,” paalam niya pero naglakad ako papuntang pinto. Ayaw ni Mr. Tuazon na pumapasok siya sa kwarto niya at baka yariin niya pa ako.

“Pagagalitan ka ni Gurang Tuazon. Diyan ka lang. Bakit?” sumilip ako sa pinto dahil nakasindi ang aircon.

“Ma’am, kailangan mo nang magprepare. Kahit light makeup lang daw sana ay pwede na para hindi ka raw po sobrang ganda. Nagseselos daw po siya sa mga nagkakagusto sa ‘yo,” napapakamot na paliwanag ni Aileen. Hindi ko napigilan ang mahinang pagtawa ko sa pinasasabi ni Mr. Tuazon.

“Sabihin mo ang corny niya! Tsk.”

“Sige po, ma’am. Aayusin ko lang po doon sa kusina,” paalam ni Aileen. I nodded softly.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Mr. Tuazon. Nakasave na lang bigla ang number niya at palagay ko ay pinakialaman niya ang phone ko. Wala kasing password ito.

Anyway, hindi man lang nagreply si Hans sa akin. Pinilit ko rin siyang tawagan pero hindi siya sumasagot. I don’t know what is happening to him. Sana ay maayos lang siya.

“Yes, baby? May ginagawa ako saglit.”

“Kailangan ko ng bumili ng mga makeup ko at kailangan ko ng pambili dahil wala ako kahit piso lang.” Napairap ako habang nakapamaywang na pinagmamasdan ang pinagkainan ko.

“Yes, baby. Wait for me. Bibili tayo mamaya. I need to end the call, hmm?—‘Hey, Caesar, should we go’?” Babae? Sino naman ‘yon? At kahit na hindi ko siya nakikita parang mukha siyang maharot sa boses pa lang niya. “Yes. Coming. —Baby, wait for me. I’m excited for our wedding later.”

“Sino ‘yun?” kuryosong tanong ko.

“Ka-meeting ko. Delilah Rizal.”

“Saan? Sa hotel kayo pupunta?” Huwag niyang sabihing it’s all about business ‘yon? Nakakairita ‘yung harot nung boses nung babae. At saka si Mr. Tuazon maghohotel with that girl tapos ikakasal pa siya today? What a womanizer. Porque pogi siya mambababae kaagad? Paano na ako? Gagu ba siya?

“What?” narinig ko ang mahinang tawa niya.

“TADO!” Sa inis ko ay pinatay ko na lang ang cellphone at hinagis ito sa kama. Ano namang pakialam ko kung manlandi siya? Eh hindi ko naman siya gusto.

Isang oras akong nagkulong sa kwarto na may sama ng loob. Hindi ko maintindihan kung bakit pero ayaw kong makita si Mr. Tuazon. Kung pwede lang sana siyang takbuhin sa kasal na ‘to!

The Billionaire Mafia King's Obsession (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon