CHAPTER 33

50 2 0
                                    

“Adri,” inalukan ko ng sandwich si Adri na kanina pa nakatulala sa kagandahan ko. Hindi na ako naiilang kahit na titigan niya ako. Every day ba naman niyang gawin sa akin ‘to.

Tapos ‘yung payakap-yakap niya at pakiss-kiss niya ay kulang na lang makakasanayan ko na.

Hindi bale, kasal naman kami e. Huwag lang talaga niya akong hihipuin dahil sa kanya ko magagamit ang pagbabaril na itinuro niya sa ‘kin.

“Finish it now, wife,” aniya at kumuha ng tubig. Ibinigay niya ‘yon sa akin at mabilis ko naman ‘tong ininom. “So cute,” ngiseng dugtong niya.

“Ayaw mo?” I munched my food while trying to give him some. Ngumiti lang siya habang umiiling at inilayo ang pagkain na hawak ko.

“Wait, there’s a mayo on your side lips.” Akmang pupunasan ko ang gilid ng labi ko nang mauna ang kanyang hinlalaki. Napalunok ako habang tinititigan siya. Dinig na dinig ko ang tibok ng aking puso. “Done. It’s all clean now.” Nanlaki ang mga mata ko nang dilaan niya ang mayo sa hinlalaki niya. “Hmm, yummy,” may pagkamalanding tonong sambit niya.

“T-Thanks.” Kanina ay hindi ako naiilang, ngayon naiilang na. Bakit niya kasi ginawa ‘yon?

“Wait, you’re blushing? You’re so cute,” kinurot niya ang pisngi ko. “I want to put you in my pocket, wife.”

“Duh? Anong blush ka diyan!” tinanggal ko ang kamay niyang nakakurot sa akin.

No! There’s no way to kiligin sa kanya. Paulit-ulit ko pa naman sinasabi na hindi ko siya mamahalin. Well, wala namang problema sa kanya, pero sabi ko ay hindi ko siya mamahalin, pero bakit ako kinikilig? Huhu. Sarap umiyak talaga.

“Wife, tell me if you like me already para naman hindi na ako malungkot.”

“Ang OA mo. May Hans ako sa heart ko ‘no.” Inubos ko na ang pagkain ko at dumighay ng mahina. Ang sarap niya talagang gumawa ng pagkain maging sandwich ay ang sarap ng pagkakagawa. Baka tataba na ako sa kanya, huh?

“Babarilin ko ‘yan e.” Bigla siyang nabadmood at tumayo. Lumayo siya sa akin at saka ako inirapan. Aba? Tampo yan?

“Bakit ba?” taas na kilay na tanong ko at ipinalupot ang mga braso ko sa dibdib ko.

May nalalaman pa siyang patampo-tampo samantalang kasal naman kami, tsk.

“Wala!” Hala, para siyang babaeng may dalaw. “Anyway, I have something to tell you about that man.” Lumapit muli siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Look, wife, naiirita ako sa lalaking ‘yon kasi gusto mo siya pero gusto kong sabihin sa ‘yo ‘to para hindi ka na umasa sa kanya.”

“What are you talking about?” He sighed. Naghehesitate pang sumagot. “Anong ayaw umasa? Siya ang umaasa sa akin, and I need to talk with him about this.”

“No, not like that. Magpapakasal na ang manliligaw mo.”

Pinanliitan ko siya ng mata and I'm trying to catch some jokes to his eyes pero napaka-sincere niya.

“What? Are you kidding me?”

Is he making up stories? Kasi hindi nakakatawa. I know he is making a way para masira si Hans sa akin at para mapilit niya akong mahalin siya.

He is not funny!

“No, wife. Ang dati mong kaibigan ang pakakasalan niya,” umiling-iling siya. His eyes telling the truth.

“Si Uleula?” humina ang boses ko sa pangalan niya. Naalala ko pa ang mga panahon na nagpapapansin siya kay Hans nung high school kami. Naalala ko rin na hinalikan niya si Hans sa gym para ma-caught ‘yung attention ng mga schoolmates namin.

The Billionaire Mafia King's Obsession (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon