Pagbukas ng pinto ay remix music kaagad ang umingay sa tainga namin. Tinanggal ni Adrious ang braso niya sa pagkakapit ko at hinapit ako sa baywang.
“My boy, how are you?” mayroong bumati sa kanyang medyo may edad na lalaki. Puti kasi ang buhok tapos nagniningning ang suot niya and then may hawak na alak. “Woah, your wife?” tanging tango lang ang nakuha niyang sagot kay Adrious.
Parang hindi siya ‘yung Adrious na kilala ko na nasa bahay. Ngayon kasi ay blangko ang ekspresyon niya tapos sobrang lamig pa kung makatingin, ‘yong tipong hindi mo na siya kayang kausapin pa kasi nakakatakot siya.
“She’s stunning and pretty. Nice to meet you, Mrs. Tuazon,” inilahad niya ang kamay niya na para bang hinihingi niya ang kamay ko. Napatingin ako kay Adrious. Tumango lang siya ng bahagya. Ibinigay ko ang kamay ko at hinalikan naman ng lalaki ang likod nito.
“Are we late?” tanong ni Adrious at tumingin sa wristwatch niya.
“No, you're just in time. Your seats are reserved and we’re still waiting for Mr. Javier to talk. Mayroon yatang competition para sa susunod na araw,” paliwanag nung lalaki habang sinusundan namin siya. Napayakap ako kay Adrious dahil halos lahat ng mga lalaking nadadaanan namin ay tinititigan ako. May masama pang nakatingin sa akin lalo na kay Adrious.
Mayroon pang naglalabas ng baril pero pinipigilan lang sila ng mga kasama nila. Nakakatakot naman pala rito.
“Do you want me to fvcking kill you?” Nanlaki ang mata ko nang kwelyuhan ni Adrious ‘yung nadaanan naming lalaki na ngayo’y namumutla na sa pagkakasakal ni Adrious. “Why are you staring at my wife like you wanna undress her. Do you want me to squeeze your brain?! Are you fvcking my wife in your mind, huh?!”
“N-No…no,” nanginginig na sagot nung lalaki. Napatakip ako ng bibig nang mapaupo siya sa sahig nang bitawan siya ni Adrious. “I’m, I’m sorry,” nauutal nitong dagdag habang napapaatras.
Grabe ka-possessive si Adrious. Pero wala namang problema ‘yon dahil pinoprotektahan niya ako. Nakakakilig na nakakatakot.
“Are you wondering why people are scared of your husband?” tanong nung white hair na kasama namin. Magkatabi kami ngayon. Bawat nadadaanan namin ay kinakawayan niya.
“Dahil mafia king po siya?” hula ko.
“Not only that, dear. Siya palagi ang nananalo sa competition at walang nakakatalo sa kanya sa laban. He is the most powerful and wealthy mafia here. Maraming gustong sumubok na talunin siya pero hindi pa nila nadadampihan ang kuko niya ay patay na sila. Ganyan katindi ang asawa mo,” pagkukwento niya. Bumaling naman ako kay Adrious na mukhang nakikinig lang sa amin.
Buti ay okay lang sa kanya na kausapin ako nitong lalaki? Magkaibigan siguro sila.
“At isa pa, 50 percent ang share ng asawa mo sa pagpapagawa ng underground house na ito. Kumbaga siya na ang pinakaboss namin,” dugtong pa niya.
“Wow,” paghanga ko. “Angas mo, husband,” puri ko at hinaplos ang dibdib niya. Nanliliit ang height ko! Ang tangkad niya. Tapos kung titingnan ko ang mukha niya ay titingala pa ako.
“Thanks, wife,” ngumiti siya ng malapad sa akin. Aba? Hindi niya ako tiningnan with his kasungitan ah.
“Wow, for the first time I saw your smile, huh?” pansin ni white hair. Nag-iba na naman ang ekspresyon ni Adrious.
Ay! Bakit mo po kasi pinansin?
“Manong, ‘wag niyong batiin. Magsusungit na naman siya,” bulong ko. Lumayo naman siya sa akin habang nakanguso.
“No, dear, don't call me manong. Sixteen years old pa lang ako.” Pareho kaming natawa sa sinabi niya.
Baka naman 60?
BINABASA MO ANG
The Billionaire Mafia King's Obsession (Book 1)
Action"Apple Gale Fernandez-Tuazon," he teased as he played with my shirt. His breath gives me shiver as I want to run away from him but I can't. I just can't. His smell, his touch, his body, I want him too more than he wants me. Naramdaman ko ang mainit...