CHAPTER 7

140 5 1
                                    

“Bitawan mo nga ako, Mr. Tuazon! You have no rights to touch me!” asik ko nang kaladkarin niya ako papasok sa malacastle niyang mansyon. He remained silent. Sa kalagitnaan ng inis ko, hindi ko mapigilan ang mapangha sa loob nito.

Maraming portrait niya. Maraming mga hindi ko maintindihan na design! And I think it’s all about mafia. May mga baril pa mga at mga sword. May mga pera din na nakadikit sa dingding.

Sayang ang mga libo-libo! Kukunin ko kayo riyan at ibubulsa ko kayo once na makawala ako sa kamay ng lalaking ‘to.

Napakaraming pinto bawat dinadaanan namin. Bawat pinto ay may nakalagay na initial na ACT. Nalula ako sa taas ng hagdan pero salamat naman ay mayroong elevator na gawa sa tempered glass.

Dalawa ang hagdan magkabilaan. Color white and black. Sa gitna naman ay hallway na mukhang papasok sa dining area dahil nakabungad ang mahabang table na tempered glass din pero black ang mga paa ng table. Maski ang tiles black and white.

Mayroon din siyang chandelier na color white. Ang pintura ng kisame ay black at ang pintura sa mga dingding ay white.

Shete! Ang ganda ng bahay! May mga sofa pa sa gilid at isang mahabang bar na punong-puno ng mga alak at mga pagkain.

“Done examining my house?” parang hinipan ako ni snowman nang magsalita siya. Napairap ako. Kung hindi lang mabango ang hininga niya siguro patay na ako. “Did you just roll your eyes on me?” kunot noo nitong tanong.

“So?” tinaasan ko siya ng kilay. He glared at me. “Alam mo, Mr. Tuazon? Mas maganda kung violet ‘yung design ng bahay mo. I don’t like it! Black and white means death!” pag-iirap ko.

“Oh, yeah. Nahulaan mo ng mabuti. Black and white means death. Argh, you are such a smart woman, baby. That’s why I like you,” pagkindat niya sa akin.

“Like mo mukha mo! Bolero! Kahit sino laman naman 'yun!” Hinila ko ang katawan ko pero hindi siya pumayag na mabitawan ako. Ipinasok niya ako sa elevator at pinindot niya ang number 5 which is ang pinakatuktok. “Tsk! Kahit maganda ang bahay na ‘to wala pa rin akong pake!” singhal ko. “Kung pinakawalan mo na sana ako edi sana wala kang naririnig na boses!”

He chuckled. "I'd love to hear your voice, baby, especially a moan. Will try it?” mapang-akit nitong sambit na ikinalaki ng mata ko.

“Bastos!” singhal ko.

“Sabi mo hindi mo gusto ang kulay ng bahay ko? Bakit mo pinuri?” pang-aasar nito. Pinanliitan ko siya ng mata.

Tumunog naman ang elevator hudyat na naririto na kami sa pinakatuktok. “Bitawan mo nga ako!” reklamo ko nang hilain niya ako papasok sa nag-iisang pintuan ng pinakatuktok.

Mayroon pang nakasulat sa itaas ng kanyang pintuan “Once you enter without knocking the door, you’re dead.”

“Ang corny ng motto mo!” singhal ko. He crackled.

“I know right, but I mean it.”

“Tsk! Bagay sa ‘yo. Mukha ka ngang kriminal.” Nagpatangay na lang ako sa kanya hanggang sa makapasok kami sa kwarto.

“Okay lang basta’t ikaw ang biktima ko.” Kinindatan niya ako kasabay ng pagkagat ng kanyang labi. Napangiwi ako sa kanyang ginawa.

Ang cringe pala ni Mr. Tuazon. Kapag nalaman ng mga estudyante ang ginawa niya sa akin, for sure wala ng magkakacrush sa kanya!

But THIS IS AMAZING! Mas maganda pa yata ang design ng kanyang kwarto kaysa sa ilalim. Tatlong bookshelves ang naririto! Ang lapad-lapad ng kama. Black and white ang theme tapos napakalamig ng buong kwarto. Sliding glass wall ang likuran ng isang balcony.

The Billionaire Mafia King's Obsession (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon