CHAPTER 45

51 3 0
                                    

“Pasyal tayo sa GCC minsan,” pag-iiba ko ng usapan.

“Great idea. Did you miss my school?”

He carried me way back sa mababaw na tubig. Baka kasi ma-out of balance siya kaya umalis na kami sa malalim. Bumitaw ako sa pagkakapit ko at umupo sa buhangin. Tumabi naman siya at inakbayan ako.

“Paano mo ako nakilala?” tanong ko. Hindi ko pa kasi alam ang tungkol doon.

“The first time I saw you, tapos tumingin ka pabalik.”

“Kinilig ka?” tanong ko na may pang-aasar. He hissed and laid his head on my shoulder.

“Oo,” pag-amin niya.

Hindi ako makapaniwala na ng lalaking ito ay kinilig pala sa tulad ko.

“Ganyan ba talaga kapag first time na-fall?” natatawang tanong ko. Ako kasi danas ko na kay Hans at saka doon sa ibang nakalandian ko pa.

“I think so. I was too focused on my fighting and had no time for a relationship. It was only when I got older that I realized all of my possessions were worthless without a family, so whoever I fell for, I would do everything to make her mine. And now, I am married to her,” paliwanag niya at hinaplos ang mukha ko.

“Tss. Dinaan mo kaya sa pera nanay ko.” At nanay ko naman ay masyadong matakaw sa pera. “Nakwento ko na pala na hiwalay na si Daddy saka si Mom sa ‘yo?” tanong ko. Umiling lamang siya. “Yeah, because of you, tsk. Tapos hindi mo man lang gagalangin daddy ko?”

“No. Nasa sa kanila kung maghihiwalay sila ‘no,” pagdedepensa niya kaya napairap ako.

“Tsk! Marinig ko pa talagang tawagin mo sa pangalan niya ang daddy ko, hindi na kita papansinin at uuwi na ako sa kanya,” banta ko at nag-iwas ng tingin.

“Fine, I'll call him ‘dad’,” napilitan nitong sabi. “I am having second thoughts whether to bring you along on the hunting trip or not. I am nervous because they might hurt you, wife.”

Kahit ako ay medyo kinakabahan pero hunting kasi ‘yon e. Gusto ko rin maranasan ‘yon at humawak ng mga bows. Hanggang nood nga lang ako sa mga weapon e, ngayon nakakabaril na ako.

“Nandoon ka naman para protektahan ako,” sagot ko.

“I’ll teach you how to use bows tomorrow, okay? Huwag kang mareklamo, para na rin naman sa ‘yo,” sambit niya. Pumayag na lamang ako. Gusto ko ring matutunan ‘yon bago ako gagawa ng own organization ko. Ano kayang feeling ng boss?

Like si Adri, boss siya ng lahat tapos siya rin ang nagdedesisyon. Ano kayang feeling nun? Kaya nga gusto ko ring matry para naman hindi ako mahinang tingnan ng mga tao

THIRD PERSON’S POV

“Dad,” tawag ni Bull boss sa kanyang ama na nakaupo sa kanilang sofa. Ang ama niya ay dating mafia boss na kinatatakutan ng lahat at namana ito ng kanyang anak, si Bull boss, ang spy sa isla ni Adrious, kaya’t bumuo siya ng kanyang grupo. Lahat ng mga yaman ng kanyang ama at mga weapons ay napunta sa kanya.

“Kumusta naman ang pag-eespiya mo sa anak ni Roel?” tinutukoy niya ang matagal na patay na ama ni Adrious. Kalaban ng kanyang ama ang ama ni Bullboss sa mundo ng negosyo at inggit na inggit ito kay Roel sapagkat siya ay matalino at maraming pinagkakitaan sa kanyang kumpanya kaya’t nung nagkaroon ng heir si Roel ay nangamba ito. Nagkaroon din siya nun ng anak, si Bullboss, at pinangako niya na tatalunin niya si Roel at kukunin niya ang negosyo niya upang maging number one mayaman sila.

Kaya naman pumasok sa mafia family ang ama ni Bull boss upang talunin niya si Roel. Siya rin ang dahilan kung bakit ito namatay. Siya ang dahilan kung bakit napaslang ang ama ni Adrious maging ang kanyang inosenteng ina.

The Billionaire Mafia King's Obsession (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon