“Wala na naman siya,” naiiritang sambit ko nang makalabas ako sa banyo. Isang oras yata akong nagbabad sa bathtub dahil sa init ng pakiramdam ko. Nakakainip! Ano naman kasi ang gagawin ko sa kwartong ‘to? Hindi ko rin gusto ang magbasa ng libro at baka mahagis ko pa kay Mr. Tuazon.
Ayoko rin namang manood ng TV dahil hindi ko trip manood ngayon. Gusto ko ngang magpunta sa mall at sa salon pero paano naman?
Speaking of the devil. Napabusangot ako nang magwapuhan na naman ako sa kanya. Para siyang isang teenager sa suot niya tapos ang buhok niya nakataas pa habang ang iilang hibla niya ay nakalaglag. Ang gwapo! Pero nakakawalang gana siya kapag nalaman mo na may sayad siya sa utak.
May naging girlfriend na kaya siya? Paano siya natiis nito? Or wala? Kung sabagay hindi nakakapagtaka kung wala pa siyang nagiging girlfriend ni isa. Desperado sa akin e.
Pero nakakabilib din siya dahil ngayon lang ako nakakita ng ganitong lalaki. Usually mga lalaki ay nahihiyang mag-first move or magpabebe sa mga partners nila pero itong lalaki na ‘to minsan ay nagpapacute, feeling jowa ko talaga e.
“Baby, your new phone.” Inilahad niya ang isang paper bag na mukhang bahay ng isang cellphone. Tinaasan ko siya ng kilay habang ipinapalupot ang mga braso ko sa isa’t isa. Ano na namang pakulo niya?
“Oh, bakit mo ako binilhan kung babasagin mo rin?” inirapan ko siya at hindi tinanggap ang paper bag. Magmamatigas muna ako dahil nagtatampo ako roon sa ginawa niyang pagbasag sa phone ko.
“I’m sorry, okay? Pero hindi ka makakatawag ng tulong. Kapag ginawa mo ‘yon ay tatanggalan kita ng karapatang mag-gadgets. Understand, baby?” Napalayo ang mukha ko nang haplusin niya ako. “I just want to be easy on you.”
“Ulol!” Pahablot kong kinuha ang phone. Sayang naman kung hindi ko tatanggapin ‘to kaysa naman sa wala akong pagkakaabalahan. Cellphone is my life! Hindi ko na tuloy makausap si Uleula.
“My kiss, honey.” Mr. Tuazon joined me in his bed. Tinalikuran ko siya habang binubuksan ang phone na never ko pang naging phone. Ito ang pinakamahal na brand today! Just wow! Nagkaroon ako ng ganitong phone in just one snap. “Do you like it?” Niyakap na naman niya ako patalikod. Naamoy ko na naman ang pabango niyang makatinding balahibo. Ang pabango niya na palagi kong kinababaliwan kapag nasa school siya.
“Oo, salamat naman at binigyan mo ako ng ganito. Dapat mo lang ‘tong gawin dahil sinira mo ang phone ko kaya kabayaran lang ‘to.” Hindi pa rin ako panatag sa ‘yo, ‘no. “At huwag mo akong linggisan. Baka mahawa pa ako sa mga galis mo,” pagtataray ko. Narinig ko ang munting tawa niya at hinalikan ang leeg ko.
“I can buy you more, just tell me if you want something.” Sinamaan ko siya ng tingin para bantaan siya na bitawan ako pero parang hindi naman niya ‘yon naintindihan.
“Mr. Tuazon, I want hot choco. Wala ka bang kusina rito? Hindi ba talaga ako pwedeng maglibot-libot ka sa castle mo? Duh, nakakasawa ang kwarto mo at nakakasawa ang mukha mo.”
“Tss. Tatakas ka e.” Hinigpitan niya ang pagyakap niya. Hello? Hindi mo ako girlfriend!
Pero sa huli ay hinayaan ko na lang siya dahil imposibleng malaglag ko ang mga kamay niyang kapit na kapit sa baywang ko. But in other part I felt relief. I felt someone is in my side, I felt his love and care that I never felt in other man. Si Hans kasi ay never akong niyakap ng ganito kahigpit dahil ayoko, dahil istrikto ako sa sarili ko. Ang sarap din pala sa pakiramdam. Uhaw talaga ako sa atensyon dahil hindi ko ito nafifeel sa parents ko.
“Hindi nga! Promise ko ‘yan!” pero once na kinasal na kami ay makakalabas na ako sa isla. Tatakas ako. Hindi ko nakikita ang future ko kasama si Mr. Tuazon. “Sige na,” ngumuso pa ako at hinawakan ang balikat niya. “Please? Pogi ka naman e.” Sana mauto ko siya. Actually kung panonoorin ko ang buong bahay niya ay hindi ako magsasawa dahil ang daming gamit at napakalawak pa, makintab at mabango pa.
BINABASA MO ANG
The Billionaire Mafia King's Obsession (Book 1)
Action"Apple Gale Fernandez-Tuazon," he teased as he played with my shirt. His breath gives me shiver as I want to run away from him but I can't. I just can't. His smell, his touch, his body, I want him too more than he wants me. Naramdaman ko ang mainit...