CHAPTER 48

28 1 0
                                    

As minutes goes by, wala kaming ibang ginawa ni Adri kundi turuan niya lang akong mag-bow and arrow. Goal niya talaga ay matuto ako. Ako naman ay nagseryoso na dahil ayokong nasasayang ang oras niya. Alam ko na masyado siyang busy pero nararamdaman kong piniprioritize niya ako. I appreciated that naman.

“Wife, the position of your elbow is wrong. You need to use force,” aniya at inayos ang pwesto ng elbow ko. “Go.”

Napangiti ako nang makatama ulit ako sa board. Medyo umi-effective ‘yung turo ni Adri. Pogi na nga kung magturo, magaling pa.

“King,” tawag ni Kuya Frans. Lahat naman ng nandito ay kuya ko. Pinakamababang age daw is 26. Paano naman akong 23 lang? Tapos asawa ko magti-thirty na.

Mayroon akong sugar daddy.

“Yeah?” sagot ni Adri at hinayaan niya muna ako.

“Nandito na po ‘yung mga ibabarbecue. Iluluto na lang po mamaya,” sagot nung Frans na kaagad namang pumalakpak ang tainga ko.

Ayieee! Spoiled na spoiled talaga ako sa asawa ko! Ginawa niya gusto ko.

“Prepare for dinner later, then bonfires. You can also place a tent there if you wanna sleep outside. Night swimming na rin,” paliwanag ni Adri. Hindi ako nakafocus sa pinapana ko, nakafocus ako sa sinasabi niya kasi nakakaexcite!

Para hindi na ako mapagalitan kay Adri ay minabuti ko na rin ang pagpapractice. Kahit hindi ko siya tinitingnan ay alam kong pinapanood niya ako. Nang mag-sawa na ako sa pagpapana at mukhang hapon na rin ay pagod ang mukha kong nilapitan si Adri at umupo sa tabi niya habang hawak ang hita niya.

“I wanna rest na,” nguso ko at humiga sa dibdib niya.

“Dad is here,” sabi niya dahilan para umangat ang tingin ko.

“Daddy mo? akala ko ba wala na siya?” naguguluhang tanong ko. He laughed as he pinched my cheek. Namumula rin ang kanyang mukha at tainga.

“It was your father.”

Hindi ko alam kung saan ko ba natutunan itong pagkilig ko pero…kilig na kilig talaga ako! Tinawag niyang dad ang dad ko, like wow? Nakinig na siya sa akin, huh? At hindi niya tinawag sa pangalan si Dad. He is really my husband na.

“Sabi mo I’ll call him ‘dad’?” may halong depensang sambit niya habang namumula ang pisngi.

“Oo nga,” I stood up. “Let’s meet him!” hinila ko siya patayo at siyempre dahil malakas ako sa kanya ay nagpahila siya. “Say hi to Daddy, okay? and magmano ka. Kapag ikaw dinisrespect mo daddy ko hindi kita bati,” banta ko. He just kissed my head and hugged my shoulder. I hugged his waist as well. Patago kong sininghot ang kanyang damit.

Napakabango talaga!

“Daddy!” malakas kong tawag sa kanya dahil malayo pa lang ay kilalang-kilala ko na ang lakad at pormahan niya. Binitawan niya ang bag niyang dala at patakbo niya akong sinalo dahil sa pagyakap ko. “I missed you po! Welcome here!” galak kong sambit habang isina-sayaw siya.

“Thank you, my princess. All I can say to Caesar’s house and property is wow! It was perfect. Hindi pa ako nakakita ng ganito sa totoong buhay, ngayon lang,” komento niya habang minamasid ang buong paligid.

“Dad,” tawag ni Adri sa likuran ko. “Welcome,” nakangiti nitong bati. Ayan, goods ‘yan. Napakagat ako ng labi nang magmano pa siya.

Nice ‘yan! plus points ng kapogian mo ‘yan, husband!

“Thank you. Ang sarap tuloy tumira dito,” natatawang sambit ni Dad.

“You can, dad. Gusto naman ng anak mo,” sagot ni Adri. Nanlaki kaagad ang mga mata ko sa tuwa.

The Billionaire Mafia King's Obsession (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon