“Ma’am Apple, ang ganda-ganda mo riyan sa wedding dress mo. Simple at komportable pang tingnan. Hindi mo na kailangang buhatin ang palda niya at makakalakad ka pa ng maayos,” puri ni Aileen habang inaayos ang zipper ng suot ko. Kulang na lang ay sabihin niya sa aking gusto niya ring suotin ito.
“Huwag mo nga akong bolahin,” I rolled my eyes while fixing my hair. Hinagod ko ang curly hair ko sa gitna ng mga daliri ko habang pinapagpag ang dress na suot ko. “Hindi naman ako masaya sa magiging kasal bukas. Parang naglalaro lang kami ni Mr. Tuazon.”
Pina-unzip ko na ang zipper sa likod nitong white dress na suot ko. Pinadala lang ni Mr. Tuazon itong dress. Hindi niya ako ikinulong sa kwarto pero ang buong mansyon niya ay nakalock. Pupunta daw siya sa kanyang business building dahil mayroon daw siyang meeting at i-interview.
Akalain mo ‘yon? Sobrang busy pala ng taong ‘yon pero pinipili niyang nag-i-stay rito? Kung alam niya lang talaga na ayaw na ayaw ko siyang makita everyday.
“Aileen, balak kong tumakas after ng wedding kasi hahayaan na niya akong lumabas. Kailangan ko ang tulong mo,” sabi ko pagkatapos naming tanggalin ‘yung dress. Kita ko ang pamumutla ni Aileen habang napapalunok ng mariin. Kumunot ang noo ko sa reaksyon niya. “Why? Are you scared? Don’t be. Isusumbong natin siya sa mga police. For kidnapping me, harassment, lahat na! Nang madiin ‘yan sa kulungan.”
“Ma’am, hindi po pwede,” tanggi niya at umiling-iling sabay ang pagbitaw niya sa akin. Ibinagsak ko ang mga balikat ko at natatawang tinaasan siya ng kilay.
“Pati ba naman ikaw? Siguro kasabwat ka rin ng mom ko tungkol dito. Mga wala kayong awa!” Ibinato ko sa kanya ang hawak kong panyo.
“Ma’am, hindi naman po sa ganun. Binantaan po ako ni Sir Caesar na kapag tinulungan kitang makatakas ay idadamay niya ang pamilya ko. Kilalang kilala niya ang mama ko tapos pati ako ay ipapapaskil niya kapag hinayaan kitang makatakas. Ma’am, huwag ka na pong tumakas para sa kaligtasan natin. Nakikiusap po ako.”
Hinugot ko ang galit kong hininga at hinila paalis sa kanya ang braso ko nang hawakan niya. Ipinakita ko na gusto ko na siyang sabunutan. “Wala kang kwenta! Lumayo ka nga sa akin! I thought you can help pero wala ka pa rin talagang—argh! Dyezuz!” I rubbed my palm on my forehead.
“Ma’am, tanggapin niyo na lang po itong buhay na mayroon kayo kay Sir Caesar. Kahit ako ay ayoko nang mapunta ka sa parents mo kasi hindi ko naman nakikita na mahal ka nila lalo na si Ma’am. Lagi ka nga niyang sinisiraan sa mga barkada niya na para bang hindi ka niya anak. Ma’am, aanhin mo po ang tumira doon? Alam mo ba kahapon ay ang ganda niyong tingnan ni Sir? Nakakakakilig kayo tapos nararamdaman ko ang pagmamahal ni Sir sa ‘yo. Nakakaya ka nga po niyang tiisin kahit na sinusungitan mo siya.”
At anong napakain naman ni Mr. Adrious Caesar Tuazon sa babaeng ‘to? Bakit ako hindi ko makita na mabuti ang lalaking ‘yon? All he wants is me! My body! Because he was obsessed! Forced marriage? Tapos force din ang pagpapatira niya sa akin rito?
“Aileen, hindi mo ako naiintindihan. That person forced me and bought me para lang maging asawa niya. He even asked me to give him a child! Can’t you get it? Iyon lang ang habol niya sa akin. I don’t like him! Kung alam mo lang ang takot ko noong ikinulong niya ako sa kwarto na mag-isa.”
At tatatak na ‘yon sa isip ko habang buhay.
“Pero, ma’am, kung magbebehave ka naman daw ay hahayaan ka po niya sa mga gusto mo. Sinabi niya po ‘yon sa akin n’ong nagtanong ako. Sabi niya ay hindi ka naman niya raw ikukulong basta’t mag-behave ka raw at makinig ka sa mga sinasabi niya.”
“Naniwala ka naman?” taas na kilay na tanong ko.
“Opo. At saka ‘yung tinuturing mong kaibigan ay kasa-kasama ngayon ng mommy mo. Nagka-club pa nga sila e. Kung totoong nag-aalala sila sa ‘yo bakit nakukuha pa nilang mag-saya-saya? Ma’am, hindi mo po sila kailangan kung ganun sila. Ano naman po kung kasama mo ang parents mo sa iisang bahay pero sa gabi mo lang sila nakakasama tapos hindi pa kayo nag-uusap? Hindi lang ‘yon, palagi mo pang nararamdaman na mag-isa ka. At saka si Ma’am ay kinukulong ka rin niya sa kwarto mo, ‘di ba? Wala rin naman pong pinagbago rito. Dito ay pwede ka pang maglibot-libot sa buong isla at may mga kotse pa na for sure ipapahiram sa ‘yo ni Sir. Sana, Ma’am Apple, hindi mo maisipan ang tumakas. Bukod kasi nasa magandang buhay ka na ay maililigtas pa tayo,” lintaya ni Aileen na nagpababa ng tingin ko dahil sa lungkot nang marinig ko ang tungkol sa mga magulang ko.
BINABASA MO ANG
The Billionaire Mafia King's Obsession (Book 1)
Action"Apple Gale Fernandez-Tuazon," he teased as he played with my shirt. His breath gives me shiver as I want to run away from him but I can't. I just can't. His smell, his touch, his body, I want him too more than he wants me. Naramdaman ko ang mainit...