CHAPTER 6

131 6 1
                                    

Napatakip ako ng bibig nang biglang sakalin ni Mr. Tuazon si Mommy kaya nagmadali akong tumayo para pigilan siya.

“Mr. Tuazon, bitawan mo ang mommy ko! Hindi siya makahinga!” tarantang pagmamakaawa ko habang hinihila ang kanyang braso. Imbis na magpatinag siya ay ipinalupot niya ang iba niyang braso para hapitin ako sa baywang at hinila malapit sa katawan niya.

“Sinabi ko naman sa ‘yo na ako ang makakaharap mo kapag sinaktan mo si Apple,” makapagtindig balahibo nitong bigkas at parang ready na sa pakikipag-awayan ang kanyang boses. “Sa akin na siya at nawalan ka na nang karapatan na sigawan siya o saktan nang pinirmahan mo ang contract. She will be my queen and no one can harm her not even you! Hindi mo na pagmamay-ari ang anak mo, Mrs. Fernandez!”

“P-Plea-please l-let me go. I-I can’t b-breathe…” hirap na hirap na pagmamakaawa ni Mom.

“Bitawan mo si Mommy! Bitawan mo siya!” Hinila ko ang braso niya pero parang batong mabigat ang hinihila ko. “Please! Let me go!” Binitawan naman niya ako at itinulak ng bahagya. Napatakip ang bibig ko nang idiniin niya si Mommy sa kanyang kotse.

I forgot to breathe while staring at Mr. Tuazon is doing that to my mother. Nasa harapan siya ng school niya! Akmang tatakbo ako papalapit pero hinawakan ako ng mga bodyguards sa aking braso.

“Let me go! My mommy is in danger!” paghagulgol ko. I gasped when I saw Mr. Tuazon get his gun from his pocket and aim it at the forehead of my mother.

“Don’t let Apple approach us.”

“Yes, king,” sagot naman nang may hawak sa akin.

“Ayaw na ayaw ko pa naman ay ang hindi nakikinig sa akin. I’d love to pull the trigger and blow your head, Mrs. Fernandez,” may gigil nitong sambit dahil nakikita kong nanginginig sa inis si Mr. Tuazon.

“No, Mr. Handsome. No. I-I won’t hurt her anymore. Spare my life, please…please.”

“Please, Mr. Tuazon! Sasama na ako just spare my mommy. I don’t want to lose her! Please, Mr. Tuazon. Don’t hurt my mother,” I begged. Binitawan naman niya si Mommy kaya hinila ko ang mga braso ko at hinabol ko ang ulo niya bago siya bumagsak sa sahig. “Mommy!” idinikit ko ang noo ko sa kanyang noo.

“Magpasalamat ka at mabait ang anak mo kahit masasakit ang mga pinagsasabi mo sa kanya. Kung wala lang si Apple dito, mapapatay kita. I hate you. Paano ka naging ina ni Apple?”

“SHUT UP!” singhal ko sa kanya at hinarap ulit si Mommy na hirap na hirap sa paghinga. “You don’t need to be rude to my mother in front of me! Hindi ko nga siya binabastos eh. Ikaw pa kaya?! Pwede itikom mo ‘yang bunganga mo?!” dagdag ko pa na singhal.

“Frans! Get her stuff and tie her hands. Ipasok niyo siya sa kotse ko. Faster!” utos niya at dumiretso sa kanyang makintab na maitim na sasakyan.

“A-Anong ginagawa niyo?” taranta ko nang kunin nila ang kamay kong nakahawak sa balikat ni Mommy. “Bitawan niyo ako!” nagpumiglas ako pero napakalakas nila! “Ano ba?! You fuckers! Pagsisisihan niyo ‘to!”

Hindi na ako makakalas nang hinila nila ako papasok sa kotse ni Mr. Tuazon habang nakatali ang mga kamay ko. Inis ko siyang binalingan.

“Kakaiba ka pala! Kala mo ba masaya akong kasama ka?”

Nanlaki ang mata ko nang binilisan niya ang pagmamaneho ng kotse. Napahawak ako ng mahigpit sa seatbelt, like my spirit and life is dependent on this car and seems like myself has lost my body.

Mas lalong umakyat ang dugo ko nang marinig ko siyang tumawa na para bang joke ang ginawa niya.

“Ano ba? Ano bang problema mo, huh?!” kung hindi lang ako nakatali ay nasakal ko na siya. Ang mukha ko ay nakalapit na sa kanya. Gusto kong kagatin ang tainga niya!

“Wala akong problema unless dadagdag ka,” prangka nitong sagot.

Natahimik ako dahil sa kanyang sinabi. Wala siyang magiging problema kung hindi ako dadagdag? Pwes, nagsisisi siyang binili niya ako.

“I haven’t complimented you yet. I love your dress. It suits you perfectly and you look very young. You’re the type of woman that I like,” out of the blue nitong sambit na nagpaikot ng mga mata ko. “Uh. I love to see your body,” he sang.

Manyakis!

“Subukan mo akong silipan dahil tutusukin ko siyang mata mo!” banta ko. “I don’t care about your compliment. For your information, I’m not interested in you, so put me away out of your car and your sight and return me to where I came from!” prangka ko ring banat. Tumawa na naman siya ng mahina na ikinainis ko.

“I love it when you are mad. Congratulations nga pala dahil natapos mo na ang college mo. I am so proud of you, Apple Gale. I attended your graduation. Ang dami mong medal. I haven’t thank your uncle for handing you your diploma.” Pati ba naman ‘yon alam niya?

“What? Are you stalking me, huh? Nandoon ka lang ba sa school mo para sa akin nakadikdik ‘yang mga mata mo?!”

“Yes. Ano namang masama roon?” pa-inosente nitong tanong. I scoffed.

“Walang masama sa pang-iistalk? Baliw ka kung hindi mo alam na masama ‘yon!”

“Blah blah blah, Apple Gale,” pambabalewala niya na ikinapikon ko.

“I don’t care about you,” I rolled my eyes. “And please stop mentioning my second name dahil hindi naman tayo close!” singhal ko.

“Woah! Easy baby. Why are you so grumpy? May period ka? Cramps?” maloko nitong tanong habang natatawa pa. “Don't worry, hindi ko na hahayaang mag-mens ka ng 9 months.”

Walang hiya! Napakabastos ng isip!

“Would you stop calling me that filthy name?” Pumadyak ako sa kanyang kotse to express my madness.

“Just observe the road and the nature,” he said coldly. Nangilabot naman ako sa kanyang boses. Napansin ko na nakasunod ang mga bodyguards sa likod.

Napalunok ako at iniikot ko ang bracelet ko. Ganito ako kapag kinakabahan, iniikot ko ang bracelet ko para marelax ako kahit papaano. Itong tao na ‘to hindi ko akalain na ganito siya!

Hindi talaga ako makapaniwala na ginawa sa akin ito ng sarili kong ina. Sana iligtas ako ni Daddy sa kamay ni Mr. Tuazon. Natatakot ako sa kanya dahil baka may gawin siyang masama sa akin.

Iniliko niya ang kanyang kotse sa may papasok sa pagitan ng maraming puno. Pinagmasdan ko ang daan na napakapresko sa paningin. Maya-maya nasisinagan ko ang isang dagat.

“Nasaan tayo?” tanong ko nang hindi siya binabalingan. Hindi naman siya sumagot at nanatiling nagmamaneho kaya’t napairap ako. “Pipi ka ba o bingi?”

Pero tama lang yata na hindi na ako nagtanong dahil sa malaking pangalan na nakaukit sa arko sa itaas.

“Treacherous Mafia Island?” gulat kong sambit sa pangalan ng isla. “Mafia? Eh ‘di ba mga criminal ang mga ‘yon?” I casually burst out. “Kriminal ka? Kasali ka sa sindikato?”

“Yes. Why?”

“Aba't proud ka pa, huh?”

“Of course, my Apple Gale. Dito ako yumaman sa mga illegal activities.”

Punyeta! Gusto ko mang kalmutin ang mukha niya pero hindi ko magawa dahil sa lintik na taling ‘to.

“This is my island. I am the king of this place,” he answered and parked the car. Napaawang lang ang bibig ko sa view. “And I am the king of the Mafia Organization that I built. Other nations want me to be their partner. Kilala rin ako sa ibang lugar at shudad dito sa bansa natin. Kilala rin ako sa ibang bansa.”

Paki ko?! Pakialam ko!? Gusto ko mang isigaw ito pero anytime pwede niya akong sabunutan, sakalin o barilin.

“Pag-aari mo ‘to?” pag-uulit ko at binalingan ang buong place. Puro itim! Pader at mga cars ay itim! Maraming mga halaman na tabi ang isang…WOW!

“Ang taas! Parang castle!” manghang sambit ko habang tinititigan ang malacastle na bahay.

“That is my mansion or my palace as the Mafia King of this island.”

“Woah…” May napansin din akong mga bahay na mukhang nakatira ay ang mga bodyguards dahil may mga nakita akong nakaitim na mga lalaki.

“This will be yours after I tie my surname to your name, baby. And I can’t wait for that to happen.”

Isang ingay ng paghalik niya sa sintido ko ang pumatig sa tainga ko.

Argh! Iyong laway niya ang lamig!

The Billionaire Mafia King's Obsession (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon