Special Chapter

42 1 0
                                    

Ken Pov...

Ipinarada ko muna ang aking sasakyan bago ako tuluyang pumasok sa bahay nila mama ( mama ni Faye ). Dito na ako dumeretsyo ng sabihin saakin ni manang na wala ang mag ina ko sa bahay at dumalaw raw ito kila mama. Nabalitaan ko rin na may sakit pala si mama kaya napadalaw ang aking asawa, kilala ko Kasi ito ayaw na ayaw nya talaga na wala sya tuwing nag kakasakit si mama para maalagaan nya ito lalo't wala sila Ashley at ang kapatid nito na lalaki at nag aaral ngayon.

Pagpasok ko sa loob si yaya Lina lang ang maabutan ko at naglilinis.

"Magandang araw ate Lina" bati ko rito kaya napalingon sya saakin.

"Oy, nandyan ka pala iho" ngiti nya at itinabi sa gilid ang mga gamit na panglinis.

Iniabot ko sa kanya ang dala kong pagkain na itinake out ko kanina sa restaurant na nadaan ko.

"Ay, sige iho ihahain ko lang ito"

"Si Elle po manang?" tanong ko rito ng hindi ko makita sa salas ng asawa ko at ang kambal.

Maliit lang ng bahay ni mama pero up and down ito.

"Ay si Elle ba? Naroon sa taas n tutulog Sila ng kambal. Tawagin mo na iho at hindi pa iyon kumakain" sabi ni manang Lina at dumeretsyo na sa kusina.

Inilapag ko muna sa sofa ang aking mga dalang gamit bago ako umakyat sa taas. Bali tatlo ang kwarto dito isa kay mama at Ashely ang kapatid nya naman kasi na lalaki ay hindi naman rito nag s-stay. Kong narito man doon ito natutulog sa baba.

Dahan dahan Kong binuksan ang kwarto ni Elle at nakita Kong mahimbing na natutulog ang tatlo sa hindi kalakihang kama nito.

Pumunta ako sa gilid nito at hinalikan sya sa pisnge at dahan dahan na tinapik para nagising.

" Hey love" bati ko rito ng bumukas ang mga mata nito. Hindi pa man sya bumati pabalik ay hinalikan ko na ang labi nito.

"Tsk" sabi nya at tinakpan ang bibig kaya napatawa nlang ako sa ginawa nya.

"Hindi pa raw kayo kumain ng tanghalian?  May dala ako, Tara sa baba?" Sabi ko rito at kinuha ang upuan para maupo, dahil maliit ang kama nya hindi na ako umupo room baka magising pa ang kambal.

"Anong oras ka dumating?" Tanong nito at dahan dahan na bumangon sa pagkakahiga.

"Kakarating lang" sabi ko at inalalay sya

"Wait punta lang ako sa Banyo" sabi nya at naglakad na papunta roon.

Habang mas banyo sya ginising ko na rin ang kambal para sabay sabay na kami kumain.

"Hey kiddo" bati ko rito at hinalikan sila sa pisnge

"Hello daddy" sabi ni hael
" I miss you daddy" sabi naman ni haela
"Meow" napangiti ako at tiningnan si kuro na katabi pala ni haela.

Narito kami sa sala at nang kukwentuhan dahil kakatapos lang rin namin kumain ang kambal naman ay nasa labas at naglalaro roon sa maliit na garden ni mama kasama ni yaya Lina.

"Ma, kailangan nyo na magpacheck up, sa pag-aassess ko pa lang sainyo ay hindi na iyan maganda" sabi ni Elle

"Ano ba anak, pagod lang ako kaya ako nahilo at nahimata" laban naman ni mama

Hindi na ako sumali sa usapan nila dahil alam kong usapan mag ina iyon.

"Ma naman, sobrang kulit nyo talaga" halatng na stress na sa mama nya kaya hinawakan ko ang kamay nito at pinisil pisil.

"Huwag ka na kasi mag aalala anak, ayos lang talaga ako" sabi ni mama at umakyat na sa taas.

Nakabusangot iyon tumingin saakin

"Hay, nakakainis talaga, ang tigas ng ulo ni mama" sabi nya at inihiga kaunti ang ulo sa dibdib ko.

"Hayaan mo na love, baka naman talaga pagod lang si mama non"

"Alam mong hindi, takot lang talaga sya mag pacheck up dahil ayaw nya malaman kong ano talaga sakit nya!!!" sabi nito niyakap ako.

Hindi nalang ako nagsalita at hinayaan syang maghinaing saakin. Naintindihan ko rin kasi si mam natatakot talaga sya pero mas naiintindihan ko rin naman si Faye na gusto nya lang talaga malaman kong ano talaga kalagayan ni mama.

Nag stay pa kami ng ilang araw bago kami tuluyang bumalik sa manila dahil pumapasok rin ang mga bata at si Elle naman ay may trabaho rin tsaka ako. Bumalik na rin pala si Elle sa one z entertainment.

"Kamusta ang bakasyon ng tao na to?" Bati agad saakin ni stell ng makita ko syang naka upo sa couches rito sa one z

"Ayos lang , Hindi kami masyadong nakapaggala gala dahil nga si mama napapgod agad" sabi ko at naupo na rin.

"Nasabi mo na ba kay Elle?" Banggit nya about sa offer saamin

"Hindi pa nga e" namomoblema nga ako

"Sabihin mo na" sabi nya nang makita namin ang tatlo na mukhang namomoblema na rin.

Napatingin ako ng makaupo ang tatlo sa couches, nakakatawa talaga.

"Balita" bati ko sa kanila at sabay sabay silang huminga ng malalim

"Hay, galit saakin ang maldita" sabi ni Justin kaya napatawa kami roon. Wala n kasing bago yon, lagi naman ata galit yun. Kong gaano kabait si justin pero ang mahal nito ay saksakan ng pagkamaldita talaga. Pero mabait naman yun.

"Wala namang bago" sabi ni josh

"Tunay HAHAHAHHA" sabi ni stell

"Hindi ako pinayagan nong nagpaalam ako kanina" sabi naman ni pablo kaya bigla kaming natahimik doon

"Ako? Wala namang problema saakin" sabi ni josh at inihilata ang ulo sa couch

"Idi wow" irap na sabi ni Justin kaya napatawa kami roon

"So? Anong Plano?" Tanong ko sa kanila kaya saakin sila ngayon nakatingin, alam ko na kong ano ang nais nilang nalaman.

"Hahaha, Hindi pa ako nakapagpaalam" sabi ko kaya parang mas lalo pinagbagsakan ng lupa ang mga ito.

"Tangina mo" sabi ni josh kaya napatulala nalang rin ako at iniisip kong paano ko makakapagpaalam.

"Para saan ang pagpapaalam?" rinig Kong tanong sa likuran namin kaya napalingon kami roon at walang iba kundi ang asawa ko. Bakit ba d ko naisip na anytime soon maririnig kami ng asawa ko.

"Oppss" sabi ni pablo at nauna nang umalis sa pagkakaupo sa couch at sinundan naman ng mga tanga

Gago??

"Pre, rip" sabi ni josh at natatawa na umalis

"Good luck" sabi ni Justin at natatawa na rin kasama ni stell

Mga animal talaga. Gagoo?

"Wala kang balak magsalita?" Tanong nito at tinaasan ako ng kilay sa ganitong reaksyon na alam kong may alam na ito. Gusto nya lang ako mag salita.

Sinabi ko sa kanya kong ano ang pinaguusapan naming Lima noong maabutan nya kami at alam kong magagalit ito.

"WHAT?!!" sigaw nito

Sabi ko na nga ba e.

Life With My RockstaWhere stories live. Discover now