Rod's pov:
Pauwi na ko ngayon umaga sa Ilocos, dala ko na ang mga natira kong importante na gamit sa condo.
Hindi ko naman na meet kung sino man ang babae na yun sa condo ni Imee dahil nung umaga na sinubukan kong kilalanin eh wala naman sumasagot dito.
Si tatay naman ang nagda drive at nakaupo lamang ako sa shotgun seat ng kotse habang nakatingin sa bintana, nadaanan na namin ang arc na nakalagay na welcome to Ilocos at maya maya ay bigla naman umulan ng malakas.
Mabuti na lamang at malapit na kami sa bahay ...
Pagkatapos kong kumain ka sabay si nanay at tatay ay nagpa alam naman ako para matulog na dahil nakaka pagod din ang byahe ...
Bigla naman lumakas pa lalo ang ulan ng dahilan ng pagsara ko ng mga bintana. Tinitigan ko naman ang ulan at umupo sa sofa malapit sa bintana.
Kamusta na kaya si Imee ???
Flashback: 8 years ago !
"Bangon na jan mahal kong Josefa !!! Tanghali na oh ? Gusto mo ba mahuli na naman sa major subject mo ? Remember last year mo na sa college. Don't mess this up !" Pagsesermon ko kay Imee habang pinupulot ko ang mga papel at flashcards na nagkalat sa sahig at study table nya.
Mga 1 year na din kaming magkaibigan ni Imee at para talaga kaming aso at pusa. Wala atang buwan na hindi kami nag away at nagba bati din naman. Di ko matiis kaya sinusuyo ko na lang kahit madalas puro toyo lang naman nya ang dahilan.
Josefa talaga tawag ko sa kanya. Josefina ang pangalan nya, nung nalaman ko yun ay natawa ako at dahil pinakita nya na ayaw nya tawagin sya ng Josefina, ginawa ko na lang Josefa para lalong maasar. Naaasar naman.
Ayaw naman nya bumangon at nakadapang higa pa talaga, higa talaga ng mga tamad.
Hinila ko naman ang kumot saba'y hila sa paa nya. Pero naka kapit sya agad sa kama.
Sa bigla nya eh inis na inis sya sakin tumingin.
"Rod ano ba !!! Umalis ka muna, hindi ako makakabangon kapag anjan ka, labas na ! Shooo shooo ...." Pagtataboy ni Imee sakin.
"At bakit mo ko tinataboy aber ??? Hindi ako aalis hangga't di ko nakikitang bumabangon ka jan !" Pagtataray ko naman sa kanya.
"Basta !!! Di ako haharap sayo hangga't di ka umaalis dito sa kwarto. Alis na kasi !!!! .... Rod, isa ...." Pagtataray naman nya.
Aba ! At talagang binilangan pa ko ng isa ... Susundan ko sana ng dalwa kaso baka buong condo na ang ihagis sakin. Nagiging dragon talaga sya pag nagalit.
"No ... No ... No ... N-O Josefa" Pang-aasar ko na lang.
Binato naman nya ko ng unan pero nakailag ako. Kala mo ha ? Inis na inis sya sakin tumingin pero di ako nagpa tinag kahit medyo nakaka kaba sya. Inasar ko pa lalo at tumalon ako sa kama. Natawa naman ako ng medyo tumalbog sya at pagkaka taon ko para kilitiin sya ng kilitiin hangga't sumuko at bumangon na sa kama.
"Ano ??? Di ka pa babangon ??!" Patuloy kong pang-aasar.
Nakita ko na paiyak na sya at nagpa paawa na tigilan ko na sya. Pero di ko to pinansin at patuloy na kiniliti hanggang sumuko sya sa pagkaka higa.
BINABASA MO ANG
One last Cry ...
RandomA story of flashback's love, pain and sorrow. Will fate stand in their side the present time ? Dumee fans enjoy reading 😉💚 Please vote and comment anytime 😁 Thank you 💚❤️