Cringgg ... Cringggg .... Cringggg ... ⏰
"Urrggghhhhhhh !!!! Ano ba yan kakatulog ko pa lang, nagri ring na 'tong alarm clock na to'" bugnot kong sabi habang pabangon na mula sa pagkaka dapang higa.
.......
Habang nag aayos ng kama ay syang katok ng pinto ni nanay Lucil ...
"JOSEFINA !!! JOSEFINA !!! Kakain na, bumangon ka na jan ... Nagpuyat ka na naman ba kakasulat sa libro mo ??? Bangon na bago lumamig ang pagkain ... Sige na" sigaw bahagya ni nanay Lucil habang patuloy na kinakatok ang pinto.
Alam nya na hindi ako agad agad babangon kaya araw araw na lamang nya ko binubulabog ng ganito sa pagkatok ng sunod sunod with matching sigaw sigaw pa talaga para naman daw effective.
Hi ! I'm Josefina Imeera Rioz, but they call me Imee, 29 yrs old from Ilocos
At yung kumakatok ??? Si nanay Lucil, sya ang nag alaga sa akin mula ng pinanganak ako. Don't get me wrong. May magulang pa ako, pero si nanay Lucil ang isa sa una namin helper sa bahay. Sya ang tinuring ko ng pangalawang magulang dahil ang Mama ko ay kailangan ng mga kababayan namin. She's a mayor of our town. Kaya laging wala. Mahirap din lumaki na ang pamilya ay galing sa kilala na mga politicians.Unfortunately, my dad died when I was just 4, he got into an accident when he was going back home to Ilocos. I have 2 siblings ako ang bunso, ang Kua ko na si Tarif ang gitna at ang Ate Aldena ko ang panganay. Pero malayo ang gap namin magkasunod sila ng edad 8 at 7 years gap sila sa akin kaya may sari sarili na silang pamilya. I'm 29 years old at ako na lang ang naiwan kasama ang Mama ko. Which is somehow a bad thing ?
I took up Political Science pero pinilit lang naman ako dahil lang sa magaling daw ako maging political adviser ng mama ko every time she needs some insights and opinions about her work. Pero dahil hilig ko na rin magsulat, mas tinutuunan ko ng pansin ang pagtapos ng libro na sinusulat ko sa kasalukuyan.
JOSEFINA !!!! ano ba't hindi ka sumasagot ??? Muling sigaw ni nanay Lucil dahil na rin sa pagkaka tulala ko habang nakaupo sa kama pagkatapos neto ayusin.
"Eto na po nay, nag aayos lang, susunod na po" Sagot ko habang papunta sa Cr para mag ayos ng sarili.
"Okay sige Imee, bababa na ko. Dalian mo at baka maunahan ka na naman ng Mama mo sa umagahan" sabi ni nanay Lucil sabay pag alis.
Imee na ang tawag nya sakin pag sure na syang nag aayos na at wala na sa pagka hilata sa kama. Alam nya kasi na ayaw na ayaw kong tinatawag ako na Josefina kaya ayun ang pang gising nya sa akin.
On the other hand, nagulat ako ng sabihin nya na nandito ang Mama ko, dahil 8 na ng umaga, usually kasi 7 am pa lang wala na sya dito sa bahay, bumangon man ako ng maaga palagi na lang din sya nagma madali umalis at hindi na kami nakakapag kwentuhan.
Nag madali akong nag ayos at bumaba. Nakita ko na nakaupo na ang Mama ko at hindi pa kumakain.
Inintay ba nya ko ? Tanong ko sa isip ko.
"Sabi ni Nanay Lucil, hindi ka daw sumipot sa business meeting na pinapa attend ko sayo ? At bakit ?" Tanong nya sakin habang kumukuha sya ng pagkain sa lamesa.
"Eh Ma' nagpunta naman po ako, hanggang pintuan nga lang ng restaurant" Sagot ko habang paupo at kumuha na din ng pagkain sa mesa.
"At bakit nga ?" Inis nyang sagot at tumingin sa akin.
"Ma' naman, he's not worth my time, ire reto mo lang ako sa kanya eh. Uso pa ba ang arrange marriage ?" Sagot ko naman.
"Imee, his family is one of our new biggest investor sa business natin and you are responsible to get in touch of the business dahil ikaw lang naman ang magma mana neto, ang mga kapatid mo may sari sariling business na hina handle. Ayaw mong mag politiko, kaya mag handle ka ng business at farm." Sagot neto habang nakatingin sakin ng diretcho.
BINABASA MO ANG
One last Cry ...
AcakA story of flashback's love, pain and sorrow. Will fate stand in their side the present time ? Dumee fans enjoy reading 😉💚 Please vote and comment anytime 😁 Thank you 💚❤️