Rod's Pov:
Kinabukasan ay nagising ako na nakayap parin si Imee sa akin at tulog pa ito.
Hindi naman ako kumibo at inalis ng dahan dahan ang mga buhok na nakaharang sa mukha nya at sinuklay ng dahan dahan para maayos.
Gustong gusto ko talagang pinagma masdan ang maamo nitong mukha.
Ang ganda ng pilikmata, ang tangos ng ilong, ang cute ng lips isama mo na ang masarap kurutin na pisngi nito.
Mataray at masungit lang talaga pag gising.
Hahalikan ko na sana ito sa noo ng bigla itong mag mulat ng mata. Nginitian ko naman ito at itinuloy ang paghalik ko dito sa noo.
"Goodmorning Imee" ngiti ko naman na bati dito.
Hindi naman nya ko pinansin at pumikit ulit ito.
"Imee, alam kong masarap akong yakapin pero you need to wake up na kasi pupunta tayong bayan" seryoso na biro ko dito.
Nagmulat ulit ito ng mata at kinurot ako ng malakas sa bewang.
"Aaaraaayyyy !!!" Sigaw ko naman.
Tumayo naman ito at naupong nakamungot sa akin.
"What was that for ?" Seryoso ko naman na sabi habang hawak ang bewang na kinurot nya.
"Ang feeling mo kasi, pede mo naman ako ibalik sa pwesto ko nung alam mong tulog na ko" pagta taray naman nito.
"Ikaw kaya ang yumakap sakin, tapos pag inalis ka naman magagalit ka" reklamo ko naman dito.
"Che ! Ewan ko sayo !" Pagta taray ulit nito.
"Ang dami dami kayang gusto yumakap sakin noh, buti nga nakaka access ka anytime" biro ko naman dito.
Hinagisan naman nya ko ng malaking unan at dumiretcho sa comfort room para mag ayos ng sarili.
....
Maya maya paglabas nya ay nakahiga parin ako sa kama at nanunuod na sa Tv. Ngumiti naman ako sa kanya pero hindi ako pinansin.
"May toyo na naman po ang Josefa" sa isip isip ko.
Pagkatapos nya mag ayos ay lumabas na ito ng kwarto.
Pagka ayos ko ng sarili ay lumabas na din ako at nakita ko na kausap na nito si manang Rosa at ate Linda.
Binati ko naman sila at tumingin lang si Imee sakin. Umupo naman ako sa tabi nya.
"Hindi pa rin ba kayo bati ? Natatawa naman na tanong ni Ate Linda.
Umiling naman ako at tumango naman sya. Na ikinalito at tawa ni manang at ate.
"Ano ba talaga ?" Tawang tanong ni manang.
"Wag ka maniwala dito manang bati na kami nyan" pang aasar ko naman sabay akbay sa kanya.
Inirapan naman ako ni Imee at tinanggal ang pagka kaakbay ko sa kanya.
Muli naman nagtawa ang dalwa ni manang at ate.
"Manang aalis po kami, pupunta kaming bayan. Baka po may kailangan dito na pede namin na bilhin dun" alok ko naman kay manang Rosa.
"Ah iho tamang tama, maglu luto sana ako ng kakanin kaso walang malagkit na giling na, pede ba kayo pumunta ng palengke saka sana brown sugar" sagot naman ni manang.
Nakita ko naman kung gaano nagliwanag ang mga mata ni Imee sa narinig nito. Paborito kasi nito matatamis at kakanin.
"Sige ho manang bibili po kami, kelan nyo po ba gagawin ?" Tanong ko ulit.
BINABASA MO ANG
One last Cry ...
RandomA story of flashback's love, pain and sorrow. Will fate stand in their side the present time ? Dumee fans enjoy reading 😉💚 Please vote and comment anytime 😁 Thank you 💚❤️