Imee's Pov:
Nagising ako ng madaling araw dahil kumukulo ang tiyan ko sa gutom dahil konti lang naman ang nakain ko nung gabi.
Tumingin naman ako kay Rod tulog na tulog na.
Hindi ko naman matiis ang gutom ko dahil sinisikmura ako kapag hindi ko ito ikinain.
Madilim naman sa labas kaya di din ako makalabas. Kung kaya't wala akong choice kung di gisingin si Rod.
Lumapit naman ako dito at niyakap ito para madaling utusan na samahan ako sa labas.
Nagising naman sya at tumingin sa akin.
Ngumuso ako dito at nagpa awa.
"R-rod gutom ako" sabi ko dito at puppy face card ang gamit.
"I-Imee sabi naman sayo kumain ka ng madami kanina dahil di mo pa naman makakain ung mga kakanin" mahina naman na sagot nito.
"Iihhh wag mo na ko pagalitan, labas na tayo please, sasakit sikmura ko eh" paawa ko naman dito.
Tumayo naman ito at hinawakan na ko para lumabas.
Binuksan naman nito ang ilaw sa labas at dumirecho kami sa kusina.
"Upo na Imee, wag mo kakainin yan kakanin, gabi na. Pagluluto kita. Anong gusto mo ?" Tanong naman nito.
"I want kare-kare" panglo loko ko naman dito.
Tumingin naman ito sa akin na parang nagtatanong kung seryoso ba ako.
"Imee naman, di pa tayo nagkaka baby grabe na paglilihi mo" biro naman nito sakin pabalik dahil alam nya na inaasar ko na naman sya.
"Fine ! I want kahit ano na lang na fried and rice" sagot ko naman dito.
Habang naglu luto ito ay tinitignan ko isa isa ang mga kakanin dahil para akong tinatawag nito para kainin sila.
Bigla naman itong nagsalita.
"Imee wala kang kaagaw jan bukas, promise iuuwi pa natin yan sa Ilocos" sabi naman nito habang nagpi prito ng hotdog at spam.
"Rod, ayoko umuwi" bigla ko naman dito na sabi.
Nagulat naman ito at tumingin sa akin.
"Dito muna tayo please ?" Paawa ko naman na pangkukumbinsi pa.
"Pag nasa ilocos tayo andun lagi yung die hard fan mo" dagdag ko pa dito.
Nakita ko na natawa naman ito.
"Rod, seryoso nga" reklamo ko pa.
Hindi naman ito umimik pero kita ko ang pag tango nya at inihain na ang pagkain ko.
Hindi naman nya ito sakin binigay at sya na ang nagpa palamig dito.
"Rod ...." Mahina kong tawag.
Tumingin naman ito sakin.
"Ako na magsusubo sayo para alam kong madami ka makakain this time" seryoso naman nitong sabi.
"Ihhh !!! Hindi yun kasi" sabi ko naman.
"Oo nga Imee ? Hindi na tayo muna uuwi" sagot naman nito.
Niyakap ko naman ito ng mahigpit.
Humiwalay naman ako sa pagkaka yakap at tinuro ang pagkain sa plato.
"Rod, ang dami nyan di ko mauubos" reklamo ko naman dito.
"Edi yung matitira mo ako na lang uubos" sabi naman nito.
BINABASA MO ANG
One last Cry ...
RandomA story of flashback's love, pain and sorrow. Will fate stand in their side the present time ? Dumee fans enjoy reading 😉💚 Please vote and comment anytime 😁 Thank you 💚❤️