Exactly 1 year later:
Rod's Pov:
Today is Sara's birthday. Parang kailan lang ng pinanganak ito. We are celebrating her birthday sa rest house. Wala naman ang mama at papa ko saka si Lily dahil bumalik na ito sa Europe at sa akin na pinasa ang company. Lily just finished college at kailangan nila mama na bantayan ito sa Europe dahil wala ito makakasama doon.
Nauna naman na kami nag celebrate ng birthday ni Sara kahapon dito sa bahay para today diretcho na kami sa rest house para dun mag celebrate ng bukod na kami lang.
Gustong gusto din kasi ni Imee na iuwi na ito sa rest house at nagre reklamo na sila manang Rosa na di pa nila nakikita ng personal si Sara.
Habang tumatagal ay nagiging makulit naman na si Sara at walang ginawa kung di lumakad ng lumakad. Ang magustuhan ay magustuhan. Pinapagalitan na nga ko ni Imee dahil masyado ko daw ito ini spoiled kaya ganun. Masisisi ba ko ? First daughter namin eh.
She's a lot like Imee. Makulit, pala ngiti, kaso may pagka maldita at mataray din katulad ng nanay. Hati din ang mukha nito, ang ilong at mata ay nakuha kay Imee at the rest sa akin na.
"Love may naiwan pa ba tayo ?" Tanong naman ni Imee habang kalong kalong si Sara.
"Wala na love, tara na ?" Akit ko naman dito at tumango naman ito.
....
Habang nasa chopper ay tulog naman si Sara buti na lang tulog ito kung hindi baka mahilo o mag tantrums, mahirap na.
Pagka baba na pagka baba namin ni Imee ay sinalubong na kami nila manang Rosa at kinalong na agad si Sara kahit tulog na tulog pa.
"Ang ganda gandang bata" matuwa naman nitong sabi.
"Rody, hawig mo pero maganda ang ilong at mata katulad ni Imee" singit naman ni ate Linda.
"Mas lamang nga ang kuha ni Sara sa mokong na to'" biro naman ni Imee.
Natawa na lang naman ako at tumingin sa kanya.
"Love kaugali mo naman eh" natatawa ko naman na sabi.
Hindi naman ito sumagot at inirapan na lang ako.
Pagkarating namin sa rest house ay nagising naman na si Sara at nakita ko na naka yakap na ito sa mommy nya.
"Nangingilala pa" sabi naman ni manang.
"Sa una lang ho yan manang, mamaya tignan mo po para kayong naghahabol ng turumpo" sagot ko naman.
....
Nakapag ayos na ako ng gamit sa kwarto at nakapag palit na rin ay wala pa rin sa kwarto ang mag ina ko at di parin ata nadede si Sara.
Nang lumabas ako ay naglu luto naman na sila manang para sa tanghalian namin.
"Sila Imee ho ?" Tanong ko naman kila manang.
"Ah nasa garden, pinapakita ni Imee kay Sara ung duyan na favorite nya tulugan" sagot naman ni Manang.
Tumango na lang naman ako at dumiretcho na sa may duyan.
Nakita ko naman na nakahiga ang dalwa dito at naka cover sya kay Sara para di ito mahulog.
Yakap yakap nya ito habang tinatapik at may hawak na dede si Sara.
Nang lumapit naman ako sa kanila ay bigla ito nagsalita.
"Wag kang uupo, talagang babagsak na tayo pag tatlo na tayo dito" seryoso nito na sabi habang talikod sakin.
BINABASA MO ANG
One last Cry ...
De TodoA story of flashback's love, pain and sorrow. Will fate stand in their side the present time ? Dumee fans enjoy reading 😉💚 Please vote and comment anytime 😁 Thank you 💚❤️