Leni's Pov:
Nagpunta ako sa bahay nila Rod kinagabihan pagkatapos namin magtalo sa company ni Imee. Tinanong ko sa isa nilang helper na si Grace kung nasan si Rod pero sinabi nito na wala daw at hindi umuwi. Si Grace ang nagsumbong sakin na nakita nya si Imee nung Sabado na pumunta ng bahay at pinigilan ni manang Fe na umalis para puntahan si Rod na nasa kwarto.
Nagalit pa nga ako dahil nung umaga na nagpunta ako sa bahay ni Rod ay sinabi nya wala dito pero nag dahilan itong si Grace na sinabi daw ni Manang Fe na sabihin na umalis si Rod.
Hindi ko alam ang dahilan kung bakit umaayon sa Imee na yun ang mga ito, halos lahat na lang ng nakapaligid kay Rod ay gustong gusto sya. Wala talagang taste pag mga taga probinsya.
Nanigurado naman akong wala talaga si Rod sa bahay at pumasok dito. Hinanap ko sya sa buong bahay at wala ngang Rodrigo dito pero ang sasakyan na ginagamit nya ay naka parada sa garahe nila.
"Leni, hindi umuwi si Rod, nagsabi ito na pupunta itong Manila" biglang sabi ni Manang Fe sa likod habang naglalakad ako papuntang garden.
"Ano naman ang gagawin nya sa Manila eh nandito ang project nya sa babaeng probinsyana na yun" inis ko naman na sagot.
"Leni umuwi ka na lang nagsasayang ka ng oras dito kahit guhuin mo ngayong araw na din na ito ang bahay ng mga Monte ay wala kang makikita na Rodrigo" naiinis naman na din itong sagot.
Ano ba mapapala ko hindi naman ito naka side sakin at nauto na din ng Imee na yun.
Umalis naman ako ng bahay at binilinan si Grace na kapag umuwi na si Rodrigo ay i report sa akin.
Marahil ay na checkmate ako ni Rodrigo sa nalaman nya tungkol sa pinalaglag kong bata. Sa kanya ko dapat ito ipapaako ng lihim dahil ikakasal naman kami nung mga panahon na iyon, pero dahil hindi natuloy ay pinalaglag ko na lang ito. Malamang sinabi na yun ng bestfriend nya na si Cristoft dahil hindi ko ito pinapansin na syang dahilan kaya ito nalaman ni Rod.
Pagkatapos ko naman maghanap kagabi sa bahay ni Rod ay bumalik ulit ako sa company nya ngayon at kinausap si Iya. Pinipilit ko itong sabihin kung san nag punta pero gaya ni manang Fe ay paulit ulit din nito na sinabing nasa Manila si Rodrigo at ilang araw ito doon mag-i stay.
Halata naman na mukhang tinatago nila si Rod mula sa akin dahil hindi nila sinasabi kung san sa Manila si Rod. Tinanong ko kanina kay Nate habang nasa kotse kung nasa condo ba si Rod pero sinabi nito na wala at nag bigay pa ng proof na hindi nga ito umuwi doon ng buong araw ng lunes.
Ni ma contact ito ay hindi ko na din magawa dahil ini block na ko nito sa kahit anong pedeng i communicate ko sa kanya.
Pagkatapos ko pumunta sa company ay dumiretcho naman ako sa company ni Imee.
Oo ! Andito na naman ako at mukhang hindi pa nya binibilinan ang mga employees nya na wag ako papasukin.
Nang makita ko ang secretary nito ay tinanong ko kung nasan si Imee. Sinabi naman nito na hindi naman pumapasok at wala daw ako ng mapapala na kahit anong information mula sa kanya.
Nasa labas na ako ng bigla pa itong nagsalita.
"Ay Mam Leni, naalala ko sabi nga pala nya na nasa manila daw sya ng ilang araw" peke na ngiti naman nitong sabi at isinara ang pinto ng office ni Imee.
Naiinis naman ako sa nalaman ko.
Humanda ka Imee kahit anong lapit at buntot mo ako ang papakasalan ni Rod.
Rod's Pov:
Naghahapunan kami ngayon at dalwa na lang kami ni Imee sa lamesa dahil kumain na ang mga kasama namin at umuwi na din sa kabilang bahay tabi nitong rest house.
BINABASA MO ANG
One last Cry ...
RandomA story of flashback's love, pain and sorrow. Will fate stand in their side the present time ? Dumee fans enjoy reading 😉💚 Please vote and comment anytime 😁 Thank you 💚❤️