Imee's Pov:
Nakausap ko naman si mama na kung pede ay 3 months ako mag stay sa manila dahil tapos naman na ang projects namin ni Rod at iba na din ang ginagawa nilang project ng mga Monte. Buti na lang at pinayagan ako nito dahil pag balik ko daw after 3 months vacation ay ako na ang mag Ceo dito.
Ganun din naman si Rod, sinabi nya sa magulang nya na babalik na ulit sya ng manila dahil dun naman na talaga sya nakatira at hindi sa Ilocos. At dahil gusto ng magulang namin na mapalapit pa kami for good business partner daw ay sinabi naman nila kay Rod na sya ang mag bantay sakin sa manila.
Hindi naman talaga kami sa manila mag stay kung di sa rest house. Sa tingin ko naman ay hindi ito mahahalata ni mama dahil hindi naman ito bumibisita madalas sa manila kahit nung nag aaral pa ako ay parang twice a year lang ito bumibisita.
Hindi kasi pede sa manila ako mag stay at baka may makakita pa sa akin na nagpa pacheck up sa ob gyne. Naku malaki talagang gulo.
Bago pa makaalis ng Ilocos ay nagkita muna kami ni Asha at Kyle.
"Hoy hindi ka ba pinapakain ng bodyguard mo at ang dami dami mo kinakain ngayon ?" Kyle.
Tumingin naman ako dito ng may pagta taka ...
"His referring to your Aki aka future husband" pang asar na pagkaka sabi ni Asha.
Inirapan ko naman sila.
"Bodyguard kayo jan" reklamo ko.
"Totoo naman eh yung magulang nyo pinag lalapit kayo maigi, kulang na lang kayo na ang i arrange eh" natatawa na sabi ni Kyle.
"Tigilan nyo nga ko" inis ko naman na sagot at tinawanan lang naman nila ako.
"Pero seryoso ha ! Di ka ba kumain buong araw ?" Natatawa na tanong ni Asha.
Nag pretend na lang naman ako at nag oo.
"Sa manila ka ng 3 months, vacation lang atupagin ha hindi ang pakikipag landian ng walang label" biro ni Kyle.
"Ay bek Kyle for what we know talaga pupunta lang yun dalwa sa manila para malaya silang mag ligawan kasi pansinin mo election period lang sila dun mag stay, umiiwas lang sa chismis dito" Asha.
Hindi naman natuloy ang tawa ng dalwa ng parehas ko silang kurutin ng mahina sa braso dahil parehas silang nasa tig isang gilid ko lang.
....
After ko magpaalam kila Asha at Kyle na sa manila muna ako ay dumirecho na ko sa bahay para antayin si Rod dahil alam naman nila mama na si Rod ang magha hatid sa akin sa manila at pauwi din ito doon.
Habang nakaupo sa sofa ay tumabi naman sakin si Nanay Lucil.
"Nak magi ingat ka dun ha, pag may kailangan ka itanong tumawag ka lang sa akin" paalala naman ni Nanay.
"Opo nay" maikli kong sagot sabay yakap dito.
Gusto ko na talaga sabihin kay nanay ang nangyayari sa buhay ko ngayon pero hindi ko parin kaya dahil baka ma disappoint din ito sa akin. Lagi nito pinapa alala na pag isipan maigi ang pagpapa kasal pero eto ako nag I do agad agad ng hindi man lang naisip ang mga tao sa paligid ko.
"Mas mabuti na sa manila ka Imee at kasa kasama mo si Rodrigo doon kesa naman nandito ka tapos ginugulo ka nung Kio" seryoso naman nito na sabi.
"Ang mama mo nagtanong pa sakin kung okay daw ang idea na pinayagan ka nya sa manila, sabi ko kasama mo naman ang anak ng Monte so kampante ako" dagdag pa nito.
Ngumiti naman ako kay nanay at niyakap pa ito ulit.
"Boto na boto tayo kay Rod ah ! Ano binibigay nya sayo nay ?" Biro ko.
BINABASA MO ANG
One last Cry ...
AcakA story of flashback's love, pain and sorrow. Will fate stand in their side the present time ? Dumee fans enjoy reading 😉💚 Please vote and comment anytime 😁 Thank you 💚❤️