Chapter 11

95 8 3
                                    

Imee's Pov:

It's Saturday at birthday ni Kyle ngayon ... Inibintahan naman nya kami ni Asha sa private resort malapit dito sa bayan namin.

Nakapag ayos na naman ako ng gamit kagabi at ready na umalis. Inaantay ko lang naman si Asha dahil sa kanya ako sasabay.

Nakita ko naman si Mama na nung napadaan ako sa library. Nagba basa ito.

"Goodmorning Ma" masaya ko na man na bati.

"Goodmorning nak" ngiti naman nito sa akin.

"Ano po yan binabasa mo ? Politics book ? Strategy ?" Tanong ko naman.

Natawa naman ito at tumingin sa akin.

"Why nation's fail" maikli nitong sagot.

"Bakit po ba bumabagsak ang isang bansa ?" Seryoso kong tanong.

"Sabi dito poor decision making, wrong investment, and weak leadership." Sagot naman ni mama.

Umupo naman ako sa tabi nya ...

"Ahhhh" sagot ko naman.

Tumingin naman ito sa akin.

"Parang nangyari sayo nak" Mama

Taka ko naman itong tinignan.

Ngumiti naman ito at nagsalita ...

"Because of your poor decision making nag invest ka sa maling tao, at dahil mali yung tao na pinag invest mo, it made you a weak leader sa sarili mo at bumagsak ka ng tuluyan" pagre relate naman nito sa akin.

"Si mama talaga, past na po iyon eh" sagot ko naman dito.

Hinawakan naman nya ko sa pisngi.

"Okay lang naman na bumagsak, basta babangon, basta magiging matalino na sa pagpili, hindi yung dahil lang sinabi sayo na mahal na mahal ka eh mahal na mahal mo na rin. Kung kayo talaga sa isa't isa babalik yan anak, ipagla laban ka nyan kahit pamilya pa ang kalaban" mahaba naman nito na paliwanag.

Hindi ako sigurado, pero parang si Kio ang tinutukoy ni Mama dahil hindi naman nya kilala si Rod before.

Nginitian ko na lang sya, tamang tama naman na bago ako tumayo eh syang pagtawag ni nanay Lucil dahil andito na daw si Asha.

"See you on monday ma" sabay yakap ko dito.

Niyakap naman nya ko pabalik at sinabi na mag iingat daw kami.

....

Nang makarating kami ni Asha sa private resort ay nandito na si Kyle, agad ko naman itong binati at niyakap ng mahigpit.

Pumasok naman kami sa loob at ilalagay ko na sana ang gamit ko sa kwarto ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"Hi" Rod

Lumingon naman ako at sabay tingin ko kay Kyle na sya naman nitong paliwanag.

"Aahhh ----- kila Nate kasi tong private resort, sa kaibigan nya kaya inimbitahan ko na din sila. Si nate yung may ari ng condo sa condo nyo sa manila, si Nate pangalan nun, yun bakla, kaso lumabas eh" kinakabahan nitong paliwanag sabay ngiti.

Hindi ako nagsalita at pumasok na lang sa kwarto. May dalwang bed sa isang kwarto. Lumabas ako at tinanong sila sa labas kung sino kasama ko dito.

Nakita ko naman na binuhat ni Asha ang gamit nya sabay pasok din sa kwarto ko.

Sinara ko naman ang pinto ...

"Bakit ka nagtanong kung sino kasama mo dito, malamang ako, may iba pa ba ?" Pang aasar naman nito.

One last Cry ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon