Imee's Pov:
"See you tomorrow bal sa secret place parin 6pm"
Magdamag kong inisip ang laman ng card. Hindi ko alam kung pupunta ba ko o hindi.
Nakaupo lang ako sa swivel chair ko at tulala ng pumasok si Cath.
"Mam okay lang po ba kayo ?" Tanong naman ni Cath sa akin.
"Ha ? O-oo naman" sagot ko naman dito.
Tumango lang naman ito at iniabot sa akin ang papel.
Maya maya pa ay tumatawag na si Rod sa akin
On call*
Rod: Love ? Lunch tayo mamaya ?"
Imee: Sige love, dito ka na lang pumunta. Just act na lang na meron kang sasabihin sakin.
Rod: Okay love, see you.
End of call*
Hindi ko naman alam kung sasabihin ko kay Rod o hindi. Kapag sinabi ko ay baka naman mag selos pa ito dahil hindi pa nga kami nagkikita ni Kio eh selos na selos na ito kahit ako na ang asawa.
Kio told me before he left 6 months ago ay babalik sya para i pursue ako ulit. After nawala ni Rod sa buhay ko ay nagpatuloy parin ang communication namin ni Kio secretly from our family, tanging si Camille lang naman at ang dalwa kong kaibigan na si Asha at Kyle ang nakaka halubilo namin ni Kio if ever nagkikita kami.
Malalim ang iniisip ko ng kumatok ulit si Cath ng ikina tingin ko.
Mam Sir Kyle and Asha are here po.
Tumango naman ako meaning na pede sila pumasok.
"Bakla !!!! I missed you !!! Sigaw naman ni Kyle at yakap sakin ng dalwa sa magkabila.
"Oh anong ganap bek ?" Tanong naman ni Asha.
"Anong magiging ganap ?" Tanong ko naman sa dalwa.
"Wag ka na nga mag maang maangan, magkasama kayo ni Rod buong linggo sa manila, impossible walang ganap" sagot naman ni Asha sakin.
"Okay na kami ni Rod, normal na kaming nag uusap" sagot ko naman dito na ikinatili nila.
"So meaning kayo na for real ???" Tanong naman ni Kyle.
"Ang sabi ko normal kaming nag uusap san banda ang sinabi ko na "kami na" ?" Pagsu sungit ko naman.
"For what we know bek dun din yun papunta" kinikilig naman na sagot ni Asha.
"Kayo kung mang aasar kayo, umuwi na lang kayo" pagta taray ko naman dito.
"We are not nang aasar noh, we are stating facts" pataray na sagot naman ni Kyle.
Hindi naman na ko umimik.
"So bumalik na ang bal mo" seryoso naman na sabi ni Kyle.
Tumingin lang naman ako dito.
"Nakita namin bek, nag hi pa nga eh bago kami pumunta dito" singit naman ni Asha.
"Magkikita daw kayo ?" Tanong naman ni Kyle.
"Ewan ko nga kung tutuloy ako" sagot ko naman.
"Nagda dalwang isip ka na noh ? Kasi may Rod na ulit" seryoso naman na sabi ni Kyle.
Hindi naman ako umimik.
"Ay naku bakla, timbangin mo maigi yan puso mo ha" dadag naman nito.
"Pero pede naman wag ka na lang pumili sa dalwa, dun sa isa ayaw ng commitment tapos yung isa naman mapilit sa commitment kahit ayaw mo" reklamo naman ni Asha.
BINABASA MO ANG
One last Cry ...
RandomA story of flashback's love, pain and sorrow. Will fate stand in their side the present time ? Dumee fans enjoy reading 😉💚 Please vote and comment anytime 😁 Thank you 💚❤️