Rod's Pov:
Nagdaan ang isang linggo at mas naging toyoin si Imee. Minsan ayaw ako nito makita sa loob ng kwarto at gusto na lang ako patulugin sa sofa. Sinabi naman ni manang na hayaan na lang daw muna at baka nagsi simula ng maglihi ito at malamang ay naga adjust pa sa nararamdaman at pagbabago sa katawan nya.
Minsan naririnig ko naman na kausap nito ang mama nya at ina update nya ito na okay lang sya, minsan si nanay Lucil din ang kausap nito o kaya naman ay kaibigan nya.
Nang pumasok ako sa kwarto ay narinig ko itong kumakanta sa bathroom.
Mukhang good mood ata ang misis ko ngayon araw.
Paglabas nito ay nakatakip lang ito ng towel at nagulat na nasa loob ako ng kwarto.
"Labas nakalimutan ko ung damit ko, ayan o inuupuan mo pa Rodrigo !" Naiinis nito na sabi.
"S-sorry love, eto yung damit" sabay bigay ko sa kanya.
"Labas na, magbi bihis ako" seryoso nito na sabi.
"Love naman, asawa mo naman ako bakit ako lalabas pa" seryoso ko din na sagot.
"Okay tumalikod ka na lang" pairap naman nito na sabi.
Para walang away ay tumalikod na lang ako.
Kita ko naman ang reflection nya sa may maliit na salamin sa may kabilang cabinet, pero kahit pina talikod nya ako ay tumalikod din sya sa akin.
Mas lalo atang gumanda at humubog ang katawan nya.
Napapikit naman ako para di ako maakit ng nakikita ko sa salamin.
Hindi ko naman napansin na nasa harapan ko na sya dahil nga napapikit ako.
"Hoy ! Naka talikod ka na pumikit ka pa, apaka gentleman mo naman ata" natatawa naman na nitong sabi.
Tumawa na lang din naman ako at di ko na sinabi na kita din naman sya sa may maliit na salamin.
"Gusto ko lumabas" pa cute pa nito na sabi para payagan ko.
"San naman tayo pupunta love ? Eh sa bayan lang naman may makikita at dito para kang naglalakad sa puro puno lang" sagot ko naman dito.
"Bored na ko dito, ayoko din sa bayan. Lakad na lang tayo jan sa labas" akit naman nito.
"Okay pero pag pagod ka na, uuwi na tayo agad" sagot ko naman.
"Bike tayo ? Hiramin natin ulit kila Jo" nakangiti naman nito na sabi.
"Love hindi pede yung ganyan activity, labas na lang tayo at lakad ng konti tapos balik na" seryoso ko na sabi.
Sumimangot naman ito sa akin at nag walkout palabas.
Nang hinabol ko ito ay hinawakan ko na sa kamay at papalabas na sana ng huminto ito.
"Ayoko na lumabas kakaligo ko lang, dun ako sa duyan" walang emosyon na sabi nito at bumitaw.
Grabe naman magbuntis to' parang wala na kong ginawa na tama.
Sumunod naman ako sa duyan at umupo sa tabi nya.
"Nami miss mo ba sa Ilocos ? Gusto mo ba umuwi ?" Tanong ko naman dito.
Dahil sa ilocos malaya sya nakaka labas at pumupunta sa ibang lugar, dito ay literal na probinsya na probinsya kasi kesa sa kanila.
Umiling naman ito.
"Madali nilang malalaman na buntis ako kapag umuwi ako doon" seryoso nito na sabi.
BINABASA MO ANG
One last Cry ...
DiversosA story of flashback's love, pain and sorrow. Will fate stand in their side the present time ? Dumee fans enjoy reading 😉💚 Please vote and comment anytime 😁 Thank you 💚❤️