Chapter 32

98 10 3
                                    

Rod's Pov:

It's already 5:30pm at inaantay ko naman si Imee sa likod ng company na bumaba.

Hindi ko din naman kasi kaya na pabayaan na lang mag usap yung dalwa ni Kio tapos secret place pa.

Asa sya na makuha nya ang asawa ko.

Pababa na si Imee ng makita ko kung gaano ka sexy ang suot nito. Hindi naman sya revealing pero fitted ang dress nito na kitang kita ang hubog ng katawan.

Parang ayoko na lang ito ihatid ah.

Pagpasok namin ng kotse ay sinamaan ko sya ng tingin.

"Handang handa tayo Imee Monte ah" medyo biro ko dito.

"Ang mama mo ang nagbigay sakin ng dress na to" pagtataray naman nito sa akin.

"Wala ka na bang ibang dress ?" Tanong ko naman sa kanya.

"Aba Mr. Monte, ikaw na nga pinaghandaan sa dinner ikaw pa tong demanding" sagot naman nito habang nakatingin sa mata ko.

"Sure ka ba na makakaalis ka sa pag uusap nyo, baka di ka na nga bitawan nun" naiinis ko naman na sabi.

"Baka magiging kasalanan naman ng asawa ko ano ? Kung hayaan nya ko dun sa isa ?" Seryoso naman nito na sagot.

Hindi naman ako nakaimik saglit dahil may point sya. Natatalo talaga lang ako ng selos ko ngayon.

"Wag mo pahalata ang selos mo" dagdag asar pa neto sakin.

....

Nakarating naman na kami sa sinasabing secret place, malapit ito sa likod ng park at hindi masyadong tambayan ng tao. Marahil ay mga bata lang ang naglalaro dito dahil para itong isang soccer field na hindi hinarangan ng may ari.

Bago bumaba si Imee ay nakita ko na si Kio, may dala itong malaking flowers at chocolates na nag aantay malapit sa may swing.

Tumingin naman sa akin si Imee ng natatawa.

"Ang eksena natin love para tayong nanghu huli ng sindikato tapos ako asset mo" natatawa nitong sabi.

Natawa na lang din naman ako dahil parang ganun nga dahil si Kio lang naman ang tao sa may swing although hindi naman madilim at may public lights naman dito. Tapos ang asawa ko ang magpa panggap na ka date at ako ang nagba bantay sa kotse.

"Lahat ng kalokohan mo love" natatawa ko na din na sagot.

Nagtaka naman ako ng ibaba ni Imee ang window car at tinawag si Kio.

"Love, bakit mo tinawag ?" Tanong ko naman dito na nagtataka.

"To tell him that we have dinner pa" ngiti naman nito na sagot.

Nang makalapit si Kio ay hindi naman bumaba si Imee.

"Hi bal it's nice seeing you again, sorry di ako makababa eh may dinner kami ni Rod" naka ngiti naman na sabi nito kay Kio.

Kita ko naman ang pagka gulat ni Kio ng makita na ako ang kasama ni Imee.

"Ah it's okay, I just want to give you these 2 lang naman eh" ngiti naman nito kay Imee.

Inabot naman ito ni Imee at inilagay agad sa backseat.

"Ah Imee, can we see each other again ?" Tanong naman ni Kio.

"Di ka kasi nagre reply ever since I went to California baka nagbago ka na din ng number can I get the new one ?" Dagdag pa nito.

Tumingin naman sakin si Imee na pinagtaka ni Kio.

One last Cry ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon