Chapter 19

100 10 6
                                    

Imee's Pov:

Unang araw namin dito sa Lucena. Walang pinagbago ang rest house, mas gumanda pa.

Hindi ko naman alam kung ilang araw kami dito. Pero sabi kanina sakin ni Rod nung pag gising ay nagpaalam na sya sa Mama ko na nasa manila kami para hindi ako hanapin.

Hindi ko parin naman ito iniimikan. Kapag kinakausap nya ko ay tinitignan ko lang ito para malaman nya na narinig ko kung ano ano ang pinag sasabi nya.

Pati phone ko kinuha nya at itinago para daw walang istorbo dahil nandito daw kami para mag unwind sa lahat ng toxic na iniwan namin sa Ilocos. At dahil nga hindi ko to' iniimikan ay hinayaan ko na lang.

Tinutulungan ko ngayon si manang Rosa na maghugas ng pinagkainan namin.

"Iha hindi ko ma gets si Rody, wala ka naman pinagbago. Sobrang ganda mo parin, matulungin, sobrang simple, at masayahin parin" sabi naman nito.

"Sa kanya lang naman po ko nagbago, hindi naman po kayo ang nakasakit sakin" sagot ko naman.

"Hayysss ilang beses ko naman kasi sinabi sa kanya noon na umamin na sya sayo bago pa mahuli ang lahat" sagot naman ni manang.

Hindi naman ako nagsalita dito at tuloy parin ang pag punas sa mga plato at baso.

"Alam mo kung anong sagot sakin ni Rody ?" Tanong pa nito.

"Ano ho ?" Sagot ko naman.

"Sabi nya, manang paano kung yung isa naman pala, paano kung nag assume lang ako" sagot naman nito.

Marahil ay tinutukoy nito si Kio dahil sa mga years na un, talagang pinagla laban ko si Kio sa pamilya ko.

"Ganyan ang nangyayari iha kapag hindi sumusugal at hinahayaan na lang matalo, ayaw nya kasi masira ang friendship nyo. Yan tuloy para kayong umuulit sa umpisa" sabi naman ulit nito.

"Natawa nga ko kahapon at sabi nito sa message nya kay manong nyo na uuwi sya dito at dala na ang asawa nya" natatawa naman na dagdag ni manang.

"Asawa naman po pala nya ang dadalhin nya dito bakit ako pa ang parang kinidnap nya, eh yung Leni na yun available 24/7 manang" seryoso ko naman na sagot dito.

"Malabo na yun ang dalhin nya dito iha, alam ko na ikaw na yung babae na gusto nya pakasalan nung una ka palang namin makita, nasa 19 o 20 palang kayo nun" sagot naman din nito ng seryoso.

"Po ?" Tanong ko naman kay manang dahil di ko na gets ang sinabi nya.

"Nung tinatayo nya itong rest house nung 18 sya dahil naibigay na ito ng lolo nya sa kanya ay kami ng manong boyet mo na taga pag bantay dito. Hindi alam ng pamilya nya na binigay ito ng lolo nya sa kanya" paliwanag naman nito.

"Ano naman pong kinalaman ng babae na papakasalan nya dito sa bahay ?" Tanong ko naman.

"Sabi kasi ng lolo nya sa kanya na tayuan ng bahay at dadalhin lang daw dito ang babae na sigurado nya ng papakasalan. Testigo ako nung nag uusap ang mag lolo dahil kami ang kasa kasama ng lolo nya noon" sagot naman nito.

"Nagulat nga ko ng makita ka isang taon mula ng maitayo ito dahil sa buong taon mula ng maitayo ay wala itong dinala na kahit sino. Akala ko kasi babaero yan si Rody at hindi seseryosohin ang Lolo nito" dadag pa nya.

"I'm sure po sa 3 taon mahigit na naghiwalay na kami ay di na ako ang unang nakarating dito manang" sagot ko naman dito.

One last Cry ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon