Rod's Pov:
Nagising ako ng wala si Imee sa kwarto. Narinig ko naman na nasa labas na si manang Rosa dahil parang meron itong pinapagalitan marahil ay inaasar ni Imee at ate Linda.
Hindi ko na lang ito muna pinansin at nag ayos na ng sarili.
Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Imee na kumakain ng kakanin at ang pinggan nito ay puno ng kakanin na parang pang dalwa na tao ang kakain.
Tumingin naman ito sa akin na puno ang bibig na kumakain at itinaas ang pinggan nya para alukin ako dahil hindi na ito maka usap sa dami ng kakanin sa bibig nya.
Bigla naman umusap si manang Rosa.
"Hay naku Rody buti at gising ka na, hindi ko mapigilan itong asawa mo kumuha parin ng madami at hindi pa kumakain ng umagahan" sabi naman nito sa akin habang nasa likod ito ni Imee.
Nakita ko naman na napainom na si Imee ng tubig at ngumiti ito sa akin ng pa cute as usual, game card nya yan lagi.
"Naku Rody wag kang mada daan sa pagpa pacute at nadali din ako nyan kanina kaya ko hinayaan na kumain kahit di pa nag aalmusal ng normal muna. Ang usapan namin titikman nya lang" dagdag na sabi naman ni manang.
Hindi naman ako umusap at tinignan si Imee ng seryoso.
Tinitigan din naman nya ko ng masama.
"Wag mo ko titigan ng ganyan Rod, buti nga kinuha pa kita, hello ? Sayo kaya ang kalahati nito" pagpa palusot naman nito.
Napatawa naman si manang sa sinabi ni Imee dahil nakahanap agad ito ng palusot.
Hindi na ko umimik at kinuha ang pinggan nito at kumain din.
Nakita ko naman ang gulat ng mukha nito at tumitig sakin habang kinakain ko ang pagkain nya.
Kinain ko naman ito ng mabilis at halos maubos na ang nasa pinggan.
Nakita ko naman na tinitignan na nya yung pinggan nya.
"Ano ? Sabi mo sakin to ?" Pang aasar ko naman dito.
"Eh di naman lahat eh, sabi ko kalahati lang" mahina naman nitong reklamo.
"Ay sorry paubos na pala" sabi ko naman at isinauli na ang pinggan sa kanya na may naiwan na lang na dalwang maliit na piraso.
Tumingin naman ito kay manang at nagpa awa ulit.
Kinuha naman nito ang pinggan ni Imee at nilagyan ulit ng kakanin.
Sinubukan ko naman humingi ulit dito pero umalis na ito at lumabas papunta sa may garden.
"Rody, talaga gustong gusto na iniinis si Imee" natatawa naman nito na sabi.
"Manang sya naman nauuna lagi saka ako din naman ang sumusuyo" natawa ko naman na din na sagot.
"Okay na ba kayo ? Nakita ko kanina ang unan na malaki sa may duyan" nakangiti naman nito na sabi.
Hamon ko kasi kay manang nung una namin na dating na kapag yung unan na malaki ay nasa duyan na ulit ibig sabihin ay di na kami magkaaway ni Imee.
Ganun kasi kami dati, madalas kaming maging aso at pusa kapag dito ko sya inaakit na mag bakasyon. At kapag nag aaway kami ay kinukuha nito ang unan sa duyan at inilalagay sa gitna ng kama. Ang sign na hindi na sya galit ay ibinabalik na nya ito sa duyan.
"Ako ho ang kusang nagbalik nun sa duyan, mukha naman na pong di na sya galit" proud ko naman na sagot.
"Hindi na nga at di naman nya ata binalik sa kwarto" sabi naman nito.
BINABASA MO ANG
One last Cry ...
RandomA story of flashback's love, pain and sorrow. Will fate stand in their side the present time ? Dumee fans enjoy reading 😉💚 Please vote and comment anytime 😁 Thank you 💚❤️