Chapter 8

91 8 8
                                    

Mayor Rioz's Pov:

Nasa hotel ako ng tumawag ang anak nila Mrs. Monte ...

Rod: Hello mayor ? Si Rodrigo po ito.

Mayor: Oh iho ? Kamusta ? Napamigay nyo na ba ung mga supplies na sinabi ng Papa mo para sa farmers ?

Rod: Opo mayor, nung isa isang araw pa po. Pero hindi po yun dahilan ng pagtawag ko.

Mayor: Ah okay iho, ano ba sasabihin mo ?

Rod: Andito po ko ngayon sa bahay mo po Mayor at hinatid ko po si Imee, kaso po bigla syang sinamaan ng pakiramdam.

Mayor: Naku ! Edi walang kasama si Imee jan ? Nag message sakin si Joy na umuwi sya at may emergency sa kanila, wala din si manang Lucil.

Rod: Kaya nga po eh, pinainom ko naman na po ng gamot, pinaalis po ako eh hehe.

Mayor: Iho pede ba na wag ka muna umuwi, i message ko ung helpers na bigyan ka ng damit. Pa bantay na muna sa anak ko ?

Rod: Sige po Mayor sa baba nalang po ako tutulog.

Mayor: Ay naku, sa guest room iho na message ko na ung helpers na tulungan ka. At tita na itawag mo sakin. Mayor ka ng mayor.

Rod: Ay sige po tita. Salamat po.

End of call ....

Sinadya ko talaga si Rodrigo na mag stay sa bahay, dahil sisimulan na namin ang plano namin ni Mrs. Monte na mapag lapit ang dalwa namin anak ...

Alam kong hindi na masyado ito in trend sa panahon ngayon pero eto lang din ang nakikita kong paraan para makalimutan ng anak ko ang sakit na binigay nung lalaking nanakit sa kanya isang taon na ang nakakalipas.

Gusto ko mabalik ang dating Imee. Yung dati na Imee na kahit rebellious ay sumusunod at may malambot na puso. Yung dating Imee na kahit maldita marunong magpa kumbaba sa tao. Yung dating Imee na anak ko bago pa sya masaktan ng sobra.

Gusto ko ung dating Imee ko na may pakiramdam ...

2 weeks ago:

"Mayor mukhang bagay ung mga anak natin ah" pabirong sabi ni Mrs Monte.

"Oo nga eh, hindi pa ba kasal ang anak mo ? Hindi ba nakatakda syang ikasal nung last na nag usap tayo sa Europe ?" Tanong ko naman dito.

"Hindi natuloy, gusto ba naman ng magulang na walang prenup ? Masyadong ambisyoso ang pamilya. All I know is kaya pumayag ang mga yun sa arrange marriage hindi dahil sa legacy kung di dahil palugi na pala ang business nila" sagot naman ni Mrs Monte.

"Ah ganun ba ? Ang mahirap lang sa arrange marriage hindi sila magiging masaya, kaya dapat paglapitin talaga muna ano ?" Sagot ko naman.

"Tama Mayor !!!!" Sigaw naman nito.

"Anong tama ???" Taka kong sagot.

"Bagay ang anak natin hindi ba ? What if paglapitin natin sila hanggang sa may ma develop, edi hindi na yun arrange or forced marriage !" Proud naman na explain ni Mrs. Monte

Naisip ko naman na hindi ito bad idea, dahil matagal na din ng makita ko ang anak ko na nakipag usap sa iba bukod kay Kyle at Asha na kaibigan nya talaga. Mukha din naman na mabait, magalang, at matalino si Rodrigo, so why not ???

Nag agree ako at sinabi ni Mrs. Monte na uuwi na sila ng Davao pero dahil may plano kami ay papaiwan daw nya si Rodrigo dito sa Ilocos ng 3 buwan para ito na ang mag handle ng partnership namin sa projects related to our companies.

One last Cry ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon