Imee's Pov:
Saturday ngayon pero nag message sakin ang secretary ni Rod na kailangan ko din daw pumunta sa company nila dahil may mga kailangan i discuss about the final touch of fabrics and designs. Gusto kasi ng family ni Rod na gawing international ang production nito.
Umaga naman na ng mabasa ko ang message nito kaya di ako nagising ng maaga.
It's 8am na at ang meeting ay mag start ng 9am tumawag naman agad ako kay Cath na sabihin kay Iya na mala late kami ng konti.
Dali dali akong naligo at naghanap ng maisusuot.
Maya maya pa ay kumakatok na si Nanay Lucil para sa agahan. Sinabi ko naman dito na may important meeting ako kaya pinauna ko na sila mag breakfast at sa labas na lang kakain.
It's exactly 8:35 pero hindi parin ako makapili ng isusuot.
Bakit ba ang hirap ngayon pumili ng isusuot dati naman tshirt at pants lang okay na. Kahit nga mag short lang ako na sumasama sa meetings ng Mama ko, wala naman arte arte.
Pinili ko na lamang ang green na dress.
Pagkatapos ko magbihis at mag ayos ay dali dali akong sumakay ng kotse dahil nag aabang na sakin si Cath sa company nila Rod.....
Nakarating ako sa company ni Rod kita ko naman si Cath na nakatayo sa tapat at parang tatawagan pa sana ako. Bumaba naman ako ng kotse at sinabi sa driver namin na ime message ko na lang sya kapag malapit na kami matapos sa meeting.
Kumaway ako kay Cath at binaba nito ang phone nya.
"Mam andun na po ang mga ka meeting natin, board members po pala" bulong naman sa akin ni Cath habang papasok na sa loob.
"Bakit kasi hindi mo ko tinawagan ng tinawagan kagabi" bulong na pabalik ko naman dito habang papasok na kami sa elevator.
"Mam tinawagan kita naka 26 miss calls nga po ata ako" reklamo naman nito.
Natawa na lang ako dahil sa mukha nya.
"Sorry naman, pagka uwi ko kasi, nagsulat pa ko ng chapters" paliwanag ko dito.
"Si Mam may inspiration para mag sulat" pang asar nito at pangiti ngiti.
"Wala noh ! Di lang ako makatulog kagabi" sagot ko naman.
"Balita ko Mam nung isa isang araw sabay daw kayo ni Sir Rod nag lunch after mo makipag bardagulan dun sa maarte na babae na yun" asar na naman nito.
"Inasar ko lang si Leni" sagot ko naman dito.
"Mam delikado ka na !" Seryoso naman nitong sagot pabalik.
"A-anong delikado ka na ?" Taka ko naman ditong tanong.
Sabay naman bumukas ang elevator.
BINABASA MO ANG
One last Cry ...
RandomA story of flashback's love, pain and sorrow. Will fate stand in their side the present time ? Dumee fans enjoy reading 😉💚 Please vote and comment anytime 😁 Thank you 💚❤️