Rod's Pov:
Pagkabalik namin sa resort ay naligo naman kami pero di ako nakaisa ng sabay ulit. Sya ang unang nakapag ayos, nakita ko sya na nagluluto na ng almusal namin.
Niyakap ko naman ito sa likod at hinalikan sa pisngi. Ang cute kasi talaga ng cheeks nya ang sarap talaga pang gigilan araw araw.
Nainis naman ito dahil nagluluto daw sya kaya binitawan ko na lang muna. Linggo na naman ngayon kayo bukas ay maaga kami uuwi at pauwi na din kasi ang nanay Lucil nya.
"Love, diba may malapit na church dito ? Simba tayo ? Tapos lakad lang" pag aaya naman nito sa akin.
"Bakit di pa tayo magsasakyan love ? Para less hussle at mabilis" tanong ko naman dito.
"Eh love malapit lang naman eh, please I want lakad lang, mas maganda maglakad dito kasi walang masyadong tao, layo layo bahay na nadadaanan mo tapos walang aso, tapos puro puno ang magkabila sa daan" pangkukumbinsi naman nito.
"Okay fine, lakad na tayo" ngiti ko naman na sabi dito.
Tinulungan ko naman na ito maghain at habang kumakain ay nakita ko naman yung kiss mark sa leeg nya na hanggang ngayon visible parin kahit nung umaga pa sya kahapon nagkaron nun.
"Love, may mga dress or clothes ka ba na hanggang middle neck ang style ?" Tanong ko naman dito.
"Hmmm meron sa bahay" sagot naman nito.
"Ayun suot mo ha pagpapasok ka sa office muna pero bukas mag scarf ka na lang" sabi ko naman dito.
Tinignan naman nya ko ng may pagtataka at tinuro ko naman ang kiss mark nya sa may bandang leeg.
"Kiss mark love, visible parin" natatawa kong sabi.
"You always pinanggi gilan mo kasi eh, ang tagal tuloy matanggal" irap na sabi naman nito sa akin.
"Put some scarf na lang muna nga tom pag uwi natin kasi diretcho na tayo office diba ?" Suggestion at tanong ko naman.
Tumango na lang naman ito kahit masama ang tingin sakin.
Pagkatapos naman namin kumain ay nagbihis na ulit kami at lumabas ng resort.
Naglalakad lang kami at magka holding hands, tama nga sya wala masyado nadaan at medyo layo layo ang bahay. Madami din puno, maganda nga ang lugar.
Habang naglalakad ay tinuro naman nito kung san nya nakita ung saging na dala nya nung last time na nandito kami. Habang tinuturo nya ay nakita naman sya ng lolo at lola na may ari nito at inakit kami pumasok sa loob.
"Hello po, bihis na bihis po tayo ngayon ah" masayang bati ni Imee.
"Magsi simba kasi kami iha, yan bang kasama mo ang bf mo ?" Tanong naman ni lola.
"Asawa ko po la' si Rodrigo po, love si lola at lolo yung nagbigay sakin ng saging" pagpapakilala naman ni Imee.
"Hello po lolo at lola, kayo lang po ba ang nasa bahay ?" Tanong ko naman.
"Ah may kasama kami isang apo, nasa manila ang magulang" sagot naman ni lolo.
Hindi pa naman ganoon ka tanda sila parang nasa 65 lang naman kaya, kayang kaya pa mag alaga.
"Ilan taon ho ?" Singit naman na tanong ni Imee.
"4 years old na" sagot naman ni lola.
Sakto naman na lumabas ang bata.
Nag hi naman kami dito at ngumiti naman ito pabalik, inakit naman namin sila na sumabay na sa pagla lakad.
"Gusto nyo kumuha kayo ng mga tanim sa bahay, may hinog na papaya at saging ulit sa bakod iha" pag aalok naman ni lola.
BINABASA MO ANG
One last Cry ...
AcakA story of flashback's love, pain and sorrow. Will fate stand in their side the present time ? Dumee fans enjoy reading 😉💚 Please vote and comment anytime 😁 Thank you 💚❤️