Chapter 37

92 9 6
                                    

Imee's Pov:

5 araw na ang nakakalipas mula ng nakauwi kami galing resort. Di naman kami nagkikita ni Rod dahil pinapunta itong Davao at tanging video call at tawag lang ang magawa namin tuwing gabi bago matulog.

Nakaupo ako ng pumasok si Cath at may gusto daw sa akin kumausap. Tinanong ko naman kung sino ng bigla na itong pumasok at pinatabi si Cath sa may pinto.

May dala itong tulips at isang maliit na teddy bear.

Tinanguhan ko naman si Cath na syang meaning na pede na sya bumalik sa upuan nya.

Pekeng ngumiti naman ako sa bisita at peke ditong naki beso.

"Hindi ko kasi alam kung paano ka ma contact tapos sabi ni Camille dun daw ako dumaan sa likod para di masyado makita ng tao mo dito" paliwanag naman ni Kio.

"Kio, gusto mo kong napapahamak noh ? Mas kilala ka ng mga taga dito kesa kay Camille, si Camille kaya yun nakakalusot sa likod dahil ang alam ng guard ay hindi naman ito ang kapatid mo. Eh ikaw anong dinahilan mo ?" Seryoso ko naman na tanong.

"Wala, hindi lang ako nagpakita. Saktong pumasok sa may quarters nila kaya nakapasok ako kasabay nung nagde deliver ng supplies nyo dito" seryoso naman nito na sagot.

"So paano ka lalabas ng hindi ulit nakikita ?" Pataray ko naman na tanong dito.

"Naka hoody naman ako at naka mask, di yan halata" proud naman nito na sagot.

Wala akong magawa at inirapan ko na lang ito ng palihim dahil wala naman din akong magagawa.

Iniabot nya sakin ang dala nya at inilagay ko na lang ito sa kabilang lamesa.

"Kamusta na bal ? Kayo na ba talaga ni Rod ?" Seryoso nitong tanong.

"Baka masaktan ka na naman ha, di ko na kaya makita kang umiiyak, sabi mo huling iyak mo na nung bago ako umalis dito" dagdag pa nito.

"Normal ang relationship namin ni Rod, hindi ko naman pede ito iwasan dahil mag business partner ang pamilya namin" pagkukunwari kong sagot.

"Eh bakit may pa dinner pa kayo nung una natin nagkita ? Sinisekreto mo ba sya ?" Pagtataka naman nito.

"Diba sabi ko normal kami, business dinner yun" kunwari ko ulit na sabi.

"Good bal, balita ko kasi naka engaged parin sya kay Leni, remember Leni ? Daughter ng bestfriend ng mama ko ? Kababata ni Rod, wala ka talaga laban dun. Magkasama na mula pagkabata, balita ko nga laging silang magkasama kahit san hanggang Europe, diba ikakasal doon? Di lang daw natuloy pero tuloy na tuloy na ngayon. Balita ko nga in a month na lang" seryoso naman nito na kwento.

So ganito pala ako manipulahin ni Kio noon, unti unti nya sakin binabago ang image ni Rodrigo. Dati pa ay sinasabi na nito nung nasa manila kami na nakikita nya si Rod na nagba bar, may kasamang babae, nagpapa gawa lang ng kung anong kailangan sa college para makapasa, pero baliktad naman kapag ang kasama ko ay si Rod, wala naman akong nakikitang mali which is dati ko ng pinagtataka. Akala ko ay dahil nagse selos lang sya dito. Pero talaga pala akong pinipilit na ilayo.

Nagalit ako kay Rodrigo ng sobra sobra dahil nung panahon na iwan ako nito ay itinatanim sakin ni Kio unti unti ang lahat na pedeng maging mali kay Rodrigo which is nung nalaman ko na ikakasal na ito ay naniwala na ko sa pinagsasabi nya.

"Wala naman akong magagawa dun, isa pa hindi naman naging kami ni Rodrigo dati pa so ano naman ihahabol ko ikasal man sya sa isang buwan ?" Seryoso ko naman na sagot dito.

One last Cry ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon