Rod's Pov:
Gabi na tumigil ang ulan, pagkatapos kong kumain ng hapunan ay nagpa alam muna ko kay Nanay Fe na lalabas na muna at magla lakad lakad para maging pamilyar sa lugar.
Bata pa kasi ako nung pumupunta kami dito at tuwing bakasyon pa.
Madami na nagbago, yung ibang lugar na bakante ay nagkaron na ng mga tindahan, restaurant, or mga bahay.
May mga poste na din bawat daan at makinis na ang daan hindi katulad dati.
Habang nagla lakad ay natigil ako dahil nakakita ako ng bata na nakatingin sa foil balloon.
May fiesta pala dito. Lumapit ako sa bata at tinanong ito.
"Pili ka" ngiting sabi ko sa bata.
"Tinitignan ko lang po" sagot naman nya.
"Gusto mo ba ? Pili ka na, saka kung may kapatid ka pili mo na rin sya" Rod
"Wala po ko pambili eh" tungo naman netong sagot.
Kumuha ako ng pera sa wallet ko at ibinigay sa bata.
"Ayan, may pera ka ng pambili" sabi ko sabay hawak sa ulo nya.
Ngumiti naman ito at masayang nagpa salamat.
Nagpaalam na ko sa bata at lumakad na ulit, tanaw ko na naman ang plaza malapit sa nagti tinda ng lobo kaya dun ko na napag pasyahan na pumunta. Mukha kasing madaming tinda at naghanay na mga pagkain na binibenta.
Nakarating na ko sa plaza at tama nga ako, madaming nagti tinda ng sari sari at madami din streetfood.
Habang nagla lakad lakad at tumitingin tingin sa paligid ay napansin ko naman na sinusundan ako ng bata na nakilala ko kanina at may kasama na itong isang bata din na mas maliit sa kanya.
"Kuya, kuya !!!" Tawag nito sakin.
"Oh ang ganda ng mga lobo nyo" ngiti kong sabi.
May inabot naman ang bata sakin.
"Ano to ?" Rod
"Sukli nyo po dito sa binili namin na lobo, iniwan nyo po kasi eh" sagot naman nito.
Lumuhod naman ako dito at kinuha ang kamay nya upang ibigay ulit ang sukli. Nagta taka akong tinignan ng bata.
"Sayo na yan, bumili kayo ng pagkain, tingnan nyo oh ang daming tinda" Rod
"Talaga po ? Amin na lang po ito ? Pero po sobra pa po ito sa bibilhin namin pagkain na gusto namin dito bilhin" sabi nya.
"Edi bukas ulit nyo gastusin ung iba, tapos pag di naubos, bukas ulit. Ilan araw ba fiesta dito ?" Tanong ko naman.
5 days po, unang araw po ng fiesta.
"Hala kulang yan sa 4 na araw pa" sabi ko naman.
Kinuha ko ulit ang wallet ko at binigyan pa ito para sa ilang araw pa nila na gagastusin para sa mga nakikita nila dito sa plaza.
"Wow ang dami po nito kuya !" Sigaw naman ng bata.
Ngumiti na lang ako.
"Anong pangalan nyo at ilan taon na kayo ?" Tanong ko.
"Ako po si Bryan at eto po si Joseph, ako po ay 7 at kapatid ko po ay 4 lang" sagot naman nito.
"Asan ang magulang nyo ?" Tanong ko naman ulit.
BINABASA MO ANG
One last Cry ...
De TodoA story of flashback's love, pain and sorrow. Will fate stand in their side the present time ? Dumee fans enjoy reading 😉💚 Please vote and comment anytime 😁 Thank you 💚❤️