Rod's Pov:
Halos isang buwan mahigit na ang nakakalipas mag mula ng nagpunta kami ni Imee ng resort with Asha and Kyle.
Kinuwento naman ni Imee ang maling information na nalaman nila Kyle at Asha kay Kio. Kaya pala nilalayo nila si Imee sakin nung araw na yun at hindi ako masyadong pinapansin.
Buti na lang at naliwanagan ang mga ito.
Hanggang ngayon ay hindi parin tinitigilan ni Kio si Imee na padalhan ng kung ano ano at pilit naman iniiwasan nito si Kio dahil ngayon pa lang ulit sila ng mama nya nagiging okay.
Gusto ko man confrontahin si Kio ay di ko magawa dahil pinipigilan ako ni Imee at malaking gulo daw lalo na at mage election. Baka madamay pa ang lahat.
Hindi naman na nang gugulo si Leni dahil nagsa suffer ito sa depression at pinauwi na ito ng Europe dahil sa nabuking nyang miscarriage. Nahihiya din ang pamilya nya sa pamilya namin at hindi na talaga tinuloy ang proposal. Well kahit naman matuloy ay magiging invalid din naman yun o hindi din maaari matuloy dahil kasal ako kay Imee.
Ngayon naman ay maglu lunch kami ni Imee. Dun kami maglu lunch ngayon sa restaurant nila dahil nag set kami ng lunch meeting kunwari.
Nag aantay ako kay Imee ng makita ko to na pababa na, natutuwa naman ako na nakatingin dito dahil kahit medyo bumibilog na ata ito dahil ang takaw takaw ay napaka ganda parin ng katawan.
Pagsakay nya ng sasakyan ay pinapa lakasan nya ang aircon dahil ang init init daw. Totoo naman mainit naman talaga pero malakas na ang aircon ng sasakyan.
"Love full na yan" sabi ko habang tinitignan nya kung sira ba yung aircon.
"Eh bakit naiinitan parin ako ?" Tanong naman nito.
"Kalapit mo ko love, pano ka di maiinitan eh ang hot hot ko" biro ko naman dito.
Inirapan naman nya ko at sinabi na mag drive na lang dahil nagugutom na sya.
Pagdating namin sa restaurant ay nakahanda na ang mga pagkain. Nasa VIP room ulit kami kaya dalwa lang kami dito.
"Love, ayoko ng mga yan" reklamo naman nito sa pagkain.
"Ano ? Diba eto lagi ang ino order mo dito ?" Taka ko naman na tanong.
"Oo nga pero mas gusto ko dun sa isang restaurant na kinakainan natin, ayoko dito" reklamo naman nito ulit.
"Love, dapat sinabi mo kanina para di na sila naghanda. Sayang to oh ?" Mahinahon ko naman na sagot.
Nakita ko naman ang pagsu sungit na mukha nito.
"Edi kainin mo lahat" irap na sagot naman sakin.
"Ipa take out na lang natin tapos bigay natin sa mga bata sa park ?" Tanong ko naman dito.
"Wala na dun ang mga bata, may mga pasok na sila" pagsu sungit parin naman nito na sagot.
"Sige love, take out natin tapos pag wala tayo nakita pagbi bigyan dalhin mo na lang sa office" mahinahon ko ulit na sabi.
Hindi naman ito nagsalita at tumango na lang ito.
Pagkatapos namin ipa takeout ay umalis na kami at papunta na sa kabilang restaurant. Habang nasa sasakyan ay di naman ito umiimik at parang inaantok ito.
"Love, okay ka lang ? Nakatulog ka ba ng ayos ?" Tanong ko naman dito.
"Wag na tayo pumunta sa restaurant kain na lang tayo sa office mo" mahina naman nito na sagot.
BINABASA MO ANG
One last Cry ...
SonstigesA story of flashback's love, pain and sorrow. Will fate stand in their side the present time ? Dumee fans enjoy reading 😉💚 Please vote and comment anytime 😁 Thank you 💚❤️