Imee's Pov:
Naalimpungatan naman ako at napagtanto na hindi ito ang kwarto ko. Naramdaman ko naman na yakap yakap pa rin ako ni Rod pero hindi na ganoon ito ka higpit.
Tinignan ko sya pero tulog na tulog parin, hindi na din ito gaano kainit kesa kanina na pagpunta ko dito.
Bumangon naman ako ng dahan dahan dahil mahirap na baka magising pa. Nakuuu malaking gulo.
Pagbaba ko ay nakita ko si nanay Fe na nakaupo na sa sofa. Tumingin naman ito sa akin.
"Hindi na kita nagising Imee" sabi naman nito.
Nanlaki naman ang mata ko dahil pumasok agad sa utak ko ang pwestuhan namin ni Rod kanina sa kama.
"Si Rod po kasi nay, nakakainis bigla po kong hinila tapos hindi po ko makaalis" pagpapaliwanag ko naman dito.
Sinenyasan naman nya ko na umupo sa tabi nya. Kaya lumakad ako at umupo.
"Iha, nak di ko alam kung ano ba yung status na ng relasyon nyo ni Rod, pero sa maniwala ka at hindi. Ikaw lang talaga ang minahal nun" seryoso naman na sabi ni nanay Fe.
"At saka alam mo ba Imee, nung bumalik sya dito, dapat itatanan ka nya at iuuwi ka nya sa secret rest house daw nya dito sa Pilipinas" Dagdag pa nito.
"P-pooo ???" Gulat ko naman na tanong.
"Kaso di natuloy, galit na galit nga sya sa kapatid nya. Kasi nung time na yun paalis na sya papunta sayo at narinig sya ng kapatid nya na nag uusap kami na pupuntahan ka nya nung gabi. Natakot si Lily na mag away kayo ng kuya nya dahil sa naisumbong na pala nito sayo ang lahat" patuloy nitong kwento.
Hindi naman ako makapag salita sa naririnig ko.
"Nalaman nya nak, na alam mo na palang ikakasal sya bago ka pa nya sana itanan" pagpa patuloy pa ulit ni manang na kwento.
Bigla naman nag ring ang phone ko at nakita ko na tumatawag si nanay Lucil at tinatanong kung nasan na ko.
Pagkatapos ko naman kausapin si nanay Lucil ay nagpaalam na ko kay nanay Fe. Niyakap naman ako nito.
"Imee, maaaring sinasadya ka nya na saktan dahil ayaw ka nya umasa, pero maniwala ka at sa hindi, ikaw ang tunay na minahal ni Rod" sabi nito at bumitaw sa pagkaka yakap at nilagay ang dalwa nyang palad sa pisngi ko.
Ngumiti na lang naman ako sa kanya at sinabi na kapag hinanap ako ni Rod, pakisabi na kanina pa ko nakauwi.
....
Habang nagda drive ay may kung anong luha ang gustong ilabas ng mga mata ko pero hindi ito lumalabas.
Nakarating ako sa bahay at sinalubong ako ni nanay Fe. Sinabi naman nito na 3 oras na nag aantay si Cath sa may garden.
Naalala ko naman na pinapunta ko nga pala ito ng mga 2 sa bahay para sa revise at checking ng mga papel sa opisina.
Hindi naman na ko nakapag bihis at pinuntahan na agad si Cath. 5pm na pala, at mahigit 4 na oras pala akong nakatulog kila Rod.
Nakita ko si Cath na nakayuko na sa lamesa.
"Cath ! Cath !" Gising ko dito.
"CATHLEYA !!!!" marahan ko naman na sigaw dito.
"Ay anak ka ng palaka" gulat naman nitong reaction.
"Hoy maganda ang mommy ko noh ?" Pagtataray ko naman dito.
BINABASA MO ANG
One last Cry ...
RandomA story of flashback's love, pain and sorrow. Will fate stand in their side the present time ? Dumee fans enjoy reading 😉💚 Please vote and comment anytime 😁 Thank you 💚❤️